EIGHT MONTHS PAST!
--
YVIELLE LORAINE POV...
Nahihirapan akong bumaba sa hagdan dahil malaki na ang tiyan ko at kapanganakan ko na ang buwan na ito.
Sapong-sapo ko pa ito dahil hirap na hirap na talaga akong maglakad sa laki ng tiyan ko.
Hindi pa namin alam ang gender dahil gusto namin ni Ezekiel na kapag manganak ako ay saka na lang namin malaman.
Ang mga anak ko pala ay nag-aaral habang si Ezekiel ay nasa trabaho. Tanging si Kianna at ang dalawang kaibigan ni Ezekiel ang kasama ko ngayon.
Pagkababa ko nga ay biglang sumakit ang tiyan ko kaya napahawak ako dito. Nagulat na lang ako nang may dumaloy na tubig sa paanan ko—manganganak na ako.
“Kianna, manganganak na ako, aray ang sakit!” sigaw ko na agad ikinatakbo ng tatlo sa’kin.
“Hala, Kuya Rhydian, ’yung kotse bilis!”
“Buhatin mo, Darius,” utos niya dito. Agad naman akong binuhat nito.
“Ang sakit, ’di ko na kaya!” sigaw ko nang makapasok ako sa kotse. Namimilipit ako sa sakit, pinapawisan rin ako. Baby, kapit ka muna. Huwag mo masyadong pahirapan si Mama.
“Tawagan mo si Ezekiel, dude. Kailangan niyang malaman ito,” rinig kong saad ni Rhydian.
“Bilisan mo, Rhydian, ’di ko na kaya,” nahihirapang saad ko.
“Kalma lang po, Ate. Kaya mo ’yan,” pagpapakalma nito pero hindi ko kayang kumalma. Gusto nang lumabas ni baby.
Nakarating kami sa hospital. Agad akong binuhat at pinasok sa emergency room.
“Iri, iha,” saad ng doctor pagkatapos, kasi nang ipasok ako dito ay agad nila akong inasikaso.
“Ahhhhh!” sigaw ko at mawawalan na ako ng hininga.
“Isa pa,” saad nito.
“Ahhhhh, ’di ko na kaya,” hirap na sigaw ko.
“Isa na lang, Ms. Lalaban na.”
Dahil sa narinig ko, mas pinalakas ko ang loob ko at humugot ng malalim na hininga tsaka umiri ulit. Nakarinig ako ng iyak ng sanggol kaya napahinto ako.
“Ire pa, may isa pa.” Napamulat ako ng mata sa sinabi ng doctor.
I can’t believe na dalawa ang anak ko kasi simula nang nagbuntis ako ay hindi talaga namin alam kung ilan ang laman ng tiyan ko at kung anong gender nito.
“Ms., ire. May dalawa pa sa sinapupunan mo.” Mas lalo akong nagulat dahil sa sunod niyang sinabi—hindi lang pala dalawa. It’s a triplets.
Lumanghap ako ng hangin bago umire muli. Hirap na hirap akong umire pero kinakaya ko, mailabas lang ang dalawa sa tiyan ko.
Nakarinig muli ako ng iyak ng sanggol kaya lumanghap muli ako ng hangin para mailabas ang isa.
“Isa pa, Ms. One, two, three, ire,” saad nito na ikinasigaw ko.
“Ahhhhh!” sigaw ko.
“Isa pa.”
“Ahhhhh!” muling sigaw ko hanggang sa tagumpay kong mailabas ito kaya hingal na hingal ako, nawawalan ako ng hininga.
“It’s a girl,” saad nito kaya kahit nahihirapan ako ay nagawa ko pa ring ngumiti bago ako nawalan ng malay.
---
THIRD PERSON POV…
Pagkatapos malaman ni Ezekiel ang nangyari ay agad itong umalis sa meeting.
Kahit tinawag pa ito ng mga ka-meeting niya ay hindi niya ito pinansin at pinaharurot agad ang kotse niya papunta sa hospital.
