DARIOUSE CLARENCE POV...
Andito pa rin ako sa bahay ni Ezekiel. It’s already 3 PM at pina-uwi ko na si Rea, my girlfriend. Sabi niya kasi may importante pa siyang lalakarin.
“’Di mo ba talaga magugustuhan si Kianna?” tanong ni Rhydian.
“Why would I like her? I have a girlfriend, dude, and I love Rea. We’re engaged.”
“I know. I’m just worried about Xavrielle. She loves you so much, dude,” anya na ikinaseryoso ko lang ng tingin.
“Bata pa siya. Makakahanap pa siya ng lalaking kayang suklian ang pagmamahal niya.”
“Hayst, sana nga. Ikakasal ka pa naman, masasaktan ’yon.”
“She’s like my little sister, dude. I never loved her back,” seryosong saad ko na ikinatango-tango niya.
I have a girlfriend at mahal ko si Rea. Ikakasal na kami. ’Di ko naman kasalanan kung ’di ko masuklian ang pagmamahal niya.
Pwede niya naman akong palitan at magmahal ulit dahil kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.
“Anong plano ni Ezekiel?”
“Sabi niya kukunin niya kay Xavier si Yvielle.”
“Obsessed na obsessed si Xavier kay Yvielle. Paano niya mababawi ’yon?” anya.
Tama nga naman. Ang ganda din kasi ng asawa ni Ezekiel kaya maraming nagkakagusto. Kahit nga hawakan siya, nahihiya ako. Hindi lang maputi, makinis din ito.
Unang kita ko sa kanya sa school ay ’di ko maitatangging nagustuhan ko rin ito, pero nang malaman kong mahal ito ni Ezekiel ay nag-back out ako.
Mahirap kalabanin itong isang ’to dahil pag gusto niya, nakukuha niya. Kaya walang dahilan na hindi niya makuha ang gusto niya.
Maganda si Yvielle kaya gustong-gusto ito ni Xavier. Kahit unang kita pa lang, in love agad ito. Gusto pa pakasalan kahit noong sinabi na nilang kasal si Yvielle kay Ezekiel. Grabe, ’no?
“Antayin na lang natin ang sunod na hakbang ni Ezekiel. Alam ko, pag nag-iisip siya, pinag-iisipan niya talaga nang seryoso.”
“Sabagay,” anya at ininom ang hawak niyang wine.
“Ikaw ba, kailan ka ba magkakajowa?” ngising tanong ko kay Rhydian. Seryoso niya akong tiningnan.
“IDK. HAHA. Focus muna sa negosyo before ’yan,” anya kaya natawa ako.
“Ano ba gusto mo someday?” tanong ko.
“For me, I want to be a father someday,” seryosong saad niya. Tatawa sana ako nang makita kong seryoso siya.
“Wow ah. Wala ka pa ngang girlfriend, gusto mo muna maging daddy,” saad ko.
“Baka sa susunod, pagbibigyan na. HAHA,” tawang saad niya.
Natawa ako sa sinabi niya. May pagka-seryoso din pala ito—gusto pang maging ama pero wala namang girlfriend. Hayst, baka sa susunod meron na ito.
YVIELLE LORAINE POV…
Lumabas ako ng kusina at naupo na lang sa sofa. Napanguso ako dahil sa mga iniisip ko. Paano kaya pag ’di na talaga ako mahal ni Ezekiel?
At kaya siguro napalitan na niya ako. Wala akong laban doon—napakaganda ng babae.
“Anong nginuso-nguso mo diyan?” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jouiela sa harapan ko. Anong ginagawa niya dito?
“Naku, dai, namimiss na kita. It’s been a month, at may nalaman ako tungkol kay Shanaiah,” saad nito.
