“Aray.” napahawak ako sa pwet at likod ko nang bumagsak ako sa sahig. Ang sakit ng likod ko.
“What are you doing here, woman?” napatingin ako sa nagsalita—si Sir.
“Bakit mo naman ako tinulak? Ang sakit tuloy ng likod ko, alam mo ba ’yon?” saad ko habang tumatayo. Nakita ko sa kusina si Azrael, kumakain ito.
Naalala ko naman ’yung kagabi—hala? Dito pala ako nakatulog at talagang tabi pa kami?
Hala, nakita siguro kami ng asawa niya kaya ganito si sir ngayon. Jusq, Yvielle, nakakahiya ka na naman.
“Bakit tayo magkatabi?”
“Kasalanan mo ’yun, sir. Palasing-lasing ka tapos pagkakamalan mo pa akong asawa mo,” saad ko at pinagpag ang short ko.
“ASAWA?” gulat na saad niya, pero sumeryoso rin dahil na-realize niyang nasa kusina ang anak niya.
“I mean, who?” takang saad niya kaya nagtaka ako at niyugyog ko pa siya.
“Nagka-amnesia ka ba, sir?” pagyugyog ko sa kanya, pero tinanggal lang niya ang kamay ko sa magkabilang balikat niya.
“Stop it, woman. Just tell me kung anong asawa ’yang sinasabi mo,” inis niyang sambit.
“Nako sir, nalasing ka lang naman, pero bakit pati asawa mo kinalimutan mo na? At teka, dumating na ba siya at nakita tayo sa ganong posisyon? Ikaw kasi, sir, hinala mo pa ako.”
“What? Anong asawa ba kasi ’yang pinagsasabi mo, Yvielle?” tanong niya, seryoso.
“Si Kim po, diba? Sabi mo pa nga kagabi, ‘stay with me, Kim’, tapos ‘I love you so much, Kim, why do you leave me.’ ’Yan ang sabi mo, sir. Eh ako ’yung andon, hindi po asawa mo,” paliwanag ko, pero biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya—galit?
Pareho kaming napatingin sa may pintuan nang may pumasok. Nakilala agad namin ang boses—si Ma’am Clarissa. Dali-dali akong pinatago ni sir at agad ko rin namang sinunod.
“Hi, Ezekiel?”
“Hello. Why are you here, Clarissa?” agarang saad ni Ezekiel. Umupo pa ito sa tabi ni sir, kitang-kita ko sila sa pinagtataguan ko.
“I just wanna ask about last night?”
“Ah, I’m sorry. I was busy. Si Azrael kasi walang kasama dito, tapos si Adison naman ay umuwi kaya wala akong mapagbilinan sa kanya,” paliwanag nito.
“Oh, okay, I understand. But my mom invited you for tonight. She wants to have dinner with you, Ezekiel,” seryosong sabi nito habang hinahawakan ang braso ni sir. Napangiwi ako doon.
“For what?”
“I don’t know, pero kung pwede ba raw.”
“Yes, of course,” agarang saad niya. Napangiti ito. Maganda itong si Ma’am Clarissa, bagay din naman sila ni sir, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
“Hello, Azrael. How are you?” napabitaw siya sa braso ni Ezekiel at humarap kay Azrael na katatapos lang siguro kumain. Ang astig pa nito, may headphone sa leeg at ang cool maglakad, gaya ng ama nito. Bakit ba palagi ko silang kinukumpara?
Natawa ako nang tarayan siya ng bata. Hindi ba sila close? Halata naman sa mukha ni Azrael na hindi niya ito gusto.
“Azrael, respect your Tita Clarissa,” suway ng ama nito. Lumapit lang ito sa ama at may ibinulong na ikinatawa ng lihim ng ama. Ano kaya ’yon?
“Alright, pumunta ka na sa room at pupuntahan lang kita mamaya. Just wait for me there,” aniya, na agad namang sinunod ni Azrael.
Naglakad ito papunta sa gawi ko. Nagulat ako nang hilain niya ako at pinaharap ni sir si Ma’am Clarissa sa kanya kaya hindi niya ako nakita. Patakbo kaming umakyat sa taas.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomansaEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
