YVIELLE LORAINE POV...
Lumipas ang isang buwan na wala pa rin kaming pansinan ni Ezekiel. Mali pala ako, ako lang ang hindi namamansin.
Nasa bahay niya ako ngayon, naghahanda because this is my last sa pagiging studyante at ga-graduate na ako as your beautiful lawyer, chur.
Simula noong araw na nalaman ko ang lahat ay hindi ko kinausap si Ezekiel, pero siya patuloy pa rin akong kinakausap.
Pati nga si Azrael ay tinatanong ako kung bakit hindi ko pinapansin ang daddy niya. Nagpalusot lang ako at naniwala naman siya.
Matagal niya akong sinusuyo sa mga salita niyang totoong mahal niya ako. Nakikita ko naman ’yon sa mga mata niya, kaso lang hindi pa talaga ako ready magpatawad.
At ngayon, last ko na sa pagiging isang student niya. Patatawarin ko siya at kakausapin na, matagal ko rin siyang hindi nakausap at na-miss ko siya.
At sana si Shanaiah magpakita na. Lumipas na lang at halos dalawang buwan ay hindi pa rin siya nagpapakita. Wala siyang update sa ’kin, sa ’min ni Jouiela.
Wala man lang text o tawag, pero hindi naman ako galit sa kanya at hinihiling kong dumating siya mamaya sa graduation namin.
Kahit hindi na niya ibigay ’yong regalo niya sa ’kin na kapag naakit ko si sir ay okay lang, basta bumalik lang siya.
“Mom, you’re so pretty po,” saad nitong anak ko.
Natawa naman ako, at yes, anak ko na talaga siya. Tanggap ko na at handang magpaka-ina sa kanya.
“Yes, and you are handsome too. Are you ready na ba?” I ask.
Sasama kasi siya dahil pinilit niya ang daddy niya na sumama sa graduation ko. Gusto niya makita daw ako, so pumayag naman si Ezekiel.
“Yes, Mom, and like Dad, he’s ready too. Mommy, I have something gift for you po mamaya,” saad nito.
“Wow, can you tell me what is it, son?”
“No, hindi po pwede. It’s a surprise.”
“Okay,” tawang saad ko. Ngumiti naman siya. Rinig namin ang pagtawag ni Ezekiel.
“Mom, let’s go?”
“You go first, anak. May aayusin lang si Mommy,” ngiting saad ko. Kina-sunod niya naman. Ngumiti akong humarap sa salamin.
Napabuntong-hininga ako sa lahat ng paghihirap ko. Andito na ngayon, wearing my last toga at sasabak sa huling pila. Ipinapangako ko sa aking sarili, magtatrabaho ako for my future.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas, at pagkalabas ko nga ay nakita kong inaantay nila ako sa sala. 8 a.m. pa naman at magsisimula kasi 10 a.m., kaya mahaba pa ang oras.
“Beautiful,” rinig kong banggit ni Ezekiel kaya napangiti ako.
“Thank you,” ngiting saad ko. Bakit ba ako nahihiyang kausap ’to? Siguro dahil matagal ko siyang hindi nakausap.
“Can we talk?” anya. Pinakain kasi muna ng yaya ni Azrael ang bata kaya kami na lang dalawa ang natira sa sala.
“Ah, sige. May sasabihin ka ba?” kalmadong tanong ko.
“Bakit hindi mo ako pinapansin almost two months ah,” mahinang saad niya at lumapit sa ’kin na ikinaba ko.
“Huh, pinapansin naman ah.”
“Hindi mo ako kinakausap nang maayos. Can we go back noong okay pa tayo? This is your last as my student,” anya at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako, oo nga pala.
