WARNING: VULGAR WORDS
--
THIRD PERSON POV...
Inis na nakaupo si Xavier sa upuan dito sa loob ng kulungan. Dinadalaw siya ng ama niya na ngayon ay inis na inis sa kanya.
“Look what you have done, Xavier,” inis na sigaw ng ama nito sa kanya.
Wala namang ibang tao dito dahil sila na lang ang natira roon, ngunit seryoso lang si Xavier na nakatingin sa ama.
“What the h*ck, Xavier, why did you do that?” sigaw muli ng ama.
“Dad, she’s my wife at all.”
“Nilabas nila sa balita na peke ang kasal ninyo. Ang tanga-tanga mo, naisahan ka ng mag-asawa. Duming-dumi na ang pangalan ko sa publiko,” sigaw niya muli. Napalaki ang mata ni Xavier dito.
Napakurap-kurap siya sa nalaman at gusto na lang ding sumigaw. Hindi niya akalain na peke pala ang kasal nila at naisahan siya nito. Galit at nanlilisik ang dalawang mata nito. Napabuntong-hininga na lang ang ama.
“How do you defend yourself now? Napakalaki mong tanga. Dati pa, tanga-tanga ka talaga. Wala kang ginawang tama. Ptangna ka talaga.”
“Dad, I didn’t know that the marriage was fake. I thought that’s legal and real.”
“F*ck you, Xavier. Sirang-sira na ang pangalan ko. Wala ka talagang ginawang tama.”
“Ezekiel is the legal husband, Xavier. Kaya ka niyang kasuhan ng iba pang puwedeng ikaso sa’yo.”
“Haharapin ko, Dad.”
“Ikaw pa talaga ang matapang? Tàngína, Xavier. Wala ka sa kalingkingan ni Ezekiel. Kilala, sikat, at magaling na abogado si Ezekiel. Walang kaso na hindi niya nalulutas.”
“Then I don’t f*cking care. I have my own words, Dad, and I can defend myself.”
Seryoso niyang tiningnan ang ama na ngayon ay tumatawa. Pinagdidilatan niya ito ng mata na tila ayaw siyang kampihan ng ama niya.
Sobrang sabog ang balita na ni-rape niya ang asawa ng kilalang tao.
“HAHAHAHA! Are you insane? Wala ka bang utak? Hindi kita pinalaking ganyan. Bakit ka naging rapist? Nakakahiya ka, Xavier. Ptangna mo, sinira mo lahat ng pinaghirapan ko,” sigaw nito na ikinapikit ni Xavier.
“Dad, puwede ba? Kung ayaw mo akong kampihan ngayon, then fcking leave. Kahit naman makulong ako, wala ka ring pakialam. Akala mo kung sinong malinis—’di ba may pinatay ka rin? Si Tito Carlos, ’di ba? Hindi ka rin ba nakokonsensya sa ginawa mo? Dapat andito ka rin sa kulungan, Dad. Hinayaan mong magdusa si Yvielle sa sakit at maging ulila ng halos tatlong taon. Kung hindi kami pekeng ikinasal, hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya. Kung dumalaw ka lang naman para isumbat sa’kin ang lahat, please, Dad, go away and don’t bother me anymore. Kasi kung kaya mong harapin ang pamilyang Sevellina, ako hindi kaya. Kung saan man aabot ang ptanginang kasong ’to, ilalaban ko kahit alam kong mali ako. Kung rapist ako, mamamatay-tao ka naman,” sigaw nito sa ama na ikinalaki ng mata ng matanda.
Hindi niya lubos akalain na sisigawan at sasagutin siya ng anak dahil hindi naman ito naglakas-loob dati na sigaw-sigawan siya at sagutin dahil hawak niya ito sa leeg. Kung ano ang gusto niya sa anak niya ay nagagawa niya.
Alam din ni Xavier na masama ang sagot-sagutin ang ama niya, pero wala naman siyang magagawa dahil iyon ang nasimulan niya at hindi niya puwedeng bawiin iyon.
“Sana pala noong pinatulong mo ako para patayin si Tito Carlos at nagpatulong kang tumakas, sana ’di ko na lang ginawa. Kung ganyan ka rin naman pala sa’kin, nagsisisi akong naging ama kita, hayop ka,” sigaw niya muli ngunit nakatanggap lang siya ng sampal sa matanda.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomanceEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
