EZEKIEL POV...
Umalis kami sa parking lot pagkatapos ng eksena kanina. ’Di ko talaga lubos akalain na sinaktan ni Xavier si Yvielle.
Halos ako, ’di ko siya sinasaktan, eh tapos siya nagagawa niya itong saktan—napaka-hayop niya naman. Nakakagigil siya.
Inis kong ininom ang alak at pagkatapos noon, nagulat na lang ako na may baso na tumama sa ulo ko kaya mas lalong nainis ako at tinapon ang baso sa harapan ko.
“Are you insane? Naiinis na nga ako, dumadagdag ka pa. Kung gusto mong maglaro, huwag dito—baka mabitin pa kita.” Sigaw, inis na saad ko. Tumingin naman sa akin ang bata; nagulat ako—anak ito ni Yvielle. Pero iba ang kaharap ko ngayon sa nakausap ko kanina; baka ’yung isa ito.
“Hey, dude, don’t you ever shout at me because my mom never shouted at me,” tapang na saad niya. Natawa ako sa sinabi nito—dude ah, tapang niya!
“What did you say? You know that I’m older than you?” sarkastikong saad ko.
“I know, but you shouted at me. I know you’re bad,” aniya at sinampal ang paa ko. Hindi naman kasakitan—ang cute ng kamay niya.
Tantsa ko nasa 3 years old pa ang batang ito, kasi kung totoo ang sinabi ng kakambal nito kanina ay mas lalong matutuwa ako.
His eyes look like mine; ang aura niya kuhang-kuha sa akin—parang baby version ko. Nakakatuwa, ’di ba?
“I wish I could hug you when you were a baby pa,” saad ko at tumingin sa kanya nang seryoso. Nagulat naman siya rito.
“Po? Why do you not have a baby po ba?” Ngayon ay naging magalang na siya—cute.
“I have, but he never knew me,” seryosong saad ko.
“What’s your name, little boy?” I asked, pero nacucutan kasi ako dahil naka-pout ito.
“I never tell you,” sungit niyang saad kaya natawa ako nang mahina.
“Okay, I’m sorry. You’re so cute,” saad ko at hinawakan ang pisngi niya. Ngumisi siya.
“I think you’re a good man naman, okay. My name is Rhydian Sevellina Guevara,” aniya. Nagulat ako—dala niya pala ang last name ko.
“And what’s your name?”
“My name is Ezekiel Guevara,” I answered while smiling. Nagulat siya roon; bigla siyang lumapit nang bahagya sa akin at hinawakan ang mukha ko.
Kahit naka-mask ako ay pilit niya itong tinanggal pero ’di niya matanggal dahil ’di niya kaya.
“Hey.”
“My mom told me that the name of my father was Ezekiel Guevara. I think you are my dad? But that’s impossible—my dad died 4 years ago. Can I have a favor po?” aniya kaya tumango ako.
“Yes, what is it?”
“Can I see your face?” aniya. Ngumiti ako at dahan-dahang tinanggal ang mask ko.
Natahimik siya at hinawakan ang mukha ko. Medyo nagulat pa ako doon. Hinawakan niya ang kamay ko bago siya sumiksik sa akin at umiyak.
“I knew it—you’re my dad,” hikbing saad niya kaya nabigla ako.
Napatawa ako at kinarga siya. He’s so cute. Habang yakap-yakap niya ako ay hinimas ko ang buhok niya. Maliit pa siya pero ang matured na—ang galing, ’di ba? Manang-mana talaga sa akin.
“Where’s your brother, son?”
“Dad?” Napaunat ako nang marinig ko ang boses—si Azrael, na gulat na makita ako.
