NAKAHIGA ako sa ibabaw ng kama habang nakatingin kay Henry na ngayon ay nakapatong na sa ibabaw ko. Nakatukod ang dalawa niyang siko sa magkabilaan kong uluhan habang nakatitig sa mga mata ko na para bang may gustong ipahiwatig sa pamamagitan ng tingin, pero hindi ko lang matukoy kung ano iyon.
“Kapag nagawa mo nang mabuti ang gusto ko, saka kita pagkakatiwalaan bilang aking tauhan. At bilang regalo, bubuhayin ko para sa'yo ang babaeng 'yan kahit na anak pa siya ng kinaiinisan kong pulis. Kaya ano pang hinihintay mo, Henry? Umpisahan mo na!” maawtoridad na utos ng matandang Vandrec na ngayon ay nakatayo naman sa isang tabi kasama si Rheanne at ng kanyang tatlo pang tauhan na may mga hawak na baril.
Pinapanood lang nila kami ni Henry at hinihintay na may maganap.
May dalawang camera ang nakatayo sa magkabilaan ng kama at nakatutok sa amin ni Henry.
“H-Henry, b-ba-baka p-patayin nila tayo . . . kaya sige na, h-halikan mo na kasi ako...” mahina kong sabi sa natatakot na boses.
Mas okay na 'to. Mas pipiliin kong si Henry ang humalik sa akin kaysa naman sa mga lalaking 'yun kanina na itsura pa lang ay talagang nakakakilabot na.
Hindi pinansin ni Henry ang sinabi ko, bagkus ay lumingon ito sa matandang Vandrec.
“Gusto kong lumabas muna kayo para magawa ko nang mabuti ang gusto ninyong mangyari. Ayoko lang na pinapanood ako sa pag-gawa ng ganitong klaseng bagay.”
Bahagyang namang kumunot ang noo ng matanda. Saglit pa nitong tinapunan ng tingin ang dalawang camera bago ito ibinalik ang tingin kay Henry at napatitig nang seryoso na para bang nangingilatis, pero kalaunan ay agad din itong napatango-tango.
“Sige kung 'yan ang gusto mo. Basta siguradohin mo lang na hindi mo ako mabibigo sa gusto kong mangyari. Huwag na huwag ka ring magkakamali na alisin ang dalawang camera na 'yan, dahil kapag ginawa mo 'yun, hindi mo na makukuha pa ang tiwala ko. At nasisiguro kong ibabaon na kita sa hukay kasama ng babaeng 'yan!”
“Makakaasa ka,” seryosong sagot ni Henry.
Ngumisi pa ang matandang Vandrec bago nito senenyasan ang mga tauhan para lumabas. Nang makalabas silang lahat ay naiwan kaming dalawa ni Henry sa taas ng kama.
Rinig ko ang pagpakawala ni Henry ng isang malalim na buntong hininga bago ibinalik ang tingin sa akin. Napatitig siya mukha ko habang nanatili pa rin sa ibabaw ko at nakatukod ang dalawang siko sa magkabilaan kong uluhan.
“H-Henry...” pabulong kong sambit sa kanyang pangalan.
Ilang sandali pang napatitig sa mukha ko si Henry bago ito ngumiti sa akin, 'yung klase ng ngiti na hindi man lang umabot sa mga mata.
“Are you still afraid?” mahina niyang tanong sa akin habang nakatitig pa rin sa aking mga mata.
Marahan akong tumango.
Yes, I'm still afraid. Natatakot pa rin ako, takot na takot. Pakiramdam ko kasi ay parang nasa hukay na ang kalahati kong mga paa sa mga oras na 'to. Mawawala lang ang takot ko kapag nakaalis na ako sa lugar na ito.
Henry sighed again.
Marahan niyang hinaplos-haplos ang buhok ko. “I promise to take care of you no matter what happen, Kierra. Kaya 'wag ka nang matakot pa, dahil handa akong protektahan ka sa abot ng aking makakaya. Kahit buhay ko pa ang kapalit,” matapos niyang sabihin 'yun ay agad na bumaba ang kanyang tingin sa aking labi at napatitig doon.
Pansin ko pa ang kanyang paglunok bago muling ibinalik ang tingin sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng kanyang mga mata. Parang may something sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
General FictionDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...