Dumilat si Teyl nang itapon ni Klio sa kama ang mga gamit para sa paggamot ng mga sugat nito.
He would've let her bleed to death. Pero hindi pa niya nakukuha ang kailangan sa babae kaya hahayaan muna niya itong mabuhay sa ngayon.
Lumapit siya sa kama't tinanggal mula sa pagkakagapos sa magkabilaang bahagi ng higaan ang mga kamay ng asawa.
"I assume you know how to treat yourself," aniya sa babae. "Knowing your experiences with the Union."
Naglakad siya papunta sa silya't umupo.
Itinukod niya ang mga siko sa tuhod at naghintay sa gagawin ng babae para panoorin ito.
Pero ilang sandali na ang lumipas, hindi pa rin ito kumikibo.
Nanatili lang na nakasandal sa headboard si Teyl at nakatutok ang mga mata sa pader sa harapan nito.
"Are you seriously just gonna let yourself bleed to death?" aniya sa asawa. "Kung gano'n lang din pala, tutuluyan na kita."
She shrugged her shoulders without looking at him.
Ibinaba niya ang tingin sa bedsheet.
Malapad na ang mantsa ng dugo ng babae roon.
He left her alone for several moments inside the secret room so it's not surprising.
Gusto lang niyang iparating sa asawang seryoso siya sa banta niya rito.
Because he is.
Tumayo siya't naglakad papunta sa kama. He picked the syringe up. Nilagyan niya iyon ng anaesthesia at itinurok sa hita ng babae malapit sa bahaging binaril niya.
She moaned as she closed her eyes and pushed herself onto the headrest.
Umupo siya't naghintay ng ilang sandali bago kinuha ang forcep.
Hindi ganoon kalalim ang pagkakabaon ng bala sa hita ng babae kaya kaya niya iyong bunutin nang forcep lang ang gamit.
Nang alam niyang umeepekto na ang anaesthesia, hinawakan niya ang hita ni Teyl at mabilis na binunot ang bala.
He looked at her after taking the bullet out.
Their eyes met.
Pero agad ding nag-iwas ng tingin ang asawa.
Probably to prevent him from seeing the pain in her eyes.
Kung dahil sa sugat nito o nangyayari sa kanila, hindi niya alam.
He put a gauge pad on her thigh to stop the bleeding.
Pagkatapos ay tumayo siya't lumipat sa kabilang bahagi ng kama.
Balikat naman ng babae ang ginamot niya.
Naglilinis siya ng sugat nito nang bigla itong magsalita.
"Gusto mong malaman kung pa'no ako nakapasok sa Union?"
Hindi siya tumango o umiling.
Nagpatuloy lang siya sa paggamot sa sugat nito.
"I joined voluntarily."
Natigil siya sa tangkang pagtatakip sa sugat ng asawa.
"I was six years old when I overheard Tito Von talk about the Chronos Union. Dalawang taon din ang lumipas bago niya ako pinayagang sumanib kasi alam niyang hindi ako basta-bastang makakakalas sa samahan. Either I have someone took my place or they will take my life."
Pinagmasdan niya ang babae.
Nakatitig pa rin ito sa kawalan.
He put the gauge pad on her wound.
"Hindi totoong nasa Brazil ako. Nandito lang ako sa Pilipinas at nag-eensayo sa Ariara Island. I dedicated my life to it because I wanted to be good at sniping."
"So, you're just lying about your studies all those times," aniya't isinunod ang tainga ng asawa.
"Hindi," sagot nito. "I just left the details about my shooting lessons out. Nag-aaral ako sa Union. That's where I developed my talent for painting..."
Pumikit ang babae.
Tumayo naman siya nang matapos na sa paggamot sa tainga nito.
"I just wanted to get who killed my parents..." narinig niyang bulong ni Teyl habang naglalakad siya pabalik sa upuan.
Napatigil siya sa paanan ng kama.
Nilingon niya ang asawa. Iisipin sana niyang nakatulog na ito nang magsalita ulit ang babae.
"You can't keep me here for long. Kung hindi mo lang din ako papatayin, hindi mo ako p'wedeng ikulong dito," anitong dumilat at sinalubong ang mga mata niya.
He smirked and walked towards the other side of the bed to remove the tray of food off it. "And why is that?"
"Hahanapin ako ni Detective Lauder."
"So?"
"Ikaw ang paghihinalaan niyang may gawa kung bakit ako nawawala. He's smart. He could find me right away."
Dinampot niya ang tray ng pagkain. "Do you wanna find out who's smarter among us?"
"If you want to outsmart him, play dumb."
He laughed. "And why would I listen to you? Pagkatapos ng lahat ng kasinungalingan mo sa 'kin?"
"Kalayaan ko ang kapalit ng pagtulong ko sa kanyang matuklasan ang totoong nangyari sa mga asawa mo. Ipapawalang-sala niya ako sa lahat ng mga napatay kong Psychopath, tutulungan akong mahanap ang mga pumatay sa mga magulang ko, at hahanapin niya si Tito Von kapag nakahanap ako ng mga ebidensyang magdidiin sa 'yo sa kaso nila."
"And why are you telling me all of that?"
"So you could get away from him. Play dumb," sabi pa nito. "Pretend you know nothing about things and my secret life. Let me out and let me move around. That way, hindi ka niya pagsususpetsahan."
"Ipagpapalit mo ang kalayaang makukuha mo sa kanya sa kalayaang ibibigay ko sa 'yo?"
Dahan-dahang tumango ang babae.
A smile slowly curved on his lips.
"Nice try, Teyl," natatawang sabi niya sa asawa't pumihit na para lumabas ng pinto. "Mabibilog mo ang ulo ko pero isang beses lang." He scanned his fingerprint. "You'll stay here until I get what I need from you. Hindi ikaw ang magdedesisyon kung kailan at bakit ka lalabas."
He walked out the door without looking back at her.
Hindi siya papayag sa gusto ng babae.
Afterall, hindi niya alam kung nagsasabi iyon ng totoo.
She fooled him once.
He won't let it happen again.
At alam niyang may agenda ang asawa kung bakit nagsasalita na iyon ngayon. Bagay na ayaw niyong gawin kanina.
It's not a battle of who's smarter between him and Lauder.
Alam niyang laro iyon ng kung sino ang mas tuso sa kanila ni Teyl.

BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...