CHAPTER 47: She's mine!

1.3K 14 0
                                        

EZEKIEL POV...

Nagising ako at nakita ko si Yvielle nasa tabi ko, mahimbing na natutulog. Napangiti ako dahil yakap na yakap ako nito kaya mas niyakap ko siya.

Sarap sa feeling kapag kasama mo ang taong mahal mo, mawawala lahat ng pagod mo.

“Sa’yo naman talaga ako, Ezekiel. Hindi ako naging pagmamay-ari ng iba kasi sa’yo ako.”

Napangiti ako nang maalala ko ang kagabi, kung paano niya ako inalagaan at sinabi ang mga bagay na matagal ko nang gustong marinig mula sa kanya.

We’re okay now. Pumayag siyang maging kami ulit kasi sabi nga niya, hindi naman daw kami naghiwalay.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap sa’kin para bumaba na. Gusto ko siyang lutuan ng pagkain.

Sabado naman, wala akong trabaho. I have my secretary; siya na lang muna ang bahala. Alam naman niya ang gagawin.

Nang matanggal ko iyon ay dahan-dahan akong tumayo at nagsuot ng damit. Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas.

“Good morning, Daddy.” bati ng kambal sa’kin kaya napangiti ako at nilapitan sila.

“Aga niyo namang magising,” saad ko bago ko sila halikan sa pisngi.

Alas-singko pa lang ng umaga at nauna pa siguro silang magising sa’kin.

“Nagugutom na po kasi kami,” saad nila sabay hawak sa tiyan nila.

“Just wait for me here, okay? I’ll cook,” saad ko na ikinango nila.

“Good morning, Dad,” rinig kong pababa na saad ni Azrael kaya napatingin ako dito. Kamukha niya talaga si Kuya Azrano.

Tangkad ng batang ito. Sampu pa lang pero ang tangkad na. Grabe ang glow-up na nangyari. Mukhang alagang-alaga siya ni Yvielle noong mga panahong wala ako sa tabi nila.

“Morning.”

Ngumiti ito at lumapit sa gawi ng kambal. Umalis na rin muna ako doon para magsimulang magluto.

Pagkarating ko sa kusina ay agad kong binuksan ang ref at naghanap ng puwedeng lutuin.

Ngunit puro baboy at manok lang ang nandoon. Gusto ko sana ng isda kaso wala pala, kaya manok at baboy na lang ang lulutuin ko.

Hinugasan ko ito at binabad muna dahil matigas kasi. Nagsaing na rin ako. Naubos pala ang kanin kagabi, sobrang dami ba naman ng ulam.

Pero mas gusto ko ang inasta mo, Yvielle, kagabi. Ayaw niya talagang tikman ko ang niluto ni Hazel, nagdadabog tuloy. Haha.

Nang hindi na matigas ang manok at meat ay hiniwa ko na ito. Mag-aadobo na lang ako ng manok tsaka magprito ng meat.

Pagkatapos kong hiwain iyon ay hinugasan ko muna bago inilagay ang manok.

**

“Dad, where’s Mom? It’s already 7 PM. Wala pa rin siya. Kanina pa natin tinititigan ’yang pagkain, nagugutom na ako,” reklamo ni Azrael habang napatango-tango ang kambal. Napabuntong-hininga ako.

“Okay, start eating. Pupuntahan ko lang mommy niyo,” saad ko. Agad naman silang naunang kumuha ng kanin. Nagugutom na rin siguro.

Umakyat ako sa taas at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko siyang nakaupo habang kinukusot ang mata niya.

“You’re already awake. Let’s eat. Kanina ka pa inaantay ng anak natin. Pinakain ko na sila, nagugutom na,” saad ko at nilapitan siya.

“Good morning,” dagdag ko.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now