CHAPTER 19

86 2 0
                                    


MABILIS akong bumalikwas nang bangon at umalis sa ibabaw ni Henry. Agad akong napatingin sa katawan ko.

Naalimpungatan naman si Henry dahil sa pag-alis sa kaniyang ibabaw.

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwang nang makitang suot ko pa rin ang bathrobe na suot ko kagabi. Si Henry naman ay damit lang ang wala pero nakasuot naman ng shortpants.

“B-Bakit ako nandito? K-Kung gano'n ikaw ang…

Akala ko si Darius. Mukhang nagkamali ata ako ng akala.

“Hindi ka puwede sa kuwarto nina boss dahil may bisita at baka makita ka pa, kaya dito kita dinala sa kuwarto ko, ayon na rin sa utos ni boss Larco,” tamad na paliwanag ni Henry bago napahikab at inunat-unat pa ang katawan bago bumangon.

“So kung gano'n ikaw pala ang bumuhat sa akin kagabi...” mahina kong sambit at napatingin sa bedside table kung saan may maliit na palanggana ang nakapatong at may puting towel pa sa loob.

“Yeah.. You begged me last night to stay with you.” Bumaba si Henry sa kama. “At ang masaklap pa, bukod sa ginawa mo na akong kama, nilawayan mo pa pati katawan ko!” masungit nitong sabi.

Parang napahiya naman ako at wala sa sariling napahawak sa sarili kong bibig. Talaga bang naglaway ako? Oh my gosh! akakahiya!

“Naku . . . sorry... h-hindi ko sinasadyang m-malawayan ka.”

Pansin ko naman ang pagpigil ni Henry ng ngiti dahil sa pag-sorry ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapasimangot. Baka niluluko lang ako nito. Parang hindi naman kasi ako naglalaway kapag natutulog, at isa pa palaging nakasara ang bibig ko.

“Ako na ang maunang maligo since kuwarto ko naman 'to. Sumunod ka na lang pagkatapos ko.” Naglakad si Henry palapit sa pinto ng bathroom.

“S-Sandali!” pagpigil ko sa kaniya.

Napatigil naman si Henry sa akmang pagpasok sa bathroom at napalingon sa akin. Kinunutan pa ako nito ng noo na para bang nagtatanong kung bakit.

“Ah k-kasi gusto ko lang mag pasalamat. T-Thank you for helping me last night. Kundi dahil sa'yo ay baka nanigas na ako sa loob ng freezer na 'yun.”

“Tsk...” tanging sagot ni Henry sa akin bago tuluyang pumasok ng bathroom.
Napasimangot na lang ako.

Minsan talaga ay hindi ko rin maintindihan ang ugali nitong si Henry. Mabait naman pero may pagkademonyo kung minsan. Nagmana ata sa kaniyang mga boss na may pagka-psychopath. Pero magpaganon pa man ay lubos pa rin akong nagpapasalamat dahil sa pagligtas niya sa akin sa loob ng malamig na freezer na 'yun.

Nang matapos si Henry sa pagligo ay naghilamos lang ako at nagmugmog sa loob ng kaniyang bathroom, at sabay na kaming lumabas ng kuwarto.

Habang naglalakad sa hallway ay napapatingin ako sa labas,kung saan mula sa glass wall nitong mansyon ay tanaw na tanaw ko ang malawak na karagatan. Napangiti nalang ako. Napakagandang tanawin.

Ngunit ang ngiti ko ay unti-unting nawala at napahinto din ako sa paglalakad nang makita sina Larco at Darius na naglalakad sa dalampasigan kasama ang isang babae na nakasuot lang ng black swimsuit. Parang kakaahon lang nila mula sa paglalangoy sa dagat dahil halatang basang-basa sila kahit malayo.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapapatitig sa babae. Kahit medyo may kalayuan ay kapansin-pansin ang kasexyhan nito dahil sa suot nitong black swimsuit na talaga namang labas ang kabilaang pingi ng puwetan at tangin butas lang ata ang natatakpan ng maliit na tela.

“Akala ko ba bawal ang mga babae dito sa isla?” mahina kong bulong habang nakatanaw sa labas.

“She's the important visitor,” rinig kong sabi ni Henry, na siyang muntik ko nang makalimutan na nasa tabi ko pala.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon