TWELVE YEARS AGO: Cenfino Residence...
Von pushed the door to Ciolo’s room open. Nadatnan niya ang kaibigang nasa sala ng kuwarto, nakatalikod sa kanya’t nanonood ng tv.
Patay na ang ilaw sa loob ng silid at ang liwanag na lang mula sa telebisyon ang nagpapaliwanag doon.
Isinara niya ang pinto gamit ang paa’t naglakad palapit sa kaibigan bitbit ang tray na naglalaman ng isang bote ng wine at dalawang wine glass.
Nag-out-of-town si Klio at Teyl kaya sila lang ng kaibigan ang naiwan doon.
“Want to have a drink?” tanong niya kay Ciolo at inilapag ang tray sa center table.
Nilingon siya nito.
“I was about to call you.”
He laughed. "My instinct was right all along."
Nagsalin siya ng wine sa dalawang baso bago umupo sa tabi ng kaibigan.
They clunk glasses before taking a sip.
"Kumusta ang negosyo mo sa Brazil?" tanong ni Ciolo.
"Going well. Actually, may bago kaming ipapalabas na produkto, eh. I brought a sample for you."
"Okay, let me see it."
Magaling na negosyante ang kaibigan niya kaya alam niyang may magandang insight siyang makukuha rito.
Afterall, Ciolo developed his chain of resorts all by himself.
Tumayo siya. "I'll get it in my room," aniya't naglakad papunta sa pinto.
He walked out of the door and onto his own room at the end of the hallway.
Pagkapasok niya sa silid, kinuha niya agad ang bag na kinalalagyan ng lubid.
He closed it and left it on the bedside table and went back to his best friend.
Inabot niya ang dulo ng lubid kay Ciolo. "What do you think?" tanong niya sa kaibigan.
He examined the rope. "Looks good. Mukhang matibay. Maganda ang material. Ito ba ang bago mong venture?"
Tumango siya't hinila ang lubid mula sa kamay ng kaibigan.
"Ang layo naman yata sa mga negosyo mong restaurant?"
Nagkibit-balikat siya. "Just testing new waters." He made a bowline. "Kaya na kaya nito ang tao?"
"What?" ani Ciolo na napatigil sa tangkang pagsimsim sa baso.
He laughed but didn't answer.
Ibinaba ng kaibigan ang hawak na baso sa center table.
"Ano ba'ng gagawin mo r'yan?"
"Ite-testing sa 'yo," sagot niya't tumawa.
"Baliw..." anitong dumukwang at kinuha ulit ang wine glass. Inisang lagok nito ang wine na natitira sa baso.
When Ciolo put his empty glass down, he lifted his and drunk his wine.
Inilapag niya ang wala na ring lamang wine glass sa tabi ng baso ng kaibigan.
"There is something I've been wanting to tell you. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo," aniya't t-in-esting sa kamay ang ginawang bowline.
"What is it?" tanong ng lalaki't sumandal sa upuan.
"Na-solve na ang kaso ng pagpatay sa kapatid ko."
Napalingon sa kanya si Ciolo. "Nakilala na ang pumatay kay Deiv at Ameli?"

BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...