CHAPTER 35: pag'bala

1.1K 8 0
                                        

YVIELLE LORAINE POV...

Naka-upo ako ngayon habang yakap-yakap ang sarili ko, kung saan ang dalawang tuhod ko ay nakasandal at ang ulo ko’y nakapatong dito habang umiiyak ako mag-isa dahil pinalabas ko silang lahat.

Halos 3 weeks pala akong hindi nagising at pagkatapos noon, ito ang mababalitaan ko na wala na si Ezekiel.

Nang ipinaliwanag ni Papa sa’kin ang lahat, gumuho ang mundo ko. Nanghina ako na parang ayoko na mabuhay. Napatanong ako sa sarili ko kung bakit nabuhay pa ako?

At bakit hindi na lang ako ang nalis kung kita sa kanya—niyakap niya ako para hindi ako masaktan kaya siya ang natamaan na dapat sa’kin.

“Bakit mo naman ako iniwan?” bulong ko sa kawalan.

Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Hindi ko matanggap ang nangyari, at si Papa—oo, siya ang may kasalanan.

May tampo ako kay Papa, malaki, dahil sa kanya namatay si Ezekiel. Kung pinabayaan lang sana niya kami, edi sana kasama ko pa ngayon si Ezekiel, pero wala na. Iniwan na niya ako.

Habang busy ako kakaiyak, biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon.

May nakita akong babae na maganda, kasing-edad ko lang siguro ito o mas bata sa’kin ng isang taon lang.

“Mommy.” Nagulat ako sa sigaw ni Azrael.

Kasama niya pala ito. Pinunasan ko agad ang luha ko at sinalubong ng yakap si Azrael.

“Mom, I see you’re crying,” simangot niyang saad kaya napangiti ako.

“Kumusta naman ang baby ko, tsaka sino yang kasama mo?” biglaang tanong ko na agad ring napansin ng babae.

“No, I’m not fine, Mom. I already miss Dad,” malungkot niyang saad kaya napasimangot ako.

Pareho lang pala kami, namimiss ang daddy niya.

“I’m Xavrielle Kianna Guevara,” maarteng saad niya kaya napaisip naman ako. Guevara ka—ano-ano niya si Ezekiel?

“Ah, kaano-ano mo si Ezekiel?” I ask.

“He’s my brother, na kung hindi dahil sa Papa mo, buhay pa sana ang kuya ko. Kung hindi lang namilit yang pamangkin ko na bisitahin ka, kung hindi, never muna siya makikita,” saad niya na ikinabigla ko. Wala siyang binanggit na may kapatid siyang babae.

“I’m sorry, maski ako may tampo kay Papa. Hindi lang naman ikaw. By the way, I’m Yvie—”

“Blah blah. Yvielle Loraine Sevellina Guevara, right?” dugtong niya sa sasabihin ko kaya napanganga ako.

“Yes, I know you. At dala mo na pala ang last name namin kasi asawa ka na ni Kuya, I am right?” she asked again kaya napatango ako.

Grabe, masungit tong babae. Halatang masama ang ugali base lang sa nakikita ko sa kanya.

“Tita, stop. She’s my mom, okay? Respect her,” utos nito sa tita niya kaya hinawakan ko naman ito.

“It’s okay, baby. Pasensya ka na sa inasal niya.”

“Tsk, it’s fine. After all, he’s my nephew, and I know you’re not his true mother, so stop acting like you are the biological mother,” saad nito na ikinatahimik ko. Grabe naman tong babaeng ito.

“Tita?”

“Lalabas muna ako, at pagbalik ko, kukunin ko na ang pamangkin ko. We need to see Ate Kim,” anya na ikinango ko lang.

Lumabas na ito at ako naman, inisip ko ang sinasabi niya. Napakasakit niya magsalita. Ganoon na lang siguro ang galit niya dahil sa pagkamatay ng kuya niya.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now