KHALIL POV...
Nagtakbohan kami ni Ylley habang habol-habol si Azrael. Hindi namin ito naabutan nang makalabas kami ng hospital. Siguro nadala iyon sa sinabi ni Papa. Akala ko pa naman hindi aabot sa disgrasya ang lahat.
“Kasi yang si Papa, Kuya, eh alam niya namang may bata.” reklamo nito.
“Hindi ko alam kung sana natin ’yon hahanapin. Nagbago na ugali ni Papa para sa company niya. Ipapakasal niya si Yvielle sa iba, eh may mahal na nga ’yung tao, eh.” usal ko at napaupo sa may maliit na upuan. Hinihingal ako kakatakbo.
“Oh my God, Kuya, look.” maarteng saad nito at itinuro ang sapatos ko. Napatingin ako doon. Napalaki ang mata ko nang may naapakan ako and what, tae naapakan ko.
Tatayo sana ako nang mauntog sa lupa ang puwet ko kaya napapikit ako. Tinanggal ko ang sapatos ko at hinarap kay Ylley na ngayon ay nagpipigil ng hininga. Mabaho siya, siyempre tae eh.
“Kuya, ilayo mo sa’kin ang baho, iww.” arteng saad nito. Tumayo ako pero agad akong natigilan at tumingin sa kamay ko—may tae.
“Grabeng malas naman ito, oh.” iritang saad ko.
“Yuck ka, Kuya. Napaka-dugyot mo na. Ang baho mo, amoy tae, iww.” saad nito.
Ngumiti ako at nilagay ko ang kamay ko sa damit niya na ikinatigil ng mundo niya. Natulala kasi ito.
“Kuya, napaka-dugyot mo. Bakit mo ako pinahiran? Ang ganda ng damit ko, Kuya. Ang baho.” umiiyak nitong saad. Napanganga naman ako.
“Huh, seryoso ka ba? Tae lang ’yan. Bili ka na lang bagong damit. Stop crying, lil brat.” boritong saad ko pero inirapan niya ako at umiyak pa rin habang umaalis.
“Isusumbong kita kay Papa.” pahabol niya.
Mabaho naman talaga siya, yes, uu. Nakakasuka. ’Di naman ako maarte pero pag tae, kuha ang arte ko. Sino ba kasing nag-poop doon, gosh.
Stress na nga ako eh, dumagdag pa ’to. Inis akong naglakad at pumunta sa public CR para maghugas. Nadamay pa sapatos ko at sa kasamaang-palad pati kamay ko, huhu.
Pagkapasok ko sa public CR ay ’di na ako nagulat dahil sanay na ako sa mayayamang CR. Agad kong hinugasan ang kamay ko. Mabango naman ang sabon nila dahil bumango agad kamay ko—yes, inamoy ko, hehe.
Kinuha ko ang sapatos ko at hinugasan ang tinapakan sa lupa pero hindi gamit ang kamay ko, mabaho kaya.
Natigilan ako nang may marinig akong nag-uusap kaya hininaan ko ang tubig. Narinig ko kasi ang pamilyar na pangalan, ’di lang maayos ang pagkakarinig.
“Yes, Tito, natapos ko na and I know mamamatay si Ezekiel. Nakita ko kasi kung gaano ang natamo niyang sugat. Grabe ba magmahal, sinalo lahat na para kay Yvielle, eh noh.” pagak nitong natawa.
Napakunot ang noo ko. Ito siguro ’yung lalaking humarang daw sa daanan nila, ’yung statement ng mga nakakita.
“Hindi na ’yon mabubuhay, Tito, pero kung bibigyan ng pagkakataon na mabuhay siya, wala na ’yang maaalala.” yabang na saad nito.
“Yes, Tito, paalis na ako.” dagdag nito. Lumabas siya; nakita ko lang ang bibig niya dahil nakayuko siya at may sumbrero siya.
Mabilis ko iyong sinundan sa labas pero ’di ko na naabutan. Marahil inutusan siya base sa mga sinabi niya, pero sino naman kaya ang taong nag-utos sa kanya para gawin ’yon? Nakaka-stress lalo.
Bumalik ako sa loob at tinapos ang paglilinis ng sapatos ko at swerte ko dahil natanggal ito agad at mabango na rin ulit. Isinuot ko ito ulit at mabilis na lumabas sa public CR na ’yon.
