10:34 PM na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok, hindi ako mapakali sa aking kinahihigaan. Ngayon ay nasa kuwarto na ako ni Henry tulad ng gustong mangyari ni Larco, pinalipat niya si Henry sa ibang kuwarto.
Napabuga ako sa hangin at bumalikwas ng bangon.
At dahil hindi naman ako makatulog ay naisipan kong lumabas na lang ng kuwarto. Paglabas ko ay tahimik na sa buong mansyon, pero nang mapatingin ako sa glass window ay tanaw na tanaw ko ang maraming tauhan habang nakatayo at hawak ang kanilang mga baril na para bang handang makipagsagupaan ano mang oras. Parang mas lalong humigpit ang pagbabantay dito sa isla dahil sa pangyayari kaninang umaga kung saan pinaulanan nila ng bala ang mga sasakyan pandagat ng nasabing Lord Vandrec na 'yun.
Pagkapasok ko ng kitchen ay nagulat pa ako nang mabungaran si kuya Arel na nakaupo sa may mesa at parang tulala na tila ba'y may malalim na iniisip, natauhan lang ito nang makita akong pumasok.
“Oh, Kierra, bakit gising ka pa? Huwag mong sabihin na pati ikaw ay nagiging bantay na rin at uutusan akong magtimpla ng isang daang tasa ng kape?” mapait na sabi ni Kuya Arel na may kasama pang pag-irap na tila ba bad mood talaga.
“Hindi naman po, iinom lang sana ako ng tubig.” Mabilis akong lumapit sa ref at binuksan ito bago kinuha ang isang pitsel ng tubig at nagsalin sa baso.
Nang matapos uminon ay pasimple akong naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Kuya Arel.
“Mukhang pagod po kayo, Kuya Arel. Pasensya na po pala kung hindi ko na kayo natutulungan dito sa kusina nitong mga nakaraang araw. Hayaan niyo, bukas tutulungan ko po kayo sa lahat ng gawain.”
Napabuntong hininga si kuya Arel at mahinang umiling sa akin. “Huwag mo nang tatangkain pang tumulong sa akin dito sa kusina, nasabi na sa akin nina boss na huwag na daw kita utusan at pagsilbihan na lang kita.” Tiningnan ako nito. “Sabihin mo nga, Kierra, may relasyon ba kayo ni boss? Sino sa kanilang dalawa? Si boss Larco ba o si boss Darius? Parang nalilito kasi ako eh.”
Mahina naman akong umiling nang sunod-sunod. “Wala po ah, wala kaming relasyon.”
“Eh bakit bawal na daw kitang utusan? Bawal ka na rin daw tumulong dito sa akin sa kusina tulad ng dati. Akala ko ba katulong ka dito sa isla? Pero bakit ganoon ang sinabi ni boss?” Napabuga pa sa hangin si Kuya Arel.
Napalunok naman ako at hindi alam ang isasagot. Hindi ko alam na sinabi 'yun ng boss niya, pero sino naman kaya sa dalawa?
“Nga po pala, matanong ko lang, sino ba 'yung Lord Vandrec na 'yun?” pag-iiba ko sa usapan.
Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Kuya Arel at sumandal sa kanyang upuan. “Daddy 'yun nina boss.”
Kumunot ang noo ko. “Daddy po? You mean tatay nila? So ibig sabihin magkapatid sina Larco at Darius? Pero bakit nila pinagbabaril kanina kung tatay pala nila 'yun?” tila hindi makapaniwala kong tanong nang sunod-sunod.
Nagpalinga-linga naman si kuya Arel sa paligid bago ako nito senenyasan na huwag mag-ingay.
“Kasi nga, hindi maganda ang trato sa kanila ng matandang 'yun lalo na kapag palpak palagi ang transaction nina boss tulad nitong mga nakaraang buwan. At isa pa, hindi naman nila totoong tatay 'yun dahil adopted lang sina boss,” pabulong na sagot ni Kuya Arel.
Natigilan naman ako. Parang biglang pumasok sa isip ko ang mga nakita kong bakas ng latigo sa likod nina Larco at Darius noong isang araw. Hindi kaya 'yung Lord Vandrec na 'yun ang may gawa?
“Kaya pumunta sina boss sa Hungary at China ay para sa pagkalaban nila kay Lord Vandrec, dahil kapag nakuha nila ang loob ni Mr. Shen para sa transaction ng mga baril ay pwede na nilang kalabanin si Lord Vandrec. Kasama ka pa nga pumunta 'di ba? So tingin ko mukhang successful naman dahil kinalaban na nga nila ang matandang 'yun ngayon,” dugtong pa ni Kuya Arel at sinabayan pa ng pag-iling-iling at satsat.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
General FictionDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...