YVIELLE LORAINE POV...
Naging maayos ang lahat nang makulong si Xavier, habang nabalita naman na namatay ang ama nito, at alam kong ang mga kaibigan ni Ezekiel ang may gawa noon.
Alam kong masakit para kay Xavier ang nangyari, tapos nakulong pa siya, pero kailangan niya ring pagbayaran ang nagawa niya sa akin dahil grabe ang ginawa niya.
Pagkatapos kong sabihin kay Ezekiel na siya ang ama, ay ang saya-saya niya, halik nang halik sa akin. Hindi maitatanggi na gusto niyang siya ang maging ama ng batang dinadala ko.
Kumakain ako ng mangga ngayon, kakatapos lang balatan ni Ezekiel lahat ng mangga, at iyong pancit hinaluan ko rin ng sardinas, tapos ketchup ang pares sa mangga ko. Sarap na sarap ako sa kinakain ko, tinititigan lang ako ni Ezekiel.
"Gusto mo?" tanong ko.
"Grabeng cravings naman 'yan, mangga hinaluan ng ketchup? Tapos pancit canton may halo ng sardinas? 'Di ka ba nasusuka riyan?" tanong nito. Napangisi naman ako.
"Ang sarap kaya, subukan mo oh," alok ko at sinubuan ito, pero hindi niya binuksan ang bibig niya.
Napakunot-noo ako at inirapan siya. Kung ayaw niya, edi huwag.
"Edi huwag, masarap kaya," saad ko at ninamnam ang sarap ng mangga.
"Aalis ako ngayon, punta akong company. May kaunting aayusin lang ako," paalam niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong oras ka naman babalik?"
"I'm not sure, hon, but uuwi ako."
"Sige, 'yung pasalubong ko ah," paalala ko na ikinangiti niya.
"I never forget that anyway. Magbibihis lang ako. Pagkatapos mo kumain, pakainin mo na lang sina Azrael ah," aniya kaya tumango ako bago siya umakyat sa taas para magbihis.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Talagang tila walang kabusugan ang tiyan ko.
Gustong-gusto ata ni baby itong kinakain ko. Napatitig ako sa may sala nang marinig ko ang boses ni Ezekiel doon.
"Hon, come here," sigaw nito kaya kina-tayo ko.
Saglit kong iniwan ang kinakain ko bago ako humakbang na may nginunguya pa rin hanggang sa nalunok ko na ito.
Nang makarating ako sa sala, I saw him, formal na formal ang suot niya. Sigurado akong pupunta talaga siya sa company niya.
"Bakit?" saad ko.
Lumingon naman siya sa akin. Sh*t, pogi talaga ng asawa ko, parang nag-slowmo ang mundo dahil sa nakikita ko ngayon.
"Nagwawapuhan ka na naman sa akin, hayst," saad niya na may napaka-smirk pa. Natawa tuloy ako. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
"Gwapo ka naman talaga."
"I'll be back, okay? Mauna na kayo kumain at patulugin muna ang mga bata mamaya ah. Huwag mo na rin akong antayin. Mas mabuting magpahinga ka ng maaga para sa baby natin. Alagaan mo sila ah," paalala niya.
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Bakit parang may kakaiba? Napahampas ako sa braso nito.
"Bakit parang nagpapaalam ka ata? Manahimik ka nga. Lagi ko namang aalagaan ang mga bata, siyempre pati ikaw. Tsaka uuwi ka naman, 'di ba?" saad ko at pinipigilan na tumulo ang luha ko. Parang may kakaiba kasi.
"Siyempre, babalik ako."
"Promise."
"Opo, promise," saad niya bago niya ako halikan sa labi na ikinatuon ko rin.
