“Kailan ang kasal, Ezekiel?” pagtatanong ko.
“Now?”
“What? Ngayon na, as in ngayon na talaga?” gulat na saad ko, kakapropose lang eh.
“Yes, at nagdala na rin kami ng padre at sila ang magiging saksi. Sa araw na ’to, mag-asawa na tayo,” ngiting saad niya at pinalabas ang padre. Loh, bilis naman ata?
“Keri na ’yan, beh. Baka magbago pa isip ni Sir Ezekiel,” saad ni Jouiela. Napangiwi ako.
“Bakit napakadali naman, Ezekiel?”
“Ayaw mo ba?” he asked.
“Hindi naman sa ganon, nabigla lang ako. Pero kung ’yon talaga ang gusto mo, edi magpapakasal tayo ngayon,” ngiting saad ko.
“Ako lang ata may gusto sa kasal na ’to eh, parang napipilitan ka lang,” lungkot na saad niya. Binatukan ko siya.
“Sira. Sige na nga at magsimula na tayo, baka magtampo ka pa lalo,” saad ko, ngumiti pa ako.
“Sure ’yan ah.”
“Opo.”
Huling sagot ko bago niya ako iniwan na nakatayo habang kinakabahan. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa harap ni Father. Hindi kasi ako sinabihan kaya kabang-kaba na ako.
**
Naglalakad ako ngayon. Tanaw na tanaw ko si Ezekiel na nakatayo at nag-aantay sa ’kin. Hindi na ako nakapalag nang suotan nila ako ng belo at wedding dress.
At sabi pa ni Jouiela, go na raw agad-agad. Basta pinagsuot sa ’kin ang dress at belo. Pero at least, bagay naman sa ’kin. Yeah, ikakasal na ’ko.
Oo, private wedding, pero legal ang kasal namin. Naiintindihan ko si Ezekiel. Alam ko rin na ayaw ni Papa sa kanya kaya agree ako sa gusto niyang private wedding.
“Gorgeous,” puri niya nang makarating ako sa mismong harapan niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay tumingin kay Father.
Nagsimula na si Father habang ako ay nakangiti lang, nakatingin kay Father. Kinakabahan ako, hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Father, walang galang na po ah, make it fast,” anya. Kaya pinagliitan ko siya ng mata. Natawa na lang si Father.
“Easy, anak. Ito na, shortcut na lang. Haha,” tawang saad ni Father.
Dinala ni Kuya ang singsing. Akala ko okay na ’yong singsing kanina, may isa pa pala.
Nakangiti itong tinanggap namin dalawa ni Ezekiel. Kinuha ko ang isang singsing gaya ng sinabi ni Father.
“Ako si Yvielle Loraine Sevellina, na nangangako. Itong singsing ang nagsisimbolo sa ating pagmamahalan. Nangangako ako sa harap ni Father at sa mga kaibigan natin, kay Kuya at pati sa ’yo na mamahalin at pagsisilbihan kita habang-buhay. Kailanman hindi kita lolokohin. Pangako ko sa ’yo, Ezekiel Guevara,” ngiting saad ko at isinuot ang singsing sa daliri niya.
At siya naman, kinuha niya ang isang singsing at hinawakan ang kamay ko.
“Ako si Ezekiel Guevara na nangangakong mamahalin ka at hindi lolokohin, pagsisilbihan ka habang-buhay at itatrato kang aking asawa. Hindi kita sasaktan at sa ’yo lang iibig. Pinapangako ko rin sa lahat ng andito na simula sa araw na ’to, sisimulan kitang tratuhin nang tama. Pangako ko sa ’yo, Yvielle Loraine,” anya at sinuot ang singsing sa aking daliri.
“Yvielle Loraine Sevellina, pagsisilbihan mo ba ang lalaking nasa harapan mo habang-buhay? Tatanggapin mo ba bilang asawa si Ezekiel Guevara habang-buhay?” anya. Napatingin ako kay Ezekiel. Ano sasabihin ko, yes ba?
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
Storie d'amoreEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1)
