Hinilot-hilot ni Klio ang sentido. Naparami yata ang inom niya sa reception kagabi.
Kinapa niya ang asawa sa higaan.
Napadilat siya nang hindi maramdaman ang babae.
"Teyl?" tawag niya dahil baka nasa banyo lang ito. Bumangon siya. "Damn..." aniya nang maramdaman ang pagkirot ng ulo.
Tiningnan niya ang orasan sa bedside table. Alas sais palang ng umaga.
"Love?" tawag niya ulit sa babae.
Tumayo siya para tingnan kung nasa banyo nga ito.
Wala.
Nakakunot-noong lumabas siya ng silid.
Saan kaya nagpunta ang asawa niya nang pagkaaga-aga?
"Teyl?"
Bumaba na siya sa unang palapag ng bahay.
Nang makarating doon, nilibot na rin niya ang sala, dining area, at kusina pero wala rin doon ang babae.
"Teyl?"
Napagdesisyunan na niyang lumabas ng bahay.
Saan naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon?
Niyakap agad ng malamig na hangin ang balat niya nang buksan niya ang pinto.
Nag-inat siya habang tinatawag ang asawa. "Teyl?"
Inilibot niya ang paningin sa bakuran. Wala namang tao roon.
Lumabas ba ang asawa niya nang hindi siya kasama?
Babalik na sana siya sa loob ng bahay para tawagan ito nang may mahagip ang mata niya.
Paa ba iyon?
Dali-daling nilapitan ni Klio ang nakausli sa kanang pader ng bahay.
"Teyl!" bulalas niya nang makita ang asawang nakahandusay sa damuhan. "Love, hey..." aniya't pinaupo ito at tinapik-tapik sa pisngi.
Putikan ang puting pantulog ng babae. Pati buhok nito, nanlalagkit na rin dahil sa putik.
May mga gasgas rin ito sa mga tuhod at siko.
"Hey..." aniya't tinapik ulit ito sa pisngi.
Humihinga ang babae kaya alam niyang tulog lang ito o marahil ay nawalan ng malay.
He's about to lift her up when she opened her eyes.
"Thank God!"
"Kley?"
"Yes, it's me, my love..."
"Anong nangyari? Bakit tayo nandito?"
"Hindi ko rin alam. You do not remember where you came from?"
Umiling ito.
Hinawi niya ang buhok ng asawa. "Pasok na muna tayo sa loob, okay? Let's get you cleaned up."
Nang tumango ang babae'y binuhat na niya ito papasok ng bahay.
"I feel dizzy..."
"Maligo ka muna, ha? Then, we'll take a rest again."
Umakyat na siya papunta sa k'warto nila nang makapasok sa loob.
Sa sobrang kalasingan, hindi na niya napansing nakalabas na pala ang asawa't malay niya kung saan-saan na ito umabot.
Pa'no kung may masamang nangyari rito?
Diniretso niya sa banyo ang babae.
Iniupo niya ito sa gilid ng bath tub at hinubaran ng pantulog at underwear.
Then, he ran the water on her body to remove the mud all over her.
"Love, may masakit ba sa 'yo? Any part of your body?" tanong niya habang sina-shampoo ang buhok ng asawa.
Dumilat ito at tumingin sa kanya. Then, she shook her head.
"Are you sure? Ang dami mong galos, o..."
Tumango ito.
He rinsed her hair. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang sinabunan ang mukha nito.
Pumikit ulit ang babae.
"Nahihilo ka pa rin?"
Tumango ito.
Pagkatapos itong mahilamusan ay isinunod na niya ang katawan ng asawa.
Hindi niya napigilang mapalunok nang muling makita ang kahubdan nito.
But he immediately chastised himself when he remember how unwell she is.
Pagkatapos sabonan ang buong katawan ng asawa ay binanlawan na niya ito.
Then, he took a towel and dry her hair and body.
Sinuotan niya rin ito ng roba bago buhatin at iupo sa lababo.
He dried her hair.
"Sandali na lang, okay?" aniya't kinintalan ito ng halik sa labi.
She nodded.
Nang matapos sa pagtutuyo ng buhok ng babae ay dinala na niya ito sa higaan nila.
Pinaupo niya muna ito sa gilid ng kama.
"Kukuha lang ako ng damit mo, love."
Nang tumango ang babae ay iniwan na niya ito.
He took a new set of underwear and nightgown for her.
"Teyl, bihis ka muna..." aniya sa asawang nahiga na sa kama.
Tinulungan niya itong magbihis. Nang matapos ang babae ay bumalik siya sa banyo para isabit ang bathrobe.
Saka muling binalikan ang asawa.
Nakahiga na ulit ito.
"Maliligo lang ako, ha?" aniya sa asawa't hinalikan ito sa noo.
Tumango ito.
Kinumutan niya muna ang babae bago pumunta sa banyo.
Hindi niya mapigilang mapakunot-noo habang naliligo.
He's curious about what happened to her while he's fast asleep.
Imposible namang may pumasok sa bahay niya, tinangay ang asawa niya't dinala kung saan-saan.
His house is protected with surveillance cameras and motion sensors. Kahit tulog siya, magigising siya 'pag nag-ingay iyon.
"Might as well check the CCTV cameras later..." aniya sa sarili.
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Misterio / SuspensoThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...