EZEKIEL POV...
Napahilamos ako sa sariling mukha nang tumakbo sa taas si Yvielle. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya, kung ano-ano ang ginagawa sa'kin.
Kinagat pa ako at kinurot-masakit 'yon eh.
Napasimangot na lang ako at pinatay muna ang TV at pumunta sa kusina at ginawan na lang siya ng gatas. Pagkatapos ko siyang gawan ay nilinis ko muna, saka ako pumunta ng kwarto.
Pagkapasok ko nga, nakita kong dinadaganan ni Yvielle ang laptop ko, nakangiti pa ito nang tumingin sa'kin.
Nanlaki ang mata ko dahil naalala kong ang mga importanteng files ay andoon pala sa laptop, kaya nilapag ko ang baso at napasok pa ako doon at sapilitang kinuha ito sa likod niya.
"Hon, that's my laptop," saad ko at pilit itong kinuha.
"I don't care," anya.
Marahan akong napatayo at inis ko siyang tiningnan, and to my surprise, she's crying again.
Kanina pa ako gulong-gulo sa babaeng ito. Hindi naman sinasabi kung ano ang nangyari sa kanya.
"Ayst, stop crying, honey. Wala akong ginagawa sa'yo. Please, stop," pagpapatahan ko sa kanya, akmang lalapitan ko ito nang makatanggap ako ng sampal galing sa kanya.
"What the h*ll," gulat na sigaw ko. Tiningnan ko siya na nakakunot na naman ang noo nito.
"Give me mangga," utos niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa-"
"'Yung kulay pula tapos 'yung loob violet," putol niya sa sasabihin ko, na ikinagulat ko.
"Hon, walang gano'n," reklamo ko.
Saan ba kasi makakahanap ng mangga tapos violet ang loob? Nakakainis naman tong babaeng ito.
"Eh gusto kong kumain ng gano'ng mangga eh," inis na saad niya sa'kin at pinalo pa ang braso ko.
Napaupo ako sa kama at tiningnan lang siya ng seryoso. Wala naman kasing gano'n. Ang alam ko green na mangga lang.
"Fine, kunan mo na lang ako ng mangga doon sa labas ng mansion mo. May nakita ako doon, gusto kong tikman ang bunga noon. Bilisan mo muna," utos niya.
"Sige, magpapakuha ako kay Manong. Just wait me here," usal ko.
"No, ikaw ang umakyat."
"Honey?"
Inis siyang umalis ng kama at hinila ako pababa. Hindi ko pumiglas dahil baka pag ginawa ko iyon ay masasaktan ko siya.
Kahit naiinis ako sa babaeng 'to ay mahal ko pa rin at kaya kong intindihin kahit kuhang-kuha niya ang inis ko.
"'Yan, akyat," utos niya.
Napatingin ako sa mangga na nasa harapan namin ngayon. Malaking puno ng mangga. Napangiwi ako nang makita ang bunga-nasa matataas.
Pa-simple ko siyang tiningnan ng nakikiusap na tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Aakyat ka o aakyat ka?" nakataas-kilay na tanong niya.
"O-"
"Mabuti naman. Sige na, akyat," anya.
"What? 'O' ang pinili ko," reklamo ko.
"'O' means oo, tsaka aakyat ka. Wala kang magagawa. Sige na at nais ko nang kumain ng mangga, hubby," anya at hinawakan pa ang kamay ko. Shit, sumusuko ako sa puppy eyes niya. Shit.
"Fine," suko ko, at natuwa naman siya bago ako binitawan.
Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ako sanay umakyat ng ganito kataas na puno, pero susubukan ko na lang. Mahulog kung mahulog, bahala na.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomanceEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
