Naghanap na ng makakain si Teyl habang naghihintay sa kaibigan.
Alas tres pa ang usapan nila pero pumunta na siya sa Café Heliena alas dos y medya palang ng hapon.
Nang may mapili nang i-meryenda, tinawag na niya ang isa sa mga waiter at binigay ang order.
Binuksan niya ang bitbit na libro habang naghihintay.
Tutok na tutok siya sa binabasa nang may maupo sa likod niya.
"Libre mo ba 'to?"
Hindi na siya lumingon para malamang ang kaibigan iyon.
"Kapag sumobra ang bill mo ng five hundred, hindi."
"Buraot pa sa 'kin..." bulong ni Sell.
Itinakip niya ang hawak na libro sa bibig at marahang tumawa.
Baka isipin kasi ng ibang customer na nawawala na siya sa sarili dahil tumatawa siyang mag-isa.
"Order whatever you want, my dear," aniya sa kaibigan.
"My dear amputa..."
Hindi niya napigilang matawa na naman dahil sa kaibigan.
"Alam mo, gutom ka siguro kaya ka masungit," bulong niya.
"Masungit din ako kapag busog ako," ganting-bulong ng babae.
"Wow... umamin..."
"Shut up," anito't nagtawag na ng waiter. "How's your vacation?" tanong ng babae nang umalis na ang service crew.
"Masaya," sagot niya sa kaibigan habang pinananatili ang tingin sa hawak na libro. "We did a lot of things. Gusto mong k'wentuhan kita?"
"No, thanks. Puro kalandian niyong mag-asawa lang naman ang ikuk'wento mo sa 'kin."
"Oh, 'yon ba? We did it on a yacht," aniya't tinakpan ulit ng libro ang bibig saka tumawa.
"Tigilan mo nga ako," naiiritang sagot ng babae.
"I'm not doing anything," natatawang sagot niya sa kaibigan.
"Binubwesit mo na naman ako. Did you invite me here just so you could make fun of me?"
"Of course not, bff. Na-miss lang kita."
"Baka na-miss bwisetin."
"Konti," aniya't bumungisngis.
"Hay naku. Wala ka na bang ibang makwentuhan ng adventure niyong mag-asawa?"
"Wala, eh," biro niya.
"Then please just do shut up and do not drag me on your problem."
Tinakpan na niya ng kamay ang bibig dahil tawang-tawa na talaga siya sa kaibigan. Nakikini-kinita na niya ang gusot-gusot na namang mukha nito sa likuran niya.
"Ikaw naman, hindi mabiro. May ipapaabot lang ako kay Kuya kaya kita niyaya rito," natatawang sagot niya sa babae.
"Hay naku, 'ayan ka na naman."
"Well..."
"Stop it. Hindi na ako natutuwa."
"Well," ulit niya, "ako natutuwa, so, wala kang magagawa, kapatid."
Dinukot niya ang sobre sa loob ng bag at patagong iniabot sa babae gamit ang kanang kamay.
Iyon kasi ang kamay niyang malapit sa pader at mas tago sa ibang tao.
"Hay naku..." ani Sell at bumuntong-hininga.
Pagkatapos ay naiinis na hinablot nito ang sobreng iniaabot niya.
"Send Kuya my regards, okay?"
"Can you stop doing this? Huli na ito, okay?"
"Well, convince me," aniya't humigop na sa kapeng inilapag ng waiter. "Thank you," aniya sa lalaki.
"You're welcome po, Ma'am," anito't umalis na sa mesa niya.
"I really hate you..." ani Sell.
"I missed you, too," natatawang sagot niya sa kaibigan.
"Alam ba 'to ng asawa mo? Mamaya pati si Kuya mapahamak, ha?"
"Dear, akin naman 'yan, eh. I don't think Klio will mind if he happened to know something about it, by the way."
"Knowing your husband?"
"Well, he trusts me."
"Ayoko lang na madawit si Kuya sa kahit na ano, okay?"
"I know. That's why I'm being careful, bff."
Bumuntong-hininga ulit ang babae. "Ewan ko sa 'yong babae ka. Ang tigas ng ulo mo..."
She chuckled. "Alam mo, kumain ka na lang para hindi ka nag-aalala tungkol sa kung anu-ano. Gutom lang 'yan, friend," aniya matapos maihatid na rin sa babae ang pagkain nito.
"Sana nga dahil lang sa gutom ang lahat ng mga iniisip ko," sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...