YVIELLE LORAINE POV...
After 4 years ay maraming nagbago simula nang maipanganak ko ang kambal kong anak na lalaki. Yes, kambal sila. Pinangalanan ko silang Rhyzel at Thyzel.
3 years old pa lamang sila pero napaka-matured na nila at makaasta parang matatanda na, pero kapag ako ang kasama nila ay nagiging bata pa rin sila, always nagpapalambing.
Magkasundo naman sila pero minsan nag-aaway pa rin, hindi maiwasan iyon sa kanila.
Pero kapag sinuway naman ni Azrael at pinagsabihan sila ay susunod naman sila. Si Azrael ay big boy na.
Dahil dala ko ang last name ni Ezekiel, kahit wala na siya ay pinaninindigan ko pa rin. Asawa ko siya.
Maraming nangyari after a year. Ang pagkamatay ni Papa at ni Ezekiel ay hindi pa rin nalulutas.
Kaya ang dalawang pamilya ay patuloy pa rin sa paghahanap kung may makukuha bang impormasyon, but still wala pa rin.
At ang arranged marriage namin ni Xavier ay hindi natuloy noon. After a year, he’s my fake husband now. Kahit ayaw ko ay pumayag ako for our plan.
May hinala kasi si Kuya na ang ama nito ang pumatay sa totoong asawa ko at kay Papa.
Hindi niya alam na peke ang kasal namin. Si Kuya ang may gawa noon.
At sa nagdaang taon ay natuto akong dungisan ng dugo ang aking mga kamay. Hindi ko pa nagagawa ang plano ni Kuya kasi hindi pa ako masyadong magaling noong nagdaang taon, but natuto na rin ako.
“Mommy, I have something for you po,” takbong saad ni Thyzel sa akin.
Si Rhyzel ang mas matanda sa kambal. Mahilig ito sa mga book na pang-business at napaka-seryoso rin, pero sa mga hindi lang niya kilala.
Kasi kapag sa akin o kina Mama at mga tita niya ay palagi itong nagpapalambing.
Habang si Thyzel naman ang mas bata. Siyempre mahilig din siya sa books pero mas childish siya kay Rhyzel. Palagi siyang nagpapalambing sa akin.
Nagiging seryoso lang ito kapag ang gusto niya ay inaagaw sa kanya. Nakikipag-away pa nga kahit matanda ang kalaban.
“What is it, baby?”
“Mom, I have flowers for you. Look, it’s beautiful, right? You like it po ba?” nakangiting saad niya at ibinigay sa akin ang tulip. Ngumiti naman ako.
“Oh, it’s beautiful, baby. Thank you, this is my favorite flower,” ngisi ko.
“I know, kaya nga iyan ang napili ko.” Nagulat ako sa nagsalita at napatingin ako doon—si Xavier.
“Uy, what are you doing here?”
“To visit you.”
“Halata naman, haha.”
“Where’s your Kuya Azrael, Thyzel, and your Kuya Rhyzel? May pasalubong ako sa inyo,” anya.
Ngumiti naman ang anak ko.
“Good morning, Mom,” cold na saad ni Azrael na hindi tumitingin sa akin, nasa selpon lang ang tingin nito.
“Good morning, anak. Kumain ka na habang mainit pa ang niluto ko, favorite mo iyon,” nakangiting saad ko.
“Nah, I’m already full na,” seryosong saad nito.
“Good morning, Azrael. I have a gift for you,” ngiting saad ni Xavier dito. Napa-smirk si Azrael.
“Ha? I don't need your gift. And what are you doing here? Hindi porket asawa ka ni Mom ay lagi ka pupunta sa bahay ng Daddy ko. Napaka-kapal naman ata ng face mo,” walang ganang saad niya.
