CHAPTER 2

96 3 0
                                    

NAPABALING ang tingin ko mula sa panonood ng TV dahil sa biglang pagtunog ng doorbell. Akmang tatayo na ako pero nakita ko na ang paglabas ni Yaya Poling mula sa kusina.

"Naku hija, manood ka lang diyan. Ako na ang titingin kung sinong tao sa labas," she kindly offered.

I nodded in agreement and returned my attention to what I was watching. Today is sunday, and there are no classes. I assured it might be Amie ringing the doorbell. She mentioned she'd be coming over so we could work on our homework together, but I knew she was mostly eager to see my brothers.

“Kierra sweetheart, did you see my phone?" Kuya Renz called out as he descended the stairs, dressed in just a bathrobe with water dripping from his wet hair. It was clear he had just finished taking a shower, yet he was already searching for his phone.

"Hindi ko po nakita, kuya," I replied casually, still focused on the TV.

"Ugh! Where did I put it? Naka-silent mode pa naman 'yon, kaya useless din kahit tawagan ko pa."

"Just buy a new one then," balewala kong suhestiyon at nahiga na sa sofa habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa TV.

“Hindi puwede, sweethert. Sa girlfriend ko ang cell phone na 'yun at talagang malilintikan ako kapag nawala 'yun. Hays! Kinuha ko pa naman 'yun sa kanya nang hindi niya namamalayan.”

Hindi na ako sumagot pa kay kuya at hinayaan nalang siya sa paghahanap sa kanyang cell phone.

Nag-fucos na lang ako sa aking pinapanood. Ang sabi ni Amie ay maganda daw ang movie na 'to at subrang nakakauhaw panoorin, kaya pinahiram niya sa akin ang dvd tape. At heto naman ako ngayon pinapanood ang kanyang movie suggestion. Mukha ngang maganda ang movie na 'to, hindi ko lang alam kung anong title.

Inabot ko ang popcorn na nasa mesa at sumubo sa aking bibig habang nakatutok parin ang tingin sa aking pinapanood. Pero agad na nabitin ang kamay ko sa muling pagkuha ng popcorn at napaawang din ang aking labi nang makita ang eksena na nasa library ang queen at best friend ng king kung saan naghalikan ang mga ito, at hindi ko inaasahan ang susunod na pangyayari. Biglang sinakop ng lalake ang nakaluwang dibdib ng babae at pagkatapos ay,

“What the f*ck!” malutong na pagmura ni kuya Renz mula sa likuran ko at kasing bilis ng hangin na tinawid ang sofa at pinatay ang TV.

Napakurap-kurap naman ako at nahulog din sa kamay ko ang ilang piraso ng popcorn. Napaawang ang labi ko sa pagkagulat, gulat sa pinapanood kong eksena at gulat sa biglang pagsulpot ni kuya sa harap ko.

“What the hell! Where did you learn to watch porn, Kierra!” galit na sabi ni kuya na nanlilingas ang mga matang nakatingin sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot.

Damn Amie! Anong klaseng movie 'yun?

Parang gusto kong murahin si Amie kung nandito lang sana ito. Hindi ko alam na may sex scene pala sa movie na 'yun. Shit! At talagang nakita pa ni kuya.

"T-That's not porn, kuya. It's a movie," halos pabulong kong sagot at naupo mula sa pagkakahiga sa sofa.

Pagak na natawa si kuya pero naroon parin ang pagkaseryoso sa mukha.

"It's a movie? Are you serious?" hindi makapaniwala nitong sabi at bumuga sa hangin bago napahawak sa sariling baywang at binalik ang tingin sa akin. "At kailan ka pa natutong manood ng ganoong klaseng movie, ha? You're too innocent to watch that kind of movie, Kierra!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni kuya.

Hindi ko mapigilan ang mapasimangot at napayuko. Napapisil nalang ako sa sarili kong mga kamay, ganito ako kapag pinapagalitan ng mga kuya ko.

“Ano ba 'yan, Renzo! Bakit mo ba sinisigawan ang kapatid mo?"

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon