CHAPTER 38: Meet again.

1.1K 9 0
                                        

Nang makarating ako sa mismong event ay sinuot ko muna ang maskara ko. Hindi muna ako lumabas, inaantay kung dumating sina Yvielle at ang pekeng asawa nito.

Matagal akong nag-antay doon, mga 2 minuto pa, but wala pa rin sila. Lalabas na sana ako nang makarinig ako ng sigawan ng mga bata kaya napabalik ako sa loob ng kotse ko. Inayos ko ang maskara ko at tiningnan iyon—sina Yvielle nga.

“Mom, the mansion is so big po,” isang bata na karga ni Xavier ang nagsalita.

“Yes, I know, baby. Napakaganda, diba?”

“Yes po.”

“Babe, wait me here. CR lang ako,” rinig kong sabi ni Xavier. Napa-smirk ako. Babe, huh!

“Sige, bumalik ka agad. Aantayin ka namin dito,” saad naman ni Yvielle. Napa-tikom ako nang makita ko kung paano halikan ni Xavier ang pisngi ni Yvielle bago umalis.

Tiningnan ko sila ng seryoso. Nakatingin naman si Yvielle kay Xavier, at nang makapasok ito sa CR ay nagulat ako nang pahiran niya ang pisngi niya na hinalikan ni Xavier. Napatawa ako doon.

“Now I know you don’t love him,” ngising saad ko.

“Mom, why Tito Khalil take so long?” tamlay na saad ng isang bata.

Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil naka-maskara ang buong mukha nila, habang si Yvielle ay kalahati lang, kaya nakilala ko agad.

Pero ang pinagtataka ko, bakit wala si Azrael?

“Darating din iyon. Just wait, Rhyzel.”

“Opo.”

Lumabas ako at pagkalabas ko ay inayos ko ang maskara ko. Alam kong hindi nila ako makikita dahil medyo madilim dito.

“Hi, Mom,” sulpot ni Azrael at humalik sa pisngi ni Yvielle.

“Andito na pala kayo. Sorry, natagalan kami. Ito kasing anak mo, ang tagal mamili ng isusuot,” sabat ni Khalil.

Ang laki na ni Azrael. Matangkad siya, mas matangkad pa kay Yvielle; hanggang balikat niya lang ito. I miss my son, also my wife.

“Let’s go,” sulpot ni Xavier at kinarga muli ang isang bata.

Napatingin muli ako kay Yvielle kung paano niya ito irapan at nauna na, habang si Azrael naman ay nakatingin sa gawi ko. Agad akong napatalikod.

Kunwaring inaayos ko ang sasakyan dahil papalapit ito sa gawi ko, pero agad siya tinawag ni Yvielle.

“Azrael, halika na.”

“I saw something, Mom,” anya.

“Mamaya na ’yan. Papasok na muna tayo,” rinig kong saad ni Yvielle.

Napansin ko na bumalik na ito at sumunod sa ina niya, pero tingin pa rin siya nang tingin sa gawi ko. Kinawayan ko siya bago ako pumasok sa loob.

Nang makapasok ako ay napakaraming tao sa loob ng mansion. Puro mafia lang ito at tagong lugar—tanging mga mafia lang ang may alam sa lugar na ito.

“Pogi natin ah,” sulpot ni Rhydian.

“Tsk, I know naman,” saad ko. Natawa siya.

“Narinig ko, may gaganapin na away ngayon sa pagitan nila Yvielle at sa asawa-asawa mo kuno,” anya ni Kim. Si Yvielle at si Kim?

“What? Huwag mo sasabihin na mag-aaway sila. The heck.”

“Huwag ka mag-panic. We know na magaling na makipag-away si Yvielle. Just watch na lang. Diba tinuruan mo rin si Kim humawak ng katana at baril?” anya.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now