Kinuha muna ni Klio ang bulaklak sa likod ng sasakyan bago pinagbuksan ng pinto ang asawa.
"Thank you..." ani Teyl at hinaplos siya sa braso.
"Tara na? Para makabalik tayo agad," aniya sa asawa at iginiya na ito papunta sa puntod ng Papa niya.
Naisip kasi niyang bumisita muna sa ama at dalhin doon ang asawa bago sila umalis papuntang Davao mamayang alas onse.
Hindi na sila nagdala ng payong at hindi pa naman gaano ang katirikan ng araw.
He hold his wife's hand while they're finding their way to his father's grave.
"Love?"
"Yes?" sagot niya sa asawa.
"Can we visit my parents grave, too, when we get back from Davao?"
"Of course," aniya't hinalikan ito sa ulo.
"Thanks..." anang babae't hinaplos siya ulit sa braso.
She's affectionate towards him and that's what he loves the most about Teyl.
"Dito," hila niya sa asawa nang matanaw na ang puntod ng ama.
Naglakad pa sila ng kaunti bago tuluyang makarating doon.
"Hi, 'Pa," aniya sa ama at inilapag ang bulaklak sa harap ng lapida nito. "Meet my wife, Mrs. Klio Garent Cenfino."
Hinampas siya ni Teyl sa braso. "Parang hindi naman ako kilala ni Tito. Hi, 'Pa..."
"Kilala ka niya. But not as my wife."
"Sabagay..."
Hinila niya ang asawa paupo sa tapat ng lapida.
"Punta lang po kami ng Davao, 'Pa. Babalik din po kami after a few days."
He removed some dried leaves that have fallen to his father's gravestone.
Regular naman niya iyong naipapalinis kaya maliban sa mga tuyong dahon na nadadala roon ng hangin, maayos naman ang lagay ng puntod ng ama niya.
Labintatlong taong gulang siya nang mamatay ang Papa Ciolo niya.
His father suffered from depression when his mother left him for another man when he was just two years old.
Pagkalipas ng labing-isang taon, tinapos na rin ng ama ang sarili nitong buhay at naiwan siyang lubos nang ulila.
It was the reason why he took care of Teyl when she was orphaned, as well; he knew what it felt like to be left by both parents.
Iyon nga lang, pinatay ang mga magulang ng asawa, hindi tulad ng kanyang nang-iwan at nagpakamatay.
Ang pagkakapareho lang nila ni Teyl, pareho silang lumaki sa mga tiyuhin.
"Kley?"
"Ha?"
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman. Bakit?"
"Natahimik ka kasi, eh."
"I'm just thinking about some things."
"Like?"
Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ng asawa.
"Like what happened to our families."
Idinantay ng babae ang kamay sa hita niya.
"What about our families?"
Inakbayan niya ang asawa at inilapit sa kanya. "Kung ga'no kahirap para sa 'tin ang lumaking walang mga magulang."
"But we grew up well."
"I know..." He kissed her temple. "Kaya 'pag nagkaanak tayo, I won't let them experience what we did. I won't leave them just like what my mother did."
"I know you won't... I know you'll be a good father, Kley," nakangiting sagot ng asawa. "But if you won't mind me asking, hindi ka ba nacu-curious kung nasaan na ang Mama mo ngayon?"
He sighed. "Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap, Teyl. Didn't Papa hired private investigators to find where she was? 'Di ba ilang taon din siyang ipinahanap ni Papa pero hindi siya nakita?"
"Why don't we try again now?"
Tinitigan niya ang asawa. She's never met his mother. At alam niyang wala naman itong ibang intensyon kundi ang makita lang niya ang ina.
"I'll see what I can do. Pero hindi ko alam kung nasaan na siya kaya hindi ko rin alam kung saan magsisimulang maghanap. And she didn't even bother to come back for me all these years."
Hinaplos ng asawa ang pisngi niya. "We might be able to find her now," she said, hopefully.
"And I don't know how to face her if we did."
"Face her like a man who grew up well even with her absence. Who grew up to be a fine man of principle and discipline that you are. I believe she'll be happy to see what you have become, a very brave and patriotic soldier."
Hinalikan niya ang asawa dahil sa mga narinig dito. "I love you..."
"I love you, too..."
"Ikaw?"
"Ha? What about me?"
"Ayaw mo bang ipahanap ulit ang pumatay sa mga magulang mo?"
Ngumiti lang ang babae. "I have long forgiven him, Kley... Hindi ko man siya nakilala pero pinatawad ko na siya. Mabigat dalhin ang galit nang ilang taon."
She's better than him, he realized. She's more capable of forgiving than himself.
Kahit na mas mabigat ang pinagdaanan ng asawa.
"Matigas ang ulo mo pero hindi matigas ang puso mo, I see..."
"That's why if you could forgive your mother, forgive, Kley..." anito't hinaplos ang braso niya. "Sa tingin ko naman, you're old enough to see through things and understand that sometimes, some things don't work out the way we wanted them to be."
For years, he watered the hatred he felt towards his mother. Ilang taon din niyang inalagaan ang galit sa ina dahil sa pag-iwan sa kanya't sa papa niya.
Now, a grown-up man, can he really forgive the woman he hated for such a very long time?
"I cannot promise you anything," sagot niya sa asawa.
"Hindi mo naman kailangang mangako, eh... You just have to take slow and little steps until you can finally forgive," sagot ng babae't nginitian siya ulit.
There is something in her smile that made him take her words into consideration.
"I'll see."
Hinaplos nito ulit ang braso niya. "No need to rush, husband."He nodded in agreement.
Then, she looked at her watch and smile. "Shall we go now? Baka ma-late tayo sa flight natin, eh."
"Okay," aniya't kinintalan ng halik sa labi ang asawa pagkatapos ay bumaling sa puntod ng ama. "We'll go now, Papa. See you when I came back."
Tumayo siya't inalalayan na ring tumayo si Teyl.
"'Bye, 'Pa..." paalam din ng babae sa ama niya.
They turned around and walked back to his car holding hands.
He felt very glad Teyl is the woman he's with now.
Marunong kasi itong mag-handle sa kanya.
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...