YVIELLE LORAINE POV...
After 1 week ay nakalabas na ako ng hospital dahil naging okay na rin naman ako. Okay nga, pero hindi ko pa rin makalimutan ang pagkamatay ni Ezekiel. I miss him every day.
Gusto ko ang presensya niya, ang boses niya, ang mga yakap at halik niya, at ang pagiging sweet niya. Namimiss ko na siya.
Bakit kailangan mangyari sa'min ito? Pero kahit anong pilit kong tanggapin, hindi ko pa rin magawang kalimutan siya.
Ganyan naman talaga-kay dali-daling sabihin pero ang hirap kalimutan kapag ang taong nakasanayan mo ay wala na. Saklap, 'di ba? Haha.
Nasa puntod pala ako ngayon ni Ezekiel. Kakagaling ko lang ng hospital pero pumunta agad ako rito. Namimiss ko eh, masisisi ko ba? Hayst.
"Alam mo, hindi ko inaasahan ang insidenteng 'yon, hon. Akala ko talaga mabubuhay tayong dalawa. Namimiss na kita," mahinang saad ko habang hawak ang lapida nito.
Nakaupo naman ako. Malinis naman siya kaya hindi ako pwedeng mabahala.
Tumutulo na naman ang luha ko habang naaalala ang mga nakaraan naming dalawa. Ang hirap niyang kalimutan, sa totoo lang. Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makalimutan.
"Huwag ka mag-alala. Kahit wala ka na, aalagaan ko mag-isa si Azrael, at habang-buhay kitang mamahalin," pilit na ngiti kong saad.
Tumagal ako ng ilang oras doon. Kinausap ko siya kahit hindi naman siya nagsasalita.
Nagpaalam ako na aalis na dahil nag-text si Mama sa'kin-may problema raw sa bahay. Tinanong ko naman kung ano iyon pero hindi sinabi.
Kaya napatayo na ako, pero bago ako tumayo, hinalikan ko ang lapida niya. Pagkatayo ko ay medyo nahilo ako pero sinawalang-bahala ko dahil may napansin akong mga matang nakamasid sa'kin.
Sinawalang-bahala ko rin iyon, baka dala lang ng gutom dahil wala pa akong kain.
Umalis na ako roon, dahan-dahan lang ang lakad ko dahil nahihilo talaga ako hanggang sa makapasok ako sa kotse. Pinaandar na agad ito ng driver nang mapansin niyang hindi ako okay.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong nito habang nasa kalagitnaan ng biyahe.
"Ah, opo. Nahihilo lang po. Patigil nga po muna, naduduwal ako," taranta kong sabi.
Hininto niya naman agad kaya agad akong sumuka, pero nagulat ako dahil wala naman akong nailabas. Gosh.
Agad akong bumalik sa loob at sinabing paandarin na ang kotse. Agad naman niya itong sinunod.
Siguro masama lang talaga pakiramdam ko dahil ilang araw na akong hindi kumakain dahil nagluluksa pa rin kay Ezekiel.
"Baka po, ma'am, buntis ka," anya na ikinagulat ko.
"Ano ba kayo, Kuya Driver. Masama lang siguro pakiramdam ko dahil sa walang kain," tanggi ko.
Paano naman ako mabubuntis? Pero agad akong napaisip-may nangyari nga sa'min ni Ezekiel noong ikinasal kami. Pero imposible. Nakita ko na lang ngumiti si Kuya Driver.
"Ganyan din po ang asawa ko noong nagbuntis, haha. Pero baka hindi rin," anya kaya hindi na lang ako kumibo. Pero what if?
Ilang oras pa ay nakarating na kami. Nagulat ako dahil maraming tao sa bahay, at pagkalaba ko pa lang ay mas nagulat ako dahil maraming patay na katawan sa labas.
Napaisip ako-sina Papa kaya? Kaya agad akong pumasok sa loob. Sa bawat daan na makita ko, maraming dugo at patay na katawan. Kahit kinakabahan ako, pumasok pa rin ako.
Hindi pa ako tuluyang nakapasok ay may narinig na akong iyakan kaya mas lalo akong nagtaka. Binilisan ko ang takbo ko at nang makapasok ako ay parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nakita ko-si Papa.
