CHAPTER 52: Your the father!

1.3K 7 0
                                        

Kakagising ko lang at ako na lang mag-isa. Naalala ko pa kagabi si Ezekiel, tanong nang tanong sa akin kung bakit daw sila naging magkapatid. Tanging sinagot ko naman ay hindi ko alam.

“Hi, Mom?” nagulat ako nang may umupo sa kama at hinalikan pa ako. Oh, my twins.

“Oh, mga anak ko, good morning.”

“Good morning too, Mommy,” sabay bati nila sa akin na nagpangiti sa akin.

“Where’s your dad?” I ask.

“Nasa kitchen, Mom, preparing our breakfast,” saad ni Thyzel na ikinapingot ko sa pisngi niya, napaka-cute.

“Ouch, Mommy, it hurts,” reklamo niya.

“Ay, sorry.” Napansin ko naman si Rhyzel na nakasimangot at nakatingin sa akin. Nagtatampo ito panigurado.

“Nagtatampo ang isang baby ni Mommy. Come here, Rhyzel,” pagtatawag ko na agad din niyang sinunod. Niyakap ko ito.

“Cute-cute n’yo talagang dalawa,” puri ko.

“Cute lang, hindi pogi?” tanong nila na ikinahagikgik ko.

“Yes, pogi kayo. Mana sa daddy n’yo,” saad ko at ngumiti naman sila.

“Oh siya, mauna na kayo bumaba. Maliligo lang ako. Sabihin n’yo na kay Daddy n’yo na susunod lang ako, okay?”

“Opo, Mom,” sabay nilang saad at nagsitakbuhan.

“Be careful,” pahabol ko.

Tumayo na ako at ginawa ang morning routine ko. Naligo na rin ako dahil kaya ko pa naman dahil ’di pa malaki ang tiyan ko, hindi pa halatang buntis ako.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto.

Pababa ako ng hagdan nang may narinig akong nag-uusap kaya dahan-dahan akong naglakad.

Ilang hakbang pa ay natanaw ko na sila—si Hazel kuno at si Ezekiel na nag-uusap.

“Akala ko ba hiwalay na kayo?”

“Sino ba nagsabi sa’yo na maghihiwalay kami? We never broke up, Hazel,” seryosong saad ni Ezekiel.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood silang nag-uusap. Nandidilim tuloy ang paningin ko sa kanila. Naiinis ako!

“Mahal mo ako, ’di ba? Ito na ako oh, bumalik na ako,” nagsusumamong saad nito ngunit tanging seryoso lamang ang tingin ni Ezekiel sa kanya.

“Ezekiel, ako na lang,” dagdag niya. Nakahanda na ang kamay ko para sapakin ang babaeng ito.

“Akala ko ba mahal mo ako?”

“Mahal kita pero bilang kaibigan lang, Hazel. I care about you kasi kaibigan kita, kababata kita. Kung noon mahal kita hindi bilang kaibigan, ay dati na ’yon. Ngayon may pamilya na ako, ’di ko sila ipagpapalit sa’yo. Ayokong magkasira kami dahil lang sa’yo,” giit nito. Napangiti ako sa sagot niya.

Napaka-royal talaga ni Ezekiel, haha. Ganyan ang gusto ko kahit wala ako sa tabi niya.

Nagulat ako nang biglang halikan ni Hazel si Ezekiel kaya lumaki ang mata ko. Hinintay ko ang susunod na gagawin ni Ezekiel.

Tinulak niya ito at nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Hazel.

“What’s wrong with you? I told you I’m married. How desperate you are,” saad niya at pinahiran pa ang labi niya.

Hindi na ako nakatiis at tuluyan na akong bumaba.

“Hi, Hazel. What are you doing here?” tanong ko at kumapit sa braso ni Ezekiel. Gusto ko lang mainis siya at magselos.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now