KHALIL POV...
Pagkatapos sabihin ni Yvielle iyon ay natulala kaming lahat sa sinabi niya. I know ang mas totoong dahilan doon—kasal na siya at hindi na pwedeng magpakasal sa iba.
Tama naman siya. Hindi pwedeng utusan ni Yvielle ang puso niya na mahalin si Xavier dahil alam niyang si Ezekiel talaga ang mahal niya.
Alam ko naman iyon dahil hindi naman sila magpapakasal kung hindi nila mahal ang isa’t isa.
Una, ayaw ko sa relasyon nila, pero nang makita kong masaya at mahal nila ang isa’t isa ay unti-unti ko nang tinanggap.
Ano naman kasi ang magagawa ko kung hindi ko sila susuportahan, ’di ba?
“tama nga naman si Yvielle, pa. Bakit niyo pa pinagpilitan na pakasalan ni Xavier si ate eh ’di pa naman sila lubos na magkakilala, eh.” saad ni Ylley na kina-tango-tango ko lang.
“nah, Ylley, I love your ate.” sabat ni Xavier.
Hindi ko alam pero ang bilis naman ata ng pagmamahal nitong ni Xavier. Kaka-kilala pa lang nila kagabi sa party eh tapos mahal na agad.
“eh hindi ka nga niya mahal.”
“what if ikaw na lang, Ylley, ang maipakasal kay Xavier, and besides magkamukha naman kayo.” saad ni Tito Raymund kay Ylley.
“no, I’ll never marry that ugly jerk. Kung hindi si ate Yvielle, ako naman gusto niyo.” inis na saad nito.
“calm down, sis.” I said. Napairap ito.
“para naman ’to sa negosyo natin, Ylley, eh. Para mas makilala ang negosyo natin, just for that.” saad ni Papa.
“eh tapos ipapakasal mo si ate. Alam niyo pa hindi niya talaga magagawa ’yon dahil kasal na siya kay Ezekiel kagabi lang.” anya na kina-laki ng mata ko. Napatayo ako at hinila ito palabas. Paano niya nalaman?
“let me go, kuya, ano ba.” sigaw niya.
Maraming mga maid ang nakatingin sa amin. Wala na akong pakealam doon. Bakit niya nalaman na ikinasal na sila Yvielle at Ezekiel? Wala naman siya doon sa kasalan.
“how did you know, Ylley?” I ask nang makarating kami sa rooftop.
“nakita ko kayo nag-uusap after ng kasal. Nakakatampo, hindi niyo ako sinama.” anya.
“dapat hindi mo sinabi iyon sa harap nila, Papa. Private wedding nga ’yon, Ylley, eh.”
“sorry na, ’di na ako nakatiis eh. Gustong-gusto nila ipakasal si ate sa lalaking ’yon eh. Hindi naman sila bagay.” inis na saad niya.
“kahit na magagalit sa atin si Yvielle, lihim nga lang kasal na ’yon, Ylley. Malalagot tayo kay Papa nito.” saad ko.
“eh ’di i-public nila para naman hindi na maagaw si ate kay Kuya Ezekiel. Support kaya ako sa kanila.” may proud pang saad niya.
Napahilamos ako ng sariling kamay at umalis doon.
“hey, where are you going?” she asked.
Hindi ko siya pinansin at bumaba na. Kinuha ko ang CP ko at nag-text kay Ezekiel, pinaalam ang nangyari at gustong ipakasal ni Papa si Yvielle kay Xavier.
“Carlos, bakit hindi namin alam ito?” rinig kong tanong ni Tito Raymund kay Papa.
“I didn’t know this. Akala ko mag-boyfriend at girlfriend lang sila, pero kasal na pala sila.” tanggi nito.
“Tito, akala ko ba gagawin mo ang lahat para maikasal kami ni Yvielle? Anong nangyari? Bakit parang ayaw mo muna?” tanong naman ni Xavier.
“gagawa ako ng paraan, Xavier. Ikakasal kayo ni Yvielle, don’t worry.” saad nito.
