HABANG nasa biyahe sakay ng kotse ay parehas na walang kibo sina Larco at Darius na para bang hindi magkakilala. Nakaupo silang dalawa sa tabi ko, sa kanan si Larco habang sa kaliwa ko naman si Darius. Kasama namin ang isa nilang tauhan na siyang nagmamaneho ng kotse.
Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta dahil wala naman akong lakas magtanong lalo na't napakatahimik nilang dalawa at napakaseryoso habang nakatanaw lang sa labas.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang sinasakyan namin sa harap ng isang simbahan, o tamang sabihin na ampunan dahil marami akong bata na natatanaw sa loob ng bakuran na mga naglalaro ng tagu-taguan.
“Huwag kang lalabas, manatili ka lang dito sa loob,” ani Larco sa akin at nakuha pang haplosin ang labi ko bago lumabas ng kotse.
“Caloy, bantayan mo si Kierra, huwag mong iiwan dito sa kotse nang mag-isa, maliwan ba?” bilin ni Darius sa driver na agad namang tumango.
“Masusunod, boss!”
Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Darius at seryoso lang itong bumaba ng sasakyan, muntik pa akong mapaton sa gulat dahil sa malakas nitong pagsara sa pinto ng kotse na para bang nagdadabog.
Naiwan kaming dalawa ng lalaki sa loob ng kotse. Napatingin-tingin na lang ako sa labas at pinanood ang mga batang naglalaro.
Lumipas ang isang oras ay hindi pa rin bumabalik sina Larco at Darius.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa aking pambisig na relo. 5:48 PM na rin pala, ibig sabihin ay malapit na namang gumabi.
Nang mapatingin ako sa lalaking driver ay parang hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan.
“Kuya, ayos ka lang po ba?”
Napalingon naman ito sa akin at parang hindi na maipinta ang mukha na parang pawis na pawis kahit hindi naman mainit sa loob ng kotse.
“Miss, pwede bang iwan muna kita saglit? K-Kailangan ko kasing lumabas para mag cr, kanina pa sumasakit ang tiyan ko,” napapangiwing sabi ng lalaki habang hawak ang sariling tiyan na para bang kanina pa pinipigilan ang utos ng sarili.
Parang naawa naman ako sa itsura nito, kaya agad kong tumango. “Sige po okay lang, huwag kang mag-alala hindi naman po ako tatakas.”
Nang marinig ng lalaki ang sagot ko ay nagmamadali na itong bumaba ng kotse at tumakbo na papunta sa kung saan habang hawak ang sariling tiyan.
Napailing na lang ako.
Gusto ko sanang tumakas pero parang nakonsensya naman ako. Ayokong may mapahamak nang dahil sa akin. Kawawa naman ang lalaking 'yun kung sakaling tatakas ako, I'm sure parurusahan 'yun ng mga boss niya or baka hindi na buhayin pa. And I don't want it to happen.
Lumipas ang isang oras ay hindi pa nakabalik ang lalaki at sina Larco at Darius. Medyo dumidilim na at nagsimula nang mabuhay ang mga streetlights sa paligid.
Napahikab ako at napasandal sa aking kinauupuan, parang nakakaramdam na ako ng antok.
Ipinikit ko ang aking mga mata para sana umidlip habang naghihintay, pero agad din akong napamulat nang may biglang tumunog. Nagpaling-linga ako sa loob ng kotse at hinanap kung saan galing ang tunog, nang mapatingin ako sa driver seat ay isang cellphone na umiilaw ang nakita ko, na tingin ko ay pag-aari nung lalaki na nahulog ata nang 'di namamalayan. Agad ko itong dinampot at akmang sasagutin na ang tumawag, pero agad akong natigilan nang biglang may pumasok sa isip ko.
Kaya imbes na sagutin ang tumawag ay mas pinili ko itong patayan na lang.
Muli akong sumilip sa labas, nang makita na wala pa sila ay para akong nakahinga nang maluwang. Gamit ang nanginginig kong mga kamay ay agad kong tinipa ang number ng isa sa mga kuya ko. Thanks god, buti na lang pala ay memorized ko ang number ni Kuya Cev.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Ficción GeneralDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...