Chapter 10- Part 2

8 1 0
                                    

Twenty years ago: Cenfino Residence...

Yakap-yakap ni Teyl ang stuffed toy na maliit na panda habang nakaupo sa hagdan sa porch ng mga Cenfino.

Nakasimangot siya habang pinapanood si Klio na nakikipaglaro sa batang babaeng kapitbahay ng mga ito.

"Teyl, come!" tawag nito sa kanya.

She rolled her eyes and looked away from him. Inilipat niya ang tingin sa mga paa.

"What's wrong? Let's play with Jeya," anito't hinawakan siya sa braso para sana hilahin patayo pero binawi niya ang braso.

Hindi niya sinagot ang batang lalaki. Nanahimik lang siya't hindi ito pinansin.

"Klio, come on!" tawag dito ni Jeya.

"Come," yaya ulit sa kanya ni Klio na inilahad pa ang palad sa harap niya.

She slapped it away. "Ayoko!" sigaw niya.

"What's your problem?" anitong nainis na rin dahil nasaktan sa ginawa niya.

"Huwag na natin siyang isali. She can't run fast even," ani Jeya.

She cried when she heard what she said. Nagdadabog at umiiyak na tumayo siya sa hagdan at pumasok sa loob ng bahay.

Her footsteps were heavy as she came stomping on the floor while walking.

She's mad and sad at the same time. Gusto niyang makipaglaro kay Klio nang mag-isa pero gusto nitong kasama palagi ang batang babaeng 'yon.

"Halika na kasi. Ikaw naman kasi, eh. Niyayaya ka na nga, ayaw mo pa," ani Klio at sumunod sa kanya sa kusina.

She angrily threw her panda on the floor.

Agad naman iyong dinampot ng batang lalaki at pinagpagan.

"Bakit mo tinatapon si Phany?" anito sa kanya. "'Pag ito nasira..."

"I don't want that anymore!" sigaw niya patungkol sa stuffed toy na binigay ng bata sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"You're mean!"

Lalong lumakas ang iyak niya nang sigawan nito.

"Klio, why are you shouting at Teyl?" ani Ciolo na nilingon sila pagkatapos ilabas mula sa oven ang baking sheet na may lamang chocolate chip cookies.

"Papa, siya po ang nauna..."

"Still, you shouldn't shout at her," anito sa anak. "Why are you crying, Teyl? Are you hungry?"

She shook her head and walked towards the man. "He doesn't want to play with me, Tito!" sumbong niya.

Tumakbo si Klio papunta sa Papa nito at humawak sa kamay nitong may mitten. "That's not true, Papa. She's the one who doesn't want to play with us."

"You don't want to play with me!"

"I do!"

"I want to play with you alone! Pero gusto mo palagi kasama 'yong bad girl!"

"She's not a bad girl. You're the bad girl!" ani Klio sa kanya.

Naglupasay siya sa sahig dahil sa sinabi nito.

"Klio, enough. Dapat kay Teyl ka muna makipag-play kasi palagi naman kayong nagpe-play ni Jeya, eh," ani Ciolo at hinubad ang mga suot na mitten at naglakad palapit sa kanya.

He lifted her off the floor and sat her on the stool in front of the counter.

Umakyat na rin si Klio sa katabi niyang stool.

Kumuha si Ciolo ng dalawang platito at nilagyan iyon ng mga cookie. She wiped her tears as she watched him pour them a glass of mango juice.

"Magbati na kayo. Hindi magandang palagi kayong nag-aaway... Klio?" anang lalaki sa anak.

"Sorry..." anang batang lalaki't dumampot ng isang piraso ng chocolate chip sa sariling platito at dinagdag sa kanya.

She lifted her glass and tried her best to pour some of her mango juice on his with minimal spill. "Sorry..." she answered and sniffed.

He smiled at her, his two front teeth missing.

Nginitian na rin niya ang batang lalaki kahit hindi pa maayos ang hitsura niya.

Bumaba si Klio at inayos ang pagkakatali ng mahaba niyang buhok.

"You're ugly when you cry," bulong nito sa kanya.

Her cry immediately filled the air again.

"Klio!" saway dito ng amang narinig pala ang sinabi sa kanya.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon