Chapter 1- Part 5

73 3 10
                                        

Nagising si Teyl sa samyo ng pagkain sa loob ng k'warto.

Then, someone hugged her from behind.

"Hello, love. Kain ka na, alas dose na," ani Klio.

Pumihit siya paharap sa asawa.

"Nahihilo ka pa ba?"

Umiling siya.

He helped her get up.

"Gusto mo ba ng lunch in bed? Or doon na lang tayo sa couch?" anito't itinuro ang sofa set sa loob ng kwarto nito.

"Doon na lang..." sagot niya.

"Okay," anang asawa't nauna nang bumaba mula sa higaan.

Inalalayan siya nito't iginiya palapit sa center table kung saan nakapatong ang tanghalian nila.

"Nilutuan kita ng sinigang. Saka spicy honey chicken."

Bigla siyang nagutom dahil sa narinig sa asawa. "Ang sarap naman..."

Ipinagsandok siya nito ng kanin at ulam. Pagkatapos ay nilagyan ng sabaw sa maliit na mangkok.

"Kumain ka nang marami, love," anito nang iabot sa kanya ang plato.

"Kumain ka na rin," aniya sa asawa.

"I will."

Tahimik niyang sinimulan ang pagkain.

"I checked the CCTV," anang lalaki nang maupo sa tabi niya, "you went out in the middle of the night."

Nabitin sa ere ang hawak niyang kutsara.

"You wander inside the house before you found the back door. Nakalimutan kong isara kagabi kaya nabuksan mo. You were sleepwalking, love."

Ibinaba niya ang kutsara sa plato bago pa niya mabitawan.

Itinabi muna nito ang mga plato nila at umusog sa tabi niya. "Does it always happen? Palagi ka bang nagse-sleepwalk sa gabi?"

Ipinatong nito ang isang braso sa sandalan ng couch sa likod niya.

"Kapag... 'pag sobrang stress lang..."

He pulled her towards him. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, hayaan mo na lang na ang wedding organizer na ang mag-asikaso sa kasal natin, love. Tingnan mo 'yan ngayon..."

Sumandal siya sa dibdib ng asawa. "I just want to make sure that everything will go according to plan."

"It did. But you risked yourself for it."

"At least, I made you happy, love..."

"Iwas-iwasan mo muna ang ma-stress sa mga susunod na araw, ha? I don't want something bad to happen to you."

"Okay."

"I think I should stay up at night to look after you."

Tiningala niya ang asawa. "Is there a need for that?"

"Or maybe I could add more security features on the doors. Of course, it's needed, Teyl. Ano naman ang k'wenta ng pagiging sundalo ko kung mismong asawa ko, hindi ko mabantayan at ma-proteksyunan, 'di ba?"

"Okay, you've got a point."

"Mag-out of town tayo para makapag-relax ka?"

"Pasok pa ba 'yon sa schedule mo?"

"May isang linggo akong bakasyon bago bumalik sa kampo, remember?"

She smiled at him. "Yeah..."

"It's set, then. Tatawag na ako sa kanila sa Davao para malinis nila ang rest house. Magbo-book na rin ako ng flight natin mamaya."

"Okay..."

"Ako na muna 'to ngayon, okay? Ako na ang bahala sa lahat. Magpahinga ka lang, okay?"

Tumango siya.

"Oo 'yan, ha? Mamaya kung anu-ano na naman ang inaasikaso mo."

"Hindi na nga po, husband..." natatawang sagot niya rito.

"Sabi mo 'yan, ha..."

"Opo..."

Iniabot ulit nito ang plato niya. "O siya, kumain ka na ulit."

"Thank you, Kley..."

"Nandito na ako ngayon. Ako na ang mag-aalaga sa 'yo. Mag-aasikaso. Hindi mo na kailangang gawin lahat ng ikaw lang."

"I know..."

"Kaya bawas-bawasan mo na ang pagiging independent mo. May asawa ka na. You have someone you can depend and rely on now."

"Yes, Father," sagot niya sa asawa't tumawa. "Pari ka na pala ngayon?"

"Handa akong magpaka-pari araw-araw para sa 'yo. Lalo pa kung hindi ka nakikinig sa 'kin dahil, Xirah Teyl Quesada, alam ko kung gaano katigas ang bungo mo bata palang tayo."

Hindi na niya napigilang tuluyang matawa dahil sa sinabi ng lalaki.

"Oo na po. And you're always the big brother who got my back kahit no'ng nasa malayo na ako."

"Pasaway ka kasi, eh."

"At ikaw na nga po ang role model ng lahat. Kaya bagay talaga sa 'yo ang maging sundalo dahil isa kang huwaran."

"Bola ba 'yan o insulto?"

Napabunghalit siya ng tawa. "Papuri po iyon, husband."

"Dati kukuya-kuya ka pa sa 'kin. Ngayon husband-husband na lang..."

"Bakit, sino ba ang nagyaya sa atin ng kasal?"

"Bakit, sino ba ang nang-akit sa 'tin para pakasalan?"

"Kung makaakit ka naman d'yan!"

"Just kidding..." anito't kinintalan siya ng halik sa labi. "Maybe I just stopped looking at you as a younger sister and started seeing you as a wife material."

Napaismid siya sa sinabi nito. "Then, why did it took you two failed marriages to finally see me?"

"Ano ka ba, you spent your growing years away from me. Sampong taon ang tanda ko sa 'yo, 'no. Alangang hintayin ko pa ang isang neneng tulad mo bago ako mag-asawa kung handa na akong magkapamilya no'n?"

"You should have..." ingos niya.

Tumawa ito. "I didn't even know I'll fall in love with you. Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan kaganda't sexy, kahit hanggang sa susunod na lifetime siguro hihintayin kita."

"Bolero..." aniya't pabirong tinampal ang pisngi nito.

"Oo nga."

"Tse!"

"Ayaw maniwala, ay..."

"Ewan ko sa 'yo..." aniya't natatawang ipinagpatuloy ang pagkain.

Yes, he's her childhood love. Something he has no idea about.

Kaya naman parang nasa cloud nine siya ngayong napangasawa na rin sa wakas ang lalaking dati pang palihim na minamahal.

"Kain ka pa," ani Klio at nilagyan pa siya ng pagkain.

Kahit noong hindi pa sila, alagang-alaga na talaga siya ng lalaki. Kaya ngayong mag-asawa na sila, mas makahulugan na iyon sa kanya.

"Damihan mo para mas matagal mawala ang gayuma," dagdag pa nito.

Natatawang hinampas niya sa braso ang asawa.

"Loko-loko ka talaga kahit kailan..."

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon