CHAPTER 25: pagmamahal

1.1K 13 0
                                        

YVIELLE LORAINE POV...

Nasa tambayan kami ngayon, kami lang dalawa ni Jouiela dahil nga absent pa rin hanggang ngayon si Shanaiah, tapos si Liam ay may tampo iyon sa’kin.

“Beh, ok ka lang?” takang tanong sa’kin ni Jouiela, tulala kasi ako.

“Ah, oo naman. Bakit?”

“Kanina ka pa kasi tulala riyan, mukhang may malalim kang iniisip. Ano ba ’yon?” tanong niya.

“Ah wala, matanong ko lang, Jouiela, kailan ba babalik si Shanaiah? Mukhang ’di na ’yon babalik ah. Malapit na graduation tapos wala pa rin siya,” mahinang saad ko.

“I don’t know, Yvie, baka sakaling ’di na ’yon babalik,” walang ganang saad niya kaya napatango na lang ako.

Bakit naman bigla kasi siyang nawala, wala man lang kasing pasabi kung saan siya pupunta at ’di man lang namin alam kung nasaan siya ngayon. Namimiss na namin siya, lalo na ’yung kakulitan niya.

“Yvielle, pinapapunta ka ni Sir Ezekiel sa office niya, may ipapagawa lang daw siya sa’yo,” saad ng aking kaklase.

“Huh? Ay sige,” saad ko. Umalis naman ito sa harapan ko.

“Beh, dito ka na lang muna ah, pupuntahan ko lang si Sir.”

“Gusto mo samahan na kita? Baka kasi utusan ka ni Sir tapos ’di mo kayanin kaya sasamahan na kita?” aya niya.

“’Wag na, may ipapagawa lang naman kasi si Sir eh.”

“Are you sure?”

“Opo.”

Tumango lang siya kaya umalis na ako habang iniisip kung bakit ako pinapapunta nito sa opisina niya.

’Di pa nawala sa isip ko ’yung kanina, nag-usap sila ni Ma’am Clarissa. Yes beh, nagseselos ako, nevermind.

Nang makarating ako sa mismong pintuan ng opisina nito ay kumatok na ako pero walang nagsalita.

Kumatok pa ako at sa pangatlong katok ko ay bumukas ito at may kung anong humila sa’kin kaya napasigaw ako.

“Ay, anak ka ng nanay mo!” sigaw ko. Nang tingnan ko ito ay si Ezekiel. Ngumiti lang siya.

“Ano ba, papatayin mo ba talaga ako sa gulat, ha?” sigaw ko pero tinakpan niya ang labi ng isang daliri niya.

“Shesh, papatayin kita sa sarap,” pang-aakit niya.

“Tigilan mo nga ako,” saad ko at lumakad papunta sa sofa nito at feel-at-home na umupo.

“Bakit mo ba ako pinapunta dito?” taray na saad ko. Tumabi naman ito sa’kin at bigla na lang humiga sa hita ko.

“I miss you,” anya.

“Hee, kakakita pa nga lang natin eh, miss muna agad. Corny mo naman, hon,” lambing na saad ko. Ngumiti naman siya.

Nagulat naman ako nang tumayo ito kaya tiningnan ko siya nang seryoso. Parang may gusto siyang sabihin sa’kin pero parang nagdadalawang-isip.

“Bakit? May sasabihin ka ba?” tanong ko. Nagdadalawang-isip naman itong sumagot.

“Ah, kasi pumunta dito kanina ’yung ex ko,” anya.

“Oh, tapos?”

“Gusto niya magpakasal kami,” dagdag niya kaya nagulat ako.

“Huh, ano? Eh pumayag ka rin naman,” pagsusungit ko at napa-cross arm at tumalikod sa kanya.

“Nah, hon. You’re the one who I love and I want you to be my wife soon,” lambing na saad niya kaya napatingin ako sa kanya.

“Sure ba ’yan?”

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now