CHAPTER 22

87 3 0
                                    



Third Person's POV




1:30 am.

Tahimik na sa buong isla at tanging tunog na lamang ng mga kuliglig ang maririnig at mahinang hampas ng maliliit na alon sa dalampasigan.

Nakahiga si Darius sa kama habang nakaunan sa kanyang isang braso at nakatitig sa puting kisame na para bang may malalin na iniisip. Ang kanyang isang braso naman ay nakabukas at ginagawang unan ng babaeng katabi na ngayon ay mahimbing na ang tulog habang nakayapos pa sa kanya ang isa nitong braso.

Darius sighed. Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay napabaling ang tingin niya sa dalaga. Saglit siyang napatitig sa maamo nitong mukha hanggang sa hindi niya napigilan ang mapahaplos sa makinis nitong pisngi.

“Kierra... baby girl...” mahina niyang pagtawag dito at bahagyang kinurot-kurot pa ang pisngi ng dalaga, pero nanatili lang itong nakapikit habang mahinang humihilik at hindi man lang nagising.

Napangiti na lang si Darius at muling nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago dahan-dahan na iniangat ang ulo ng dalaga sa kanyang braso at inilipat sa puting unan bago kinumutan.

Maingat siyang umalis ng kama at bumaba ng basement.

Pumasok si Darius sa loob ng Secret Room kung saan naroon si Larco na nakaupo sa ibabaw ng kama habang pinupunasan ang isang baril.

“So how's the plan b, Larco?” Binuksan ni Darius ang drawer at kinuha ang isang laptop bago naupo sa kabilang banda ng kama.

“Sucks. But yeah it soon to be successful, konting-konti na lang at maibabaon natin sa hukay ang lintik na matandang 'yun!” sagot ni Larco habang nasa hawak na baril pa rin ang attention.

Ngumisi si Darius bago binuksan ang laptop at ni-refresh ang email para makita kung may sagot na ba sa isang client. “That's good to hear. So how about Kierra? Paniguradong mahihirapan tayong ilabas siya ng bansa.”

“Ako na ang bahala pagdating diyan,” seryosong sagot ni Larco at nilagyan ng bala ang hawak na baril.

Nagkibit-balikat lang si Darius at binuksan ang dalawang bagong dating na email. Sa unang email ay napangisi siya nang makita na galing 'yun sa pinakahihintay niyang client, pero pagbukas niya ng pangalawang email ay agad na napahigpit ang hawak niya sa laptop nang makita kung kanino galing 'yun.

Inis na sinara ni Darius ang laptop bago tumayo at pumasok sa isang kuwarto kung saan naroon naka-display ang iba't-ibang klase ng mga baril at mga computer kung saan naka-monitor ang mga nagkalat na CCTV sa mansyon at sa buong isla.

Umupo si Darius sa isang swivel chair at mabilis na tumipa sa keyboard. Agad siyang kumonekta sa satellite at pinilit na magkaroon ng access sa hideout ni Vandrec na siyang matanda na tinutukoy ni Larco. Pero kahit anong gawin niya ay puro 'Connection Error' pa rin at 'Access Denied' ang lumalabas sa screen ng computer. Hindi pa rin siya makakuha ng access sa hideout ng matanda.

“Damn it!” napamura si Darius sa inis at napasandal sa swivel chair. Napatingala siya at saglit na napapikit bago napahilot sa bridge ng kanyang ilong para pakalmahin ang sarili.

Napamulat lang siya nang biglang tumunog ang emergency alarm sa kanyang suot na smart watch na nasa braso.

Kumunot ang noo ni Darius.

Mula sa maliit na screen ng kanyang suot na relo ay kitang-kita niya kung paano pumasok si Rheanne sa loob ng kanyang kuwarto. Nang makita nito kung sino ang natutulog sa kama ay ilang minuto pang tumitig sa babaeng tulog bago umalis.

Inilipat ni Darius ang tingin sa screen ng computer. Mula sa 'camera 2' ay kitang-kita niya ang pagpasok ng babae sa loob ng kuwarto ni Larco at ang mabilis nitong pagbukas ng mga drawer na para bang may kung anong hinahanap.

Heartbeat of the Ruthless Criminal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon