Nagising ako na nanghihina at namamaga ang aking dalawang mata kakaiyak kagabi dahil hindi ako tinigilan ni Xavier.
Wala na siya sa harapan ko; siguro bumaba na. Wala akong saplot at hubot-hubad ako. Kahit masakit ang aking pagkababae ay naiiyak akong pumasok ng CR upang maligo.
Umiyak akong pinupunasan ang katawan kong nahawakan niya. Nandidiri ako sa sarili ko—paano ko hinayaang galawin niya ako?
Pagkatapos kong maligo ay nag-underwear ako bago ko tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ang dami kong pasa sa kagagawan ni Xavier—napaka-hayop niya.
Lumabas ako at nagulat ako nang makita ko si Xavier sa harapan ko, may dalang jacket.
“Wear this one,” inabot niya sa akin ang jacket. Hindi ko iyon tinanggap.
“Kukunin mo o masasaktan ka,” aniya at hinawakan nang mahigpit ang braso ko.
“Bitawan mo ako, Xavier. Nasasaktan ako,” saad ko at tinanggap ang jacket.
“Bilisan mo at andoon ang mag-ama mo. Never tell this to Ezekiel—mananagot ka sa akin, pati ang mga anak mo. Don’t try me, Yvielle,” seryosong saad niya kaya sinunod ko ang sinabi niya. Huh? Paano sila nagsama?
Inutusan niya akong takpan lahat ng sugat ko kaya ginawa ko rin. Nilagyan ko ng foundation para ’di makita. Pagkatapos noon, hinila niya ako pababa.
“Dahan-dahan naman, Xavier. ’Di ako makalakad nang maayos,” saad ko dahil sobrang sakit ng pagkababae ko sa ginawa ng g*gong ito.
“Let’s act like a perfect couple instead,” aniya.
“Ayoko.”
“Ayaw mo o hindi na makakalabas ng buhay dito ang mga anak mo—gusto mo ba ’yon?” aniya.
“’Oo na,” giit ko.
Alam kong napakahina ko pagdating sa kanila. ’Di ko man lang magawang ipaglaban ang sarili ko sa kanya kagabi—nakakainis ka talaga, Yvielle. Binuhat niya ako, pang-bridal style.
“How’s your sleep, babe?” peke niyang tanong.
Alam ko kung bakit niya ginawa iyon—andito sa harapan namin si Ezekiel. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko kaya napa-daing ako nang mahina.
“Okay naman. How about you?” sagot ko. Binaba niya ako kaya inayos ko rin ang tayo ko.
“I like the way we did last night. I enjoyed it,” aniya at bahagyang tumingin kay Ezekiel. Bwisit ka talaga, Xavier.
“What happened between both of you last night?” tanong ni Ezekiel, bakas sa tinig niya ang lamig at ang aura niya’y nakakatakot. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo?
“We were making love.”
“What?” Akmang susuntukin sana ni Ezekiel si Xavier nang pumagitna ako.
Ayoko magka-gulo sila. Alam kong may malaking kasalanan si Xavier sa akin pero hindi pwedeng kunin niya ulit si Ezekiel.
Tama na ang apat na taon; ayoko nang makitang umiiyak ang sarili ko dahil sa pekeng pagkamatay niya.
“Tama na, Ezekiel. We’re both happy now. Just let me be happy with Xavier,” tapang na saad ko sa kanya, kahit gustong-gusto kong umiyak sa bisig niya at magsumbong pero hindi ko magawa.
“Ah, sir, luto na po ang breakfast n’yo,” saad ni Manang at kawawang tumingin sa akin.
I knew it—alam kong alam niya ang ginawa ni Xavier sa akin at sana maging saksi siya kapag dumating ang panahong kakasuhan ko si Xavier. Bagay sa kanya mabulok sa bilangguan.
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomansaEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
