LUMAPAD ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ang pagtama ng masarap na simoy ng hangin sa aking mukha. Saglit ko pang ipinikit ang aking mga mata at ibunuka ang aking dalawang braso upang damhin ang masarap na simoy ng hangin na talaga namang nakaka-relax.
Tumatakbo na ang yate at ngayon ay nakatayo lang ako sa rooftop habang nakatanaw sa malawak na karagatan at hinihintay ang paglubog ng araw.
“Gotcha!” Muntik na akong mapatili sa gulat dahil sa biglang pagyapos ng dalawang matitigas na bisig sa aking baywang mula sa likuran.
“Let's go inside. It's cold here, baka lamigin ka pa at magkasakit...” rinig kong sabi ng malambing na boses. Napakislot pa ko ako nang maramdaman ang pagdampi ng malambot na labi sa aking balikat.
“Pero gusto ko pang panoorin ang paglubog ng araw...” mahina kong sagot at bahagya pang lumingon, pero pagkalingon ko ay isang smack kiss agad ang tumama sa aking pisngi.
“Eh 'di sabay nating panoorin. Let's watch the sunset before we go inside.” Ramdam ko ang pagsiksik ng kanyang mukha sa aking leeg at ang paghigpit ng yakap ng kanyang mga braso sa aking baywang. Nakuha pang haplos-haplosin ng kanyang mga kamay aking tiyan na natatakpan ng suot kong maxi dress.
Napakagat na lang ako sa gilid ng aking pang-ibabang labi upang pigilan ang huwag mapangiti nang malapad.
Ilang araw na ba? Pero hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa kanyang pakikitungo sa akin.
It's been 3 nights ang 2 days mula nang malasing ako at makagawa ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko, at lalong hindi ko kayang gawin sa isang tulad ni Larco na talaga namang sobrang nakakatakot dahil sa bagsik ng pag-uugali at pagkasuplado.
Nang magising ako nung umagang 'yun ay halos isumpa ko ang alak nang maalala ang mga pinag-gagawa ko kay Larco. Ang malakas na pagsampal, paglandi at pagsuka sa kanya ay hindi ko akalain na magagawa ko ang mga bagay na 'yun dahil sa alak.
Sa dami ng alak na nainom ko ay 24 hours din akong nanatili sa higaan nang walang alis-alis dahil sa lagnat. Hindi ko inaakala na lalagnatin ako dahil lang sa kalasingan. Naalala ko pa kung paano ako umiyak dahil sa sakit ng ulo nung umagang 'yun, ni bumangon ay hindi ko kaya. Pero ang hindi ko lubos na inaasahan ay ang pag-aalaga sa akin ni Larco at ang pagbantay niya sa akin buong magdamag. Nagawa niya akong punasan ng bimpo, subuan ng pagkain at buhatin papunta sa loob ng cr kapag nasusuka ako. Ni kahit isang reklamo ay wala akong narinig mula sa kanya.
Nakakapagtaka at nakakapanibago ang biglang pagbago ng kanyang pakikitungo sa akin. Oo naroon pa rin naman ang pagkaseryoso sa kanyang mukha kung minsan, pero 'yung pakikitungo niya sa akin ay iba na, ibang-iba na.
Talagang sobra akong natakot nang maalala ang mga nagawa ko nung gabing 'yun. Akala ko ay talagang malalagot na ako dahil sa mga pinag-gagawa ko sa kanya, pero iba sa inaasahan ko ang nangyari.
Gusto ko mang isumpa ang alak dahil sa epekto nito, pero mas gusto ko na lang mag pasalamat dahil uminom ako nito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagbago ng pakikitungo sa akin ni Larco, pero hindi ko mapigilan ang makaramdam ng saya sa dibdib ko.
“Wow... What a beautiful sunset!” namamangha kong sambit habang nakatanaw sa papalubog na araw.
“Yeah.. It's beautiful like you, baby...” rinig kong anas ni Larco sa malambing na boses habang nakayapos pa rin ang mga braso sa aking baywang at nakapatong ang mukha sa aking balikat.
Pakiramdam ko ay pinamulahan na naman ako ng mukha dahil sa pagtawag niya sa akin ng baby. Hindi ako sanay na ganito siya. Ibang-ibang siya sa Larco na palaging mainit ang ulo at parang galit na tigre kung makatingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/362884916-288-k850467.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Ficción GeneralDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...