Chapter 10- Part 4

7 1 0
                                    

Kumuha ng gunting si Teyl at binuksan ang inabot na parcel ng delivery boy.

Nagpipinta siya sa gilid ng swimming pool kaya doon na niya iyon dinala.

Pagkatapos makuha ang mga laman ng kahon, nilagay niya ang maliliit na container ng acrylic paint sa attache case na pinaglalagyan niya ng mga gamit sa pagpipinta.

Gusto kasi niyang organisado sa iisang lugar ang mga gamit.

Babalikan na sana niya ang ginagawang painting nang mag-vibrate ang cellphone niya.

"Hello, love..." nakangiting bungad niya sa asawa at kumaway sa CCTV camera na nakatutok sa p'westo niya.

She knew his watching her at the moment.

"Hello, love. Kumusta ka r'yan?"

"I'm fine. I'm painting a new masterpiece. Buti nga dumating na 'yong mga in-order ko online, eh."

"Hapon na. Nag-meryenda ka na ba?"

"Uh-huh," sagot niya't inilagay sa speakerphone ang tawag. "I baked some chocolate chip cookies earlier." Binalikan niya ang canvas. "What do you want to eat for dinner, love? Ipagluluto kita."

"I won't make it to dinner, eh..."

"Ha? Why? Akala ko ba sabi mo maaga kang uuwi mamaya?"

"Kailangan kong makipag-meeting sa mga opisyal namin mamaya, eh. Then, I'll have a sudden dinner with the President."

"President? Sinong President?" tanong niyang nabitin pa sa ere ang hawak na paintbrush.

"Presidente ng bansa natin."

Nanlaki ang mata niya.

She hysterically waved at the camera. "Oh my God! For real?!" aniya kay Klio.

Natawa ito. "Yes, my dear wife, for real. At alam mo kung ano pa ang magkakatotoo?"

"Ano?!" sabik na tanong niya sa asawa.

"You coming with me to the dinner party," sagot nito.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napaawang din ang bibig niya sa narinig.

She just stared at the camera out of disbelief.

Totoo ba ang narinig niya sa asawa? Makakadaupang-palad niya mamaya ang Presidente ng Republika ng Pilipinas?!

"O, baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo," natatawang sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Oh my God!" bulalas niya't tumayo. "I have to go and get myself ready now, then," sabi niya sa asawa't nagsimula nang magligpit ng mga gamit.

"Will you be fine with yourself there, love? May meeting pa kasi ako, eh. After that, I'll fetch you so we can go to the venue together."

"Oo, oo, I'll be fine," aniya habang isinasara ang attache case.

Natawa si Klio sa kanya. "Easy ka lang d'yan. Mamaya sa sobrang pagkataranta mo, hindi ka na makapag-ayos nang mabuti."

Natigilan siya sa sinabi ng asawa. "Oo nga, 'no..." Humugot siya nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. "Thank you for reminding me, love..."

"No problem..." natatawang sagot nito. "I'll hang up now, then, so you'll have ample time to get ready."

"Okay, love. I love you so much!"

"I love you so much," sagot ni Klio. "See you later."

"See you," sagot niya't tinapos na ang tawag.

Then, she grabbed her things and run back inside the house.

Siguradong pinagtatawanan siya ng asawa habang pinapanood siya nito sa CCTV dahil sa reaksyon niya.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon