CHAPTER 28

88 3 1
                                    


HABANG nasa biyahe sakay ng black limousine ay nanatili lang akong tahimik at ganoon din si Larco na nakaupo sa tabi ko. Hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin hanggang sa huminto ang limousine sa isang pier kung saan nakadaong ang yate. Inalalayan niya pa akong bumaba hanggang sa makasakay kami ng yate at umalis na ang limousine na naghatid sa amin.

“Pumasok ka na sa kuwarto na nasa second floor at matulog,” walang emosyon na sabi ni Larco sa akin bago ako tinalikuran.

Napasimangot na lang ako at wala nang nagawa kundi ang sumunod sa kanyang sinabi. Pagkapasok ko ng kuwarto ay hindi na ako nag-abala pang magpalit ng kasuotan at dumiretso na lang ako nang higa sa ibabaw ng malambot na kama.

May ilang minuto na akong nakahiga at nakatingin lang sa kawalan. Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Parang hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagiging cold ulit ni Larco sa akin.

Inis akong bumalikwas ng bangon at napabuga sa hangin. Napatingin ako sa isang sulok ng kuwarto kung saan nakatayo ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit namin ni Larco. Tumayo ako at kinuha ang isang passport na nakapatong sa ibabaw ng maleta. Muli akong bumalik ng kama at naupo. Pagbukas ko ng passport ay agad na bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Larco na ubod ng seryoso. Napatitig ako sa kanyang litarato nang ilang minuto, hanggang sa napadpad ang tingin ko sa kanyang date of birth. June 25 1994 ang nakalagay, so ibig sabihin, it's his 27th birthday today!

Muli kong binalik ang passport sa ibabaw ng maleta at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Halos nalibot ko ang pasikot-sikot sa loob ng yate bago ko nakita si Larco sa rooftop habang nakaupo sa isang wooden chair at nakatanaw sa malayo. May isang baso ang nakalagay sa mesa at dalawang bote ng mamahaling alak na parang bagong bukas ang isa at konti lang ang bawas.

“What are you doing here?” tanong niya na parang kinagulat ko pa. Akala ko ay hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil nakatalikod siya sa akin at tila malalim ang iniisip, pero talagang malakas ang pang amoy niya!

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya at naupo sa isang bakanteng upuan na nasa kanyang tabi.

“Go back to your room, kung ayaw mong makita ang galit ko,” seryoso niyang sabi sa akin. Akmang magsasalin na siya muli sa kanyang baso, pero mabilis kong inagaw ang malaking bote ng alak sa kanyang kamay at tinungga papunta sa loob ng aking bunganga.

Ang sama ng lasa! Sobrang pait na tila maanghang na parang iwan, pero tiniis ko hanggang sa naubos ko ang laman. Parang nahahapo na inilapag ko ang walang laman na bote sa ibabaw ng mesa. Nang mapatingin ako kay Larco ay kita ko ang pag-awang ng kanyang labi na tila ba hindi makapaniwala sa ginawa kong pag-inom.

Saglit ko pang pinilig-pilig ang ulo ko nang makaramdam ng pagkahilo. Parang umikot agad ang paningin ko dahil sa ininom. Mukhang matang na alak!

“Huwag ka nang magalit sa akin, please?” Nakanguso kong sabi kay Larco at ngumiti nang malapad sa kanya. “Happy birthday, Larco Zayn!”

Pansin ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo. Hindi siya sumagot at pinagmasdan lang ako nang seryoso.

“Galit ka ba sa akin dahil sa wish ko? Then sorry na, kalimutan mo na lang 'yun basta huwag ka lang magalit sa akin...” Napasimangot ako nang hindi pa rin siya sumagot. Inabot ko ang isang bote ng alak at bubuksan sana pero ayaw mabuksan.

“Tsk...” rinig kong asik ni Larco. “Lasing ka na! Kapag iinom ka pa niyan ay baka bibigay na ang katawan mo. Masyadong hard 'yan!” Inagaw niya mula sa akin ang bote at ito'y binuksan bago nagsalin sa baso, pero pagkapuno ay agad ko siyang inunahan at kinuha ang baso bago muling tinungga nang inom papunta sa bibig ko. Ramdam ko ang pagdaloy ng matapang na alak sa lalamunan ko.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon