CHAPTER 24: girlfriend?

1.2K 16 0
                                        

Pumunta ako sa may gilid ng gate, may upuan doon kaya naupo ako doon. Nabasa ko kasi ang chat ni Jouiela kaya aantayin ko na lang dito habang naka-CP.

“Hoy, ano ’yon?” nagulat ako sa biglang saad ni Jouiela.

“Huh? Anong ano ’yon? Tsaka kinabahan naman ako sa ’yo, kanina ka pa?” tanong ko.

“Eh ’yong nakita ko?”

“’Yong alin?”

Napaisip naman ako. Loh, paano kung nakita niya ’yong kanina? Kilala niya siguro ang kotse ni Sir Ezekiel. Ayoko pa aminin bago pa naman kami.

“’Yong kotse, sino ’yong naghatid sa ’yo? Ah, boyfriend mo?” tanong nito, patay na.

“Hindi, si kuya ’yon,” pagsisinungaling ko.

“Huh? Kuya? May kuya ka?” gulong saad niya.

“Ah, mamaya ko na ikukuwento sa ’yo at mag-9 na. Alam mo naman si Sir Guevara, ayaw noon na late ka, kaya tara na,” saad ko.

“’Uu na.”

Tumayo na ako at naglakad na kami papuntang room namin. Habang naglalakad kami, nahagip ng mata ko si Ezekiel kausap si Ma’am Clarissa.

Nakakunot ang noo ko habang si Ma’am Clarissa ay nakahawak sa braso ni Sir. Gusto ko tuloy puntahan at sabihing umalis siya at huwag pansinin ang boyfriend ko, pero bawal—student lang ako habang sila teacher.

“’Di ba si Sir Ezekiel ’yon?” takang tanong ni Jouiela.

“’Uu, bakit?”

“Sila na siguro ni Ma’am noh. Madalas ko silang nakikitang nag-uusap, dati naman sweet sila na parang sila talaga,” paliwanag niya.

“Pake ko, tara na nga. Hayaan n’yo silang maglandian,” iritang saad ko at iniwan siya.

Nakarating ako sa room. Nagkakagulo na naman sila, lalo na si bruha na Natasha. Siya talaga palaging nagsisimuno ng gulo dito sa loob ng room, hindi lang dito kundi sa buong lugar dito.

Lumakad na ako sa upuan ko. Napatingin ako kay Natasha nang iharang niya ang isang paa niya.

Agad akong umiwas, alam ko naman kasi ang mangyayari kapag nagpatuloy ako.

“Hoy, ikaw?” aniya at hinampas ang lamesa. Napa-roll eyes ako, napakayabang kapag may mga kasama.

“Ano na naman ba ang kailangan mo, Natasha?” iritang saad ko.

“Hala beh, ’di na takot sa ’yo, palaban na.”

“Eh kung sampalin kita, Natasha?” saad ni Joyce. Irita ko lang silang tiningnan, tatlo.

“Pwede ba huwag ngayon? Mainit ulo ko. Baka makalimutan ko na nasa school ako at mapatulan ko kayong tatlo, baka magsisi kayo,” tapang na saad ko.

“Tumatapang na, beh,” sabay ni Christine.

Ngumisi lang ako ng nakakaloko sa kanila. Papansin talaga sila. Mahal talaga ni Natasha si Liam pero ’di siya mamahalin nito—napakasama kasi talaga ng ugali nito.

“Layuan mo si Liam.”

“Huh? Tanga ka ba? Magkaibigan kami. Tsaka siya ang lumapit sa ’kin, hindi ako, okay? Tsaka nagseselos ka ba dahil mas close kami at pinapansin niya ako lagi? Grabe ka na, beh,” saad ko na ikinainis niya.

“Pwede ba, Natasha, tigilan mo muna ako. ’Di ako magkakagusto sa ’yo kahit maganda ka pa, napakapangit naman ng ugali mo,” saad ni Liam na ikinatawa ko.

“Hoy, ano na naman ’to?” biglang sulpot na saad ni Jouiela.

“Andito na naman ang bida-bida.”

SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)Where stories live. Discover now