CHAPTER 29

80 3 0
                                    



NAKATITIG lang si Larco sa akin nang seryoso hanggang sa umigting ang kanyang panga at napahaplos sa sariling pisngi na nasampal ko.

“Masarap ba?” nakangiti kong tanong at muling bumungisngis.

Ilang minuto niya pa akong tinitigan bago saglit na pumikit at bumuga sa hangin na tila ba pinapakalma ang sarili na huwag magalit. Sa huli ay isang buntong hininga kanyang pinakawalan.

“Your dare, kailangan mo nang gawin 'yun,” seryoso niyang sabi at dinukot ang cell phone sa kanyang bulsa bago ito kinalikot at nilapag sa ibabaw ng mesa. “Three minutes, kapag hindi mo ako naakit sa loob ng tatlong minuto, ihahagis kita sa dagat mula dito sa rooftop pababa.”

Napatigil naman ang pagtawa ko at napatingin sa ibabaw ng mesa. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang nag-start na pala ang time na three minutes sa kanyang phone.

Para akong nataranta at agad na tumayo, pero pagkatayo ko pa lang ay parang bigla akong nahilo, kumirot ang ulo ko at parang umikot pati paningin ko, kundi pa ako nakakapit sa upuan ay baka tuluyan na akong natumba at bumagsak sa sahig.

“Shit!” rinig kong sambit ni Larco. Mabilis itong lumapit sa akin at iniyapos ang isang braso sa aking baywang para alalayan ako. “Are you okay? I told you, tama na ang pag-inom, pero ang tigas ng ulo mo!” sermon niya pa sa akin na akala mo'y isang tatay na nagagalit sa anak.

Sinimangutan ko siya. “Tsk... But it already happened... Ano'ng magagawa ko eh nainom ko na? Alangan namang iluwa ko pa,” nakanguso kong sagot at inihilig ang ulo sa kanyang dibdib. “Sige na...” Itinuro ko ang malawak na karagatan. “Itapon mo na lang ako doon at ipakain sa mga pating!”

He chuckled. “So tumatapang ka pagnalalasing, huh? Hindi ka na nakakaramdam ng takot sa akin?”

“Sa multo lang ako natatakot. I'm sleepy...” napapahikab kong sambit at yumakap sa kanyang baywang.

“But—damn! What about your dare?” tila hindi makapaniwala niyang bulalas.

“I'm really sorry but I don't really know how to seduce a gay...” inaantok kong sagot at sinabayan ng tamad na pagtawa.

Napamura si Larco nang sunod-sunod. “F*ck! Fuck! I'm not a gay!” Pilit nitong binabaklas ang kamay kong nakayapos sa kanyang baywang, pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya at sumiksik lalo sa kanyang walang saplot na dibdib. Napakabango at maligamgam kapag niyayakap kahit na sobrang tigas dahil sa mga bumubukol na abs.

“I swear I'm gonna make you scream my name later! Damn it!” Naramdaman ko na lang ang bigla kong paglutang dahil sa kanyang pagbuhat sa akin.

Hindi ko alam kung saan niya ba ako dadalhin pero napakapit na lang ako sa kanyang leeg. Nang mapaangat ako ng tingin sa kanya ay bumungad sa akin ang hindi maipinta niyang mukha. Halatang-halata ang pagkainis sa kanyang guwapong mukha na muli kong kinabungisngis.

“Stop laughing!” He glared at me.

Napanguso ako. “I'm thirsty, gustong kong uminom pa ulit...”

“Tsk... Tubig ang inomin mo!” masungit niyang sagot sa akin at nakuha pa akong irapan.

“Nga pala parang wala akong nakita ni isa sa mga tauhan mo, nasaan na sila?” tanong ko habang pababa kami ng hagdan.

“Bukas pa ang balik ng mga 'yun dito.”

Pumasok kami sa loob ng kuwarto na nasa first floor. Akala ko ay sa master's bedroom niya ako dinala pero agad na bumungad sa akin ang ilang gamit na pangkusina na nakaayos nang mabuti.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon