Lihim akong napatayo at pinunasan ang aking luha, at tuluyan akong bumaba na parang wala lang ding nangyari.
Alam kong masakit para kay Ezekiel ang ginawa ko, pero ayaw kong pumatay ulit siya at hayaan na lang na ang mga pulisya ang bahala sa mga kaso.
Gusto ko lang ding mailigtas ang mga anak ko dahil alam ko na kapag may edad na sila ay tiyak akong sila ang susunod sa ama nila.
At pagkatapos nitong gulong ito, magbabagong-buhay na rin ako kasama ang mga anak ko. Kung may babalikan pa ako kay Ezekiel, mas mabuti iyon.
Mahal ko siya, mahal na mahal, pero wala akong magagawa dahil mas mabuting sirain ang henerasyon kaysa hayaan kong patuloy na pumatay ng tao si Ezekiel. Iyon ang ayaw ko.
“Your lucky this time, Yvielle,” salubong na saad. Natawa naman ako. Andito na naman siya, ayoko muna makipag-away dito.
“Lucky? Eh dalawang beses na nga kitang natalo, haha,” pekeng tawa na saad ko.
“Huwag ka muna magyabang, baka pag gising mo talo ka na. And you know? Mahal na ako ng dati mong mahal, HAHA,” malakas siyang humalakhak. Pinagmasdan ko siya, parang mangkukulam kung tumawa.
“You know what? You look like a witch while you’re laughing,” ngising saad ko na ikinatigil niya.
“And what? Dating mahal ko? You mean si Ezekiel? Sorry, pero nakausap ko na siya at never mo ’yon maitatago sa akin. Remember, walang sekreto na hindi nabubunyag,” may ngising saad ko. Nainis niya akong tiningnan.
“At sa pagkakaalam ko, ’di ka niya. Sabi pa nga niya na miss niya ako. Bakit ba hilig-hilig mo isiksik ang sarili mo sa taong ayaw naman sa’yo?” dagdag ko.
“Pinagsiksikan? Hello, ako ang katabi niya noong wala ka. We always kiss noong wala ka. Ngayon mo sasabihin na pinagsiksikan ko ang sarili ko kay Ezekiel? Look, ikakasal na kami at ikaw mamamatay ka sa selos,” anya habang turo-turo ang singsing na nasa kamay niya. Natawa naman ako.
“Ako masisindak mo riyan? Hays! Naku, kahit ano pang sabihin mo, ako ang mahal ni Ezekiel.”
“Nauna ako.”
“Nauna ka lang, bago ako! Pinaglumaan ka na, habang ako kahit umalis pa sa tabi niya, ’di niya kayang kalimutan at paglumaan! Ganyan ka na ba talaga ka-desperada na mahalin ka ulit ni Ezekiel?” tanong ko.
“Yes, because I’m the original!” ngising saad niya. Napatawa ako nang mahina.
“Original? Well, I’m sorry because I’m the chosen one,” giit ko na ikinainis pa niya.
“Alam mo, Kim, ’di magkakagusto si Ezekiel sa ganyang ugali mo. Hayst, pangit na nga ugali mo, pangit pa ng mukha mo. ’Di ba nakakatawa? Haha,” tawang saad ko.
“At teka, anong original? Eh peke ka naman, HAHA,” dagdag ko bago ko siya iwan na pikon na pikon.
“Galit na galit, gustong manakit,” huling saad ko bago ko siya iniwan.
Sarap pala makipag-bardagulan sa babaeng iyon. Sarap sa feeling na naiirita mo ang taong may galit sa’yo.
Nawala na rin tuloy ang sakit ng dibdib ko kapag nakakalaban ko ang kabit ni Ezekiel.
Yes, kabit, dahil kasal kami at kinakasama siya ni Ezekiel. Sinabi pa niyang fiancé niya, pero kasal pa kami kaya paninindigan kong siya ang kabit.
“Where have you been?” tanong ni Kuya nang makalapit ako sa gawi niya.
“Tama ka nga, Kuya, buhay siya,” walang ganang saad ko.
“Who?”
“Ezekiel.”
