Twenty-six years ago: Quesada Residence...
Tumayo siya para patahanin ang bagong silang na sanggol.
Kanina pa ito iyak nang iyak.
Pinadede na niya ang anak kaya alam niyang hindi iyon umiiyak dahil sa gutom.
"May masakit ba sa 'yo, ha..." pagkausap niya sa paslit. "Ano'ng gusto ng baby ko?"
Lumapit siya sa bintana at binuksan ang blinds. Itinulak niya rin ang sliding window para pumasok ang malamig na hangin sa nursery.
It's raining hard outside.
Unti-unting tumigil ang pag-iyak ng sanggol nang marinig ang tunog ng ulan.
Wari bang nahihiwagaan ito sa bagong tuklas na tunog.
Bumukas ang pinto ng nursery at pumasok ang asawa.
"Alas tres na, Hon. Let me have her. Matulog ka na muna ulit," anito't nagtangkang kunin sa kanya ang anak nila.
"No, I'm fine, Hon. Ikaw ang matulog na ulit. May trabaho ka pa bukas," sagot niya.
"Ilang oras na rin naman akong tulog. Let's take turns. Ikaw naman muna."
Hinaplos niya sa braso ang lalaki. "Okay lang ako, Hon, really." She looked at their daughter. "I love looking at her while she sleeps, anyway."
"Kailangan mo pa ring magpahinga muna dahil bukas, magbabantay ka pa ulit sa kanya buong araw. You can't be up twenty-four seven."
"I don't know... Natatanggal kasi ang pagod ko kapag pinagmamasdan ko ang anak natin, eh..." aniya't ngumiti sa asawa.
Dumukwang ito at hinalikan siya sa noo. "Kumuha na kasi tayo ng Yaya at katulong para may katuwang ka rito sa bahay at sa pag-aalaga kay baby."
"Okay lang... I want to take care of you two, myself."
Inilipat ng asawa ang mga kamay sa baywang niya. Pagkatapos ay sumabay ito sa paghehele niya sa bata.
"What are you doing?" natatawang bulong niya sa lalaki para hindi magising ang anak na nakatulog na sa pagitan nila.
"Dancing with you two. Dancing with the women in my life."
She chuckled. "Wala naman tayong music."
"Well, our daughter seemed to enjoy the sound of the rain. I guess, that will do for now for our first family dance."
Nakangiting ginawaran niya ng halik sa mga labi ang asawa. "I love you..."
"I love you, too. I love you two..." anito't niyuko ang anak nila at marahang hinalikan sa noo.
Their daughter made a soft sound like she understands what her father said.
Napangiti tuloy silang mag-asawa.
"She looks like you," anang lalaki.
"Well, what can I say? Beauty runs in my blood..." biro niya sa asawa.
"Only when she's asleep, though," ganting-biro ng lalaki. "Ako pa rin ako kamukha niya lalo na 'pag nakangiti."
She let out a soft laugh. "Ayaw magpatalo, ha..."
Tumawa ito at dumiretso ng tayo.
She can clearly see how much he needs rest. Nanlalalim pa rin kasi ang mga mata ito at mukha pang inaantok.
Pero alam niyang hindi na siya iiwang mag-isa roon ng asawa. Kilala niya ito. For the past few nights since their daughter was born, he never leave her side when he happened to be awakened in the middle of his sleep.
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystère / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...