Chapter 2- Part 4

33 2 0
                                    

"Do you want me to open the gate, Kley?" presenta niya sa asawa nang makarating sila sa harap ng bahay nito.

"No, ako na," anito't bumaba na ng sasakyan at dinukot ang susi sa bulsa.

She watched as he opened the gate and returned to the car.

Pagkatapos ay minaneho na nito ang sasakyan papasok sa garahe.

"Ako na ang magsasara," aniya't bababa na sana ng sasakyan nang pigilan siya ng asawa.

"Ako na... And wait for me. I'll open the door for you."

"Okay..." she said and smiled at him.

He smiled back a little and disembarked.

Hindi pa rin nagbabago ang mood ng asawa magmula nang umalis sila sa grocery store.

"Thank you, love..." aniya rito't hinaplos ito sa braso nang makababa siya ng sasakyan.

"You're welcome," sagot nito't hinalikan siya sa labi. "Pumasok ka na. Ako na ang bahala rito. Ako na lang din ang magpapasok ng mga pinamili natin," anang asawa't iniabot na ang susi ng bahay sa kanya.

"Okay..." she said and caressed his arm one last time before walking towards the front door.

Tinanggal niya ang lock ng pinto at iniwan iyong bukas para sa asawa.

She opened the lights when she got inside the house.

Then, she sat on the couch and waited for her husband. Ilang sandali lang at pumasok na rin ito sa loob ng bahay.

"Kley?" aniya habang nakasunod dito papunta sa kusina.

"Yes?"

"I just had an idea."

"What is it?" anito't huminto sa paglalakad. Pagkatapos ay pumihit ito paharap sa kanya at hinintay siyang makalapit dito.

Inakbayan siya ng asawa bago ito magpatuloy sa paglalakad papunta sa kusina.

"Naisip ko lang na para hindi ka na magambala ng mga kapitbahay mo, ba't 'di na lang tayo lumipat ng bahay? Somewhere far. Anywhere. Basta malayo rito. Malayo sa kanila. For your peace of mind..."

Inilapag ng lalaki ang bitbit na kahon sa counter. "Hindi tayo lilipat. Hindi tayo aalis dito," mariing sagot nito't inalis ang brasong nakaakbay sa kanya.

"But, Kley---."

"I said, no!" anito't galit na ipinatong ang mga bote ng fresh milk sa counter.

Buti na lang at plastic iyon kaya hindi nabasag.

"S-sorry... I was just thinking about you..."

"Kapag umalis ako rito, iisipin nilang apektado ako sa mga sinasabi nila. Na totoo nga ang mga ibinibintang nila sa 'kin!"

"But what about me?" malungkot na tanong niya sa asawa.

"Anong what about you?" tanong ng lalaki't nilingon siya.

"I'm uncomfortable here..."

"Why? Are you starting to believe Auntie Francia?"

"N-no, not that. It's not about that..."

"Then, what?" galit na tanong nito sa kanya.

She held onto his arm. "Alam mo namang hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nilang ikaw ang pumatay sa mga asawa mo dati pa, 'di ba?"

He didn't answer. Nanatili lang nakakunot ang noo nito.

Nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita. "I just don't want to be in the same place as your ex-wives did. Gusto kong tumira sa bagong lugar kasama ka. 'Yong hindi naman dito. 'Yong malayo rito. Pabor din naman 'yon sa 'yo kasi makakalayo ka na sa mga naninira sa 'yo..."

"This is my house. Not my ex-wives'."

"I know... But don't you want to live in a new house with me? 'Yong mga alaala lang natin ang magiging laman no'n at wala nang magiging anino ng mga nakaraan mo?"

"Teyl."

Nag-iwas siya ng tingin sa asawa at bumuntong-hininga. "Nagseselos lang ako. Every corner of this house has your ex-wives' memories. And it makes me uncomfortable knowing that you're still living with the silhouettes of them here."

Itinaas nito ang baba niya. He has a more pleasant demeanor now.

Lumipas na yata ang galit nito dahil sa mga narinig sa kanya.

"Asawa rin kita kaya ititira kita rito sa bahay ko. My ex-wives, they're a part of my past. And anywhere I look inside this house, I do not think of them. I do not even imagine them, nor, try to remember a sight of them or anything we used to do in here. Kapag nandito ako sa loob ng bahay, ikaw lang ang naiisip ko. Ikaw lang ang nakikita ko. Wala nang ibang babae. So, we don't have to live in a new house, okay?"

She looked at him without saying a word for a while.

Naniniwala siya rito. Naniniwala siya sa mga sinabi ng asawa.

It's just that she cannot help but feel jealous sometimes.

Hinapit nito ang baywang niya. "You do not believe me?"

"I-I do."

"Totoo?" he said and gently pushed her to lean on the counter.

"Uh-uhm," aniya't tumango.

He pressed his body against hers. "And why are you getting jealous? Hindi pa kita nakitang nagseselos kahit kailan," he said and gave her flirty kisses on the lips.

She pouted. "May karapatan ba naman akong magselos sa mga asawa mo noon?"

He laughed. "Why didn't you tell me?"

"Ano ka ba. Ba't ko naman sasabihin sa 'yo? I was just a friend, then."

"S'yempre kasi malakas ka sa 'kin."

"You would still prioritize your wife over me..."

Siniil siya nito ng halik bago sumagot. "I cannot imagine my 'friend' Teyl getting jealous," panunukso nito sa kanya.

"H'wag mo nang i-imagine. Tatawanan mo lang ako."

He laughed. "Ang cute mo siguro no'n."

"Heh!"

Tumawa lang ulit ito at binuhat siya para iupo sa counter.

She don't know what happened but he seemed to set aside his anger about what happened earlier at the store for her sake.

At natutuwa siyang bumuti na ang mood nito.

She wrapped her arms around her nape. Ipinulupot naman nito ang mga braso sa baywang niya.

She kissed him on the lips. "Sige payag na ako..."

"Na?"

"Na dito na lang tayo tumira."

"Good," he said and gave her a sweet smile.

She can feel her heart beat faster at that sight of him.

Kahit asawa na niya ang lalaki, hindi pa rin pala nawawala ang ganoong epekto nito sa kanya: na parang ito pa rin ang lalaking palihim niyang pinapangarap sa malayo dati.

He slowly brought his face closer to hers. "Thank you for doing what I want..." bulong nito bago sakupin ang mga labi niya.

Nagpatianod siya.

What can she do other than pleasing him? Kung saan ito sasaya, doon siya.

Kung ano ang maging desisyon nito sa mga bagay-bagay, susundin niya.

Alam naman niyang hindi rin isasantabi ng asawa ang sarili niyang kapakanan.

Afterall, he's been looking after her since she was just a child.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon