CHAPTER 42

70 2 0
                                    



Kierra's Point of View






TANGING mga tunog lamang ng kubyertos ang maririnig sa loob ng dinning room kung saan kami kumakaing apat. Magkatabi sina Larco at Darius sa kabila, habang magkatabi naman kami ni Henry. Pare-parehas silang mga walang kibo at sige lang ang kain.

“Henry, ayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang katawan mo?” basag ko sa katahimikan at saglit na tiningnan si Henry. Parang bahagya pa itong naubo nang marinig ang tanong ko.

“H-Hindi na,” sagot nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Tila bumalik na naman sa pagiging seryoso tulad ng dati.

Anyari?

Napasimangot na lang ako at pinagpatuloy na ang pagsubo.

“Pagkatapos mong kumain, magbihis ka at sumama kay Henry sa kanyang pupuntahan.”

Napaangat ako ng tingin kay Larco at bahagyang napakunot-noo. “H-Huh? Saan naman po?”

“You'll know when you got there,” sagot nito at tipid na ngumiti sa akin bago binalik ang tingin sa kanyang pagkain.

“Baka masakit pa ang katawan ni Henry, kaya ako na lang ang maghahatid sa kanya,” sabat naman ni Darius na kinatingin dito ni Larco. Saglit pa silang nagkatitigan dalawa nang seryoso.

Nang matapos akong kumain ay agad akong nagbihis tulad ng utos sa akin ni Larco.

Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta, pero sumama na lang ako kay Darius paalis ng isla sakay ng speedboat.

Pansin ko ang pananahimik ni Darius sa buong biyahe. Seryoso lang itong nakatanaw sa karagatan na tila ba may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano, parang ngayon ko lang kasi nakita ang kanyang mukha na ganito kaseryoso. Oo nagseseryoso din naman siya kung minsan pagkasama ako, pero saglit lang at napapangiti din siya agad. Kadalasan kasi pagkasama niya ako ay masyado siyang makulit, minsan bigla na lang lumalabas ang kanyang pagkamanyak. Pero ngayon ay ibang-iba ang expression ng mukha niya.

Natatakot tuloy ako na baka galit siya sa akin. Pero wala naman akong naaalala na may nagawa akong mali o kasalanan na maaari niyang ikagalit.

Nang dumaong kami sa isang beach resort na palagi naming dinadaungan ay agad kaming sumakay ng kotse.

Pansin ko ang paglabas ng mga ugat sa matipunong braso ni Darius dahil sa higpit ng hawak nito sa manibela. Tuwing may babagal-bagal na sasakyan sa unahan namin ay agad niya itong binubusinahan nang paulit-ulit. Nakakabingi tuloy sa sobrang ingay.

“Are you okay?” basag ko sa katahimikan, hindi na ako nakatiis pa.

Saglit naman akong tinapunan ng tingin ni Darius bago nito ibinalik ulit ang focus sa pagmamaneho.

“I'm not okay,” maiksi niyang sagot sa akin.

“B-But why? Galit ka ba sa 'kin?” muli kong tanong na sinabayan ng paglunok.

“Why would I? You're my baby girl, kaya hindi ako dapat magalit sa'yo.” Naroon pa rin ang kaseryosohan sa kanyang boses.

“P-Pero bakit po mukhang galit ka?” Napakagat pa ako pang ibaba kong labi. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko dahil sa mga tanong na lumalabas sa bibig ko.

Ang daldal ko talaga!

Dapat tumahimik na lang ako, eh. Halata namang galit siya. Mamaya ay mapagbuntungan niya pa ako ng galit niya dahil sa sobrang pagkausisa ko sa kanya.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon