CHAPTER 32: Escape!

1.2K 6 0
                                        

Napahawak ako nang mahigpit sa damit ni Ezekiel nang akma sana akong kukunin ni Papa.

“Pa, hayaan na natin sila. Kasal na sila at malalaki na rin sila. Huwag mo namang ganyanin si Yvielle. Huwag mo siyang utusan na mahalin si Xavier, Pa.” sabat ni Kuya na kina-tingin ni Papa sa kanya.

“Seriously, Khalil? Kinakampihan mo na sila ngayon? Akala ko ba galit ka kay Ezekiel at ayaw mo sa relationship nila? Bakit ngayon parang gustong-gusto mo na ata? Huwag mong sabihin na alam mo ang kasal nila?” tanong nito.

Alam kong nagdadalawang-isip si Kuya kasi kapag binaliktad niya si Papa, hindi mapapasakanya ang ari-arian ni Papa.

Pero nakapangalan naman sa kanya ang lahat ng negosyo ni Papa, liban na lang sa amin na mga bahay at lupa lang at sapat naman sa amin iyon.

“Yes, Pa. Sasabihin ko ang katotohanan. Noong mismong ikinasal sila ay nandoon ako. I’m the biggest fan sa kanila. Masaya akong makitang masaya ang kapatid ko. Pa, I’m sorry.” anya, pero ’di iyon pinansin ni Papa.

“Alam mo, Ezekiel, hayop ka na talaga sa buhay ko. Pati anak ko dinadamay mo sa paghihiganti ko. Ginagamit mo, dinadaan mo pa talaga sa kasalang peke, ha?” sigaw nito kay Ezekiel. Hinawakan naman ni Ezekiel nang mahigpit ang kamay ko.

“Ginagamit sa paghihiganti? Alam mo, luma na sa akin ’yan. Dati ginawa ko ’yan, but I realized na napakaganda lang ni Yvielle para saktan ko. I realized na mahalin siya at pakasalan. Sinasabi mong peke ang kasal namin? No, that’s not fake. That’s our legal marriage, and no one can change that. Kasal si Yvielle sa akin, kaya sa akin lang siya.” pagsisigaw na saad nito. Pinisil niya ang kamay ko at may pinahiwatig ito. Naalerto ako nang tutukan kami ng mga baril ng mga tauhan nito.

“Papa, what are you doing? Papatayin mo ba talaga si Ate, ha?” biglang sulpot ni Ylley. Napayakap ako sa braso ni Ezekiel dahil sa takot ko baka maputukan kami ng baril.

“Ezekiel, do something. I-hostage mo na lang ako para makaalis tayo dito.” pabulong na saad ko.

“No, ’di sila maniniwala na papatayin kita kasi alam nilang mahal kita.” sabi niya. Kinurot ko naman siya.

“Gagawin mo o sasama ako kila Papa, sige ka.” pananakot ko na kina-ikot ng mata niya. Napakasungit, aba.

“Give me my daughter, Ezekiel. Magsisisi ka sa gagawin ko.” pananakot ni Papa.

“Bakit ako magsisisi kung ipuputok niyo ’yang baril sa akin? Isasama ko si Yvielle. Pwede naman ’yon, ’di ba? Para magkasama pa rin kami.” pang-aasar nito.

“Ayaw na nga sa’yo ni Tito Carlos tapos pinagpipilitan mo pa yang sarili mong makipagsiksikan sa buhay ni Yvielle.” sabat ni Xavier.

Napanguso ako. Bakit ba sabat siya nang sabat? Pogi naman siya pero ’di ko siya gusto, tsaka bago lang kami nagkakilala at hindi ko maipagpapalit si Ezekiel sa kanya.

At hindi nila pwedeng utusan ang puso kong mahalin si Xavier dahil alam nilang ang mahal ko ay si Ezekiel at tanging siya lang.

“Bakit pinagpipilitan ko ba ang sarili ko kay Tito Carlos mo? Eh kasalanan ko bang ASAWA KO ang anak niya, ha? Tsaka ikaw, Carlos, okay ka lang ba? Dahil pinatay mo nga ang kuya ko, papatayin mo rin ako? Hanep ka.” saad nito na kina-bigla ko.

Si Papa ang pumatay sa kuya niya kaya pala ganoon na lang ang galit niya kay Papa. Pero si Papa, hindi ko pa alam kung bakit siya nagagalit kay Ezekiel.

“What is going on, Carlos?” nagulat ako dahil sa boses na iyon. Si Mama at Liam. Bakit niya kasama ito?

“Ano na naman ang ginagawa mo dito, ha?” may pagalit na sigaw nito.

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now