PARA akong maiiyak na naglakad pabalik sa loob ng mansyon habang basang-basa, tumutulo pa ang tubig dagat sa aking suot na t-shirt.Lintik na Henry na 'yun, akala ko pa naman gentleman siya pero may pagka-beast din pala tulad ng dalawang boss niya. Ang sama niya! Ang sama nilang lahat!
Pumasok ako sa kuwarto ni Darius at naligo. Nagkulong nalang ako sa kuwarto buong maghapon, lumabas lang ako nang sumapit ang 5:30 PM. At dahil basa na 'yung bra at panty ko kanina ay wala akong choice kundi suotin ang brief ni Darius at boxer, buti nalang may nagkasya kahit medyo maluwang, at sa t-shirt naman ay ginawa kong tatlo para hindi halata kahit wala akong suot na bra.
Pagkapasok ko ng kusina ay nakaupo si kuya Arel sa may mesa at nakaharap sa malaking bilao na may lamang mga iba't-ibang klase ng gulay.
“Kanina pa kita hinihintay, ba't ngayon ka lang lumabas? Halika nga dito samahan mo akong putulin itong sitaw para maluto!” masungit nitong sabi nang makita ako.
Mabilis naman akong lumapit at naupo sa bakanteng upuan.
“Huwag ka nang gumamit ng kutsilyo at baka mahiwa ka pa. Ganito na lang ang gawin mo, putulin mo lang gamit ang mga kamay mo,” pagturo sa akin ni kuya Arel at pinakita sa akin ang pagputol ng sitaw.
Tumango nalang ako. Madali lang pala.
Habang nagpuputol ako ng mga sitaw ay inaasikaso naman ni kuya Arel ang ibang gulay, 'yung iba ay pinasok sa loob ng ref habang ang iba naman ay binalatan gamit ang maliit na kusilyo.
“Nga pala, Kierra, napansin ko lang, bakit palaging damit ata ni boss ang palagi mong sinusuot? Wala ka bang ibang masuot? At isa pa, saan ka nga pala natutulog? Saan banda ang kuwarto mo?”
Natigilan ako sa sunod-sunod na tanong ni kuya Arel, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.
“Nga pala, kuya Arel, matanong ko lang kung pinagalitan ka ba ni Larco kahapon dahil sa pagpasok natin doon sa kuwarto na 'yun?” pag-iiba ko sa usapan para makaiwas sa kanyang tanong. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang takot sa mukha ni kuya Arel habang lumuluhod sa harap ni Larco dahil lang sa maliit na dahilan.
Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi magtaka. Ganon ba talaga kalupit sina Larco sa kanilang mga tauhan at kahit kunting pagkakamali lang ay kailangan pang lumuhod at manginig sa takot? Parang sumubra naman ata 'yun, pero ano pa nga ba ang inaasahan ko sa isang criminal? Hanggang ngayon nga ay parang hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang pagpatay ni Darius sa tatlong lalaki.
“Ano pa nga ba? Buti na lang at hanggang sermon lang ang inabot ko. Iba kasi si boss Larco kapag nagagalit 'yun, talagang nagiging bayolente! Sakit niya na 'yun, kaya lahat ng mga tauhan dito sa isla ay takot sa kaniya.”
Kumunot naman ang noo ko sa sagot ni kuya Arel. “Ano pong ibig niyong sabihin? May ganoon ba talagang uri ng sakit?”
Tumango si kuya Arel. “Kapag kasi nai-stress si boss Larco at nagagalit 'yun, pansin ko ang kanyang pagiging bayolente, kaya tingin ko ay mayroon siyang sakit na kung tawagin ay...” pabitin na sabi ni kuya Arel at napatikhim pa.
Natigilan naman ako. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang malakas na pagsampal sa akin ni Larco noong bagong dating palang ako dito sa isla. Nung mga oras na 'yun ay kitang-kita ang galit sa mga mata nito.
“So you mean, Larco is a psychopath?” Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa sarili kong bibig. “Oh my gosh! He's so dangerous!”
Napailing-iling naman si kuya Arel sa akin. “Hindi naman ganon, ano ka ba! Pero basta, 'wag mo na lang alamin.”
“Pero paano niyo po nasabi na sakit 'yun? Doctor po ba kayo?”
Inirapan ako ni kuya Arel. “Bakit? Kailangan ko pa ba maging doctor para masabi na isang sakit ang pagiging bayolente kapag nagagalit?” masungit nitong sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
Fiksi UmumDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...