THIRD PERSON POV...
Hapon na kaya mabilis na gumayak si Khalil para sunduin ang kapatid niyang si Yvielle para sabihin ang mga nalaman niya. Ayaw niya kasing palagpasin ito, pati na rin ang ama niya at lolo niya, gustong malaman ni Yvielle ang totoo.
“Kuya? Bakit po napatawag ka? May kailangan ka ba?” simula niya ng tawagan ni Khalil.
“Yes, Yvie, and that’s important. Susunduin kita, papunta na ako,” seryosong saad niya.
“Po, pero sasabay ako kay Ezekiel,” naguguluhang saad nito.
“’Wag na. Tumanggi ka. Magagalit si Papa at Lolo.”
“Kuya, kasi nakapagsabi na ako kay Ezekiel na sabay kami doon. Ako uuwi sa kanya eh,” tanggi niya.
“Pero kailangan mo munang kausapin si Papa at Lolo.”
“Gaano po ba ’yan kaimportante?” sarkastikong tanong niya.
“So very important, Yvie. So please?”
“Oo na, kakausapin ko muna si Ezekiel. Bye po,” anya at pinatay ang tawag. Napangiti na lang ang kuya nito at nag-focus sa daan.
Nakarating siya sa paaralan ni Yvielle. Pinark niya ang kotse niya bago siya naghintay.
Nakasandal lang siya sa kotse niya. May nakita siyang babae na kinataka niya kaya nilapitan niya ito at nagtanong.
“Ah, Ms, can I ask?” kinalabit niya ito na ikinagulat ng babae. Nakat talikod kasi ito at naka-headphone.
“Po?” tanging sambit nito at kinuha ang headphone.
“Can I ask, may hinahanap kasi ako,” anya.
“Ah sure, what is it?”
“Did you know my sister?” tanong niya.
“Ano po pangalan?” tanong nito pabalik.
“’Wag ka na mag-po, masyado naman akong matanda niyan,” anya.
“Ah sorry, ano ba pangalan ng kapatid mo?”
“Yvielle? Yvielle Loraine Sevellina,” anya na ikinagulat ng babae.
“Wait, what? May kapatid siya?” gulat na saad nito.
“Uhm, did you know her?” tanong niya ulit.
“Yes, she’s my best friend. Teka nga, wala naman siyang sinabing may kapatid siya ah,” anya.
“Huy, ikaw, don’t pretend that you’re—ah basta, ’wag ka magpanggap na kapatid mo ’yung kaibigan ko, baka kalaban ka?” dagdag niya. Natawa naman si Khalil dahil sa inasal ng kaibigan daw ni Yvielle.
“I’m not pretending. I’m telling the truth that I’m her older brother. What’s your name?” tanong niya.
“Jouiela Fernandez. Bakit? Ay, wala ako Instagram, ’di mo ako ma-add,” saad nito na ikinangiwi ni Khalil.
“What? Asa ka. I’m just asking if you know my sister. Ang dami mo nang sinasabi,” tawang saad niya.
“Ay, edewow. Pero si Yvielle, andoon pa sa loob, kausap ’yung baby lab na professor namin,” anya at napatakip ng bibig nang ma-realize ang huling sinabi niya.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomanceEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
