XAVIER POV...
Nakangiti akong nakatingin sa mga kaibigan ko. Todo puri sila kay Yvielle sa pagkapanalo ulit nito, kahit ni isa ay hindi pina-score si Kim. Napakagaling ko naman ata magturo.
“Galing mo talaga magturo sa asawa mo, Xavier,” ngiting saad ni Alejandro.
“Yes, ako pa,” tawang saad ko, natawa rin naman ito.
“Napakagaling niya kanina, ’di man lang pina-score si Kim. HAHA.”
“Hanga na talaga ako sa asawa mo.”
“Napakagaling na niya.”
“Maganda pa.”
Mga komento nila. Napangiti na lang ako dahil napakaswerte ko talaga na naging asawa ko siya, kahit alam kong mahal niya ay si Ezekiel pa rin.
Naging mahaba ang usapan namin hanggang sa nagpaalam na kami sa isa’t isa. Hahanapin ko rin si Yvielle. I want to congratulate her.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Napangisi ako nang makita ko si Kim na nakasimangot.
Nainis siguro ito dahil natalo na naman siya noong unang laro nila. Pinalipad rin ito, at kanina lumipad na naman. Kawawa.
“You’re too loser, Kim,” tawang saad ko kay Kim nang makasalubong ko ito.
“Then what now?” pagtataray nito.
“’Di mo talaga kaya ang asawa ko,” pagmamalaki ko.
Tinawanan ko siya habang naiinis siya sa akin. Ang mga galawan ni Yvielle kanina ay alam na alam ko kung saan aatake ang kalaban niya, and I supported her kanina. Ang galing niya doon.
“Asawa mo? Ang tanong, mahal ka ba?” ngising tanong niya.
“Yes, she loves me. ’Di gaya sa’yo, walang nagmamahal.”
“Oh, wala? I have a fiancé, Xavier, at kilalang-kilala mo. Malaking kaaway mo pa nga,” anya, kaya napaisip naman ako. Wala akong ibang kaaway kundi si Ezekiel lang. Alam niya bang buhay pa ang gagong iyon?
“It’s Ezekiel, right?” I asked.
“Yes, naglalapit na rin ang kasal namin,” tiling saad niya.
“What? Patay na si Ezekiel?” kunwaring nagugulat na tanong ko.
“Stop acting like you don’t know the truth. Gosh, nakaka-pressure pag gano’n,” anya. ’Di ako nakasagot.
“Hayst, I know you know the truth. Andito si Ezekiel, and I guess nagkita na sila ng ASAWA MO,” anya, kaya napalaki ang mata ko.
“Then?”
“The f*ck, wala ka man lang gagawin?” anya.
“Tsk, bahala ka nga.”
Umalis ako roon dahil iniisip ko rin na baka nga nagkita na sila ni Ezekiel, and I will not let that happen. Sa akin si Yvielle. Ako na ang asawa niya. ’Di ako papayag na magkita ulit sila.
“Tito, can you give me that, please?” sulpot ni Thyzel sa harapan ko at itinuro ang balloon.
“Do you want it ba?” I asked. Tumango naman siya, kaya inabot ko na ito. Tuwang-tuwa naman siya. Pinantayan ko ito.
“Thanks, Tito,” anya at hinalikan ako sa pisngi. Natuwa naman ako.
Malapit talaga ito sa akin dahil ang kinikilalang ama nito ay ako, habang ang kambal niya ay hindi, dahil alam nitong ’di ako tunay na ama nila, kagaya ni Azrael na laging nagsusungit sa akin.
Nagpaalam itong umalis na dahil tinatawag siya ng kuya niya, kaya napatayo na rin ako para umalis dahil kailangan ko nang mahanap kung nasaan si Yvielle.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
Storie d'amoreEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
