Nagising ako sa bigat ng pakiramdam. Ang sakit ng buong katawan ko, katamad bumangon.
Isang round lang pero nagagawa ni Ezekiel ang iba’t ibang posisyon, hindi man lang ako tinigilan; tumigil lang dahil satisfied na kuno siya.
Napalinga-linga ako dahil wala na ako katabi, pero pagtingin ko sa kabila ay nakita ko ito na nakatalikod sa’kin.
May damit na ito, polo na iyong ginagamit kapag naliligo ka, tapos naka-tsinelas siya na kulay black. Kahit nakatalikod siya, gwapo pa rin.
Gumulong ako para yakapin ito. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko siya pinansin at mas lalo akong yumakap sa kanya, gusto ko siyang amuy-amoyin.
“Your awake?”
“Diba obvious?” pabalang na saad ko na ikinakunot ng noo niya.
Nagulat ako nang buhatin niya ako at ayon, nakapatong ako sa kanya, parang nag-cuddle kami.
“Bakit ba ang sungit-sungit mo sa’kin?” anya at pinisil-pisil pa ng mahina ang pisngi ko na ikinasimangot ko rin.
“Naiinis kasi ako sa’yo. Anong oras na ba?” tanong ko at napasubsob na lang sa kanya. Napagod ako kanina, grabe kasi itong si Ezekiel.
“It’s already 5 PM.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Bakit ’di mo ako ginising?”
“Ayoko lang storbohin ang tulog mo, mahimbing eh. Baka napagod ka kanina,” anya at nginisihan pa ako. Kakainis talaga tong lalaking ito.
“Hayst, asan na ba ang mga bata?”
“Kanina lang andoon. Natulog ’yon kanina dito, tumabi sa’yo, pero nauna ring nagising dahil kinuha ni Khalil. Andoon sila sa labas,” mahinahong saad niya.
“Let’s go?” tanong nito na ikinatayo ko rin, pero medyo kumirot ang pagkababae ko. Sh*t, para akong na-virginan.
Napahawak ako sa braso ni Ezekiel kasi sobrang sakit ng katawan ko, hindi ako makalakad. Tiningnan lang niya ako ng naaawang tingin.
“I’m sorry,” anya.
Napairap naman ako at bumalik na lang din sa pagkakaupo. Napatingin ako kay Ezekiel nang alalayan niya akong makahiga ulit.
“Stay here, kukuha na lang ako ng makakain mo,” anya bago siya tumayo at hinalikan muna ako sa labi, pagkatapos lumabas na siya.
Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti na lang. Napakaswerte ko talaga sa tatay ninyo. Dahil nakakabagot naman, napagpasyahan ko na lang maligo dahil may banyo naman sa kwartong ito.
Pagkapasok ko sa banyo ay naalala kong hindi ko pala alam kung nasaan ang gamit ko dahil kanina ang dress na binigay ni Ezekiel, galing iyon sa cabinet.
Kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa cabinet. Binuksan ko ito at nagulat na lang ako dahil maraming polo ni Ezekiel dito.
Napanganga na lang ako dahil kahit isa kong damit ay wala. Sabi niya kasi meron na eh.
Wala akong choice kaya kinuha ko ang putol na polo niya, at dahil may cycling naman na nakatupi sa ilalim ay iyon ang sinuot ko.
Humarap ako sa salamin; bagay naman pala sa’kin. Dahil hindi na rin gaano kasakit ang pagkababae ko, dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at sumilip.
Kanina pa ang si Ezekiel pero ang tagal-tagal namang bumalik. Hindi ko pa alam ang lugar na ’to kung nasaan ba sila.
Kahit pa nagdadalawang-isip ako ay agad din akong bumaba dahil nagugutom na rin talaga ako. Pagkababa ko pa lang ay bumungad sa’kin ang mga taong nag-swimsuit lang. Lumabas kasi ako sa hotel na ’yon at napadpad ako sa labas, malamang, diba?
YOU ARE READING
SEDUCING MY PROFESSOR(COMPLETE)
RomanceEZEKIEL GUEVARA (MAFIA BOSS SERIES 1) Si Yvielle, isang simpleng estudyante na lumaki sa hirap, ay sanay na lumaban para sa kanyang mga pangarap. Tahimik lang ang buhay niya sa unibersidad hanggang sa isang araw ay nagbago ang lahat dahil sa isang m...
