Chapter 14- Part 4

26 1 0
                                        

TWELVE YEARS AGO: Cenfino Residence, the next morning...

NAGISING SI KLIO nang makaramdam ng pag-alog sa balikat.

"We're home," ani Teyl sa kanya.

Nag-inat siya't dinukot ang susi ng gate sa backpack niya.

"Ako na po ang magbubukas ng gate," aniya kay Tito Von para hindi na ito bumusina't lumabas ang Daddy Ciolo niya para pagbuksan sila.

"Okay," sagot ng lalaki.

"Dito ka na lang," aniya kay Teyl nang akmang susunod sa kanya ang dalagita.

Sumimangot ito't bumalik sa pagkakasandal sa upuan.

He pushed his side of the door open and get off the vehicle.

Pagkatapos ay isinara na niya ang pinto't naglakad papunta sa gate ng bahay nila bitbit ang susi't bag niya.

He unlocked the side door of the gate and pushed it open.

Maglalakad na sana siya papasok para tanggalin ang lock ng gate ng garahe para maipasok na ni Tito Von ang sasakyan nang matigilan siya sa nakita.

Someone is hanging in a room at the second floor of their house.

Kitang-kita iyon sa nakabukas na pinto papunta sa terasa.

Inaninag niya kung sino iyon. Natigilan siya ng makilala ang nakalambitin.

Ang Daddy niya!

"Dad!" sigaw niyang patapong binitawan ang bag at mabilis na tumakbo papunta sa front door ng bahay nila.

Panic and fear succumbed his chest.

Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa takot sa maaaring kahinatnan ng ama.

He struggled to insert the key on the keyhole with his blurry eyes and shaking hands.

Naiinis na pinunasan niya ng likod ng palad ang mga mata para makita niya ang susian.

Hindi na siya nag-abalang lumingon para tingnan kung sumunod ang mag-Tito sa kanya.

He immediately run inside their house the moment the lock of the front door clicked open.

"Daddy!" he shouted at the top of his lungs while running towards the stairs, as if begging his father to bring himself down onto the floor.

With hurried but careful stride, he hastily climbed up the stairs and run towards his father's room.

Agad niyang pinihit ang seradura pagkarating niya sa tapat ng k'warto ng ama.

But it's locked.

"Daddy!" sigaw niya ulit sa ama't mabilis na tumakbo papunta sa mesa sa dulo ng hallway.

He rummaged in the drawers, looking for the room's spare key.

Nakita niya iyon sa pinakaibabang drawer.

He immediately picked it up and ran back to his father's room's door without closing the drawer.

Sakto namang nakarating na sa tuktok ng hagdanan si Teyl at Tito Von.

Sinalubong siya ng huli't kinuha ang susi sa kanya. Pagkatapos ay patakbo ring lumapit si Tito Von sa pinto't dali-daling binuksan iyon.

The moment the door flew open, he immediately went inside and ran towards his father.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at dali-daling hinila ang single-sitter sofa papunta sa kinaroroonan ng ama.

Binuhat niya ang nakabitin nitong katawan at ipinatong sa upuan para matanggal ang pressure ng lubid sa leeg nito.

"Tito!" he shouted to Von, a cry of plea and helplessness as he climbed behind his father and tried to remove the rope around his father's neck.

Nakatali iyon sa malaking kahoy na parte ng disenyo ng kisame.

Inalalayan ni Tito Von ang katawan ng daddy niya para hindi ito matumba kapag nakalas na niya ang tali.

Nang matanggal na ang lubid, pinagtulungan nilang ibaba ang daddy niya.

He performed CPR the moment they laid his body on the floor.

"I-I'll call an ambulance!" ani Teyl sa tabi niya na parang ngayon lang nahimasmasan.

Despite his body trembling with worry and fear, he did all he could to revive his father.

Hindi niya alam kung ga'no katagal nang nakalambitin ang ama.

Regardless, he wanted to try bringing him back to life.

Hindi niya alam kung ga'no katagal na siyang nagche-chest compress sa ama nang maramdaman niyang may humawak sa balikat niya.

"Tama na, Kley..." ani Tito Von sa kanya.

"No, Tito," sagot niya't mabilis na pinunasan ang mga luha sa mata gamit ang balikat ng damit.

Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

"Give way to them," anang lalaki't hinila na siya palayo sa ama.

The EMT's immediately took over.

Hindi na niya nakita kung ano ang ginawa ng tatlong lalaki dahil hinila na siya ni Tito Von palabas sa silid ng ama.

"Go to your room. Teyl, stay with your Kuya Klio. I'll call the police," utos nito sa kanila.

"Tara..." pabulong na yaya sa kanya ng dalagita't hinawakan siya sa kamay.

She's close to tears, too, but stopped herself from crying at the sight of him.

Hinila siya ni Teyl papunta sa k'warto niya.

Maglalakad na sana sila nang biglang lumabas ang mga EMT sa k'warto buhat-buhat sa stretcher ang katawan ng daddy niya.

Lalo siyang napaiyak dahil sa pag-aalala rito.

He's been pale. Looks lifeless even.

But he doesn't want to entertain the ugly thought entering his mind.

"Tara na..." ani Teyl sa kanya't hinila siya ulit papunta sa k'warto niya.

He wanted to follow his father but he doesn't want to get in the medic's way.

Sinenyasan na rin siya ni Tito Von na ito na ang bahala kaya sumama na rin siya sa dalagita.

Nang makarating sila sa loob ng k'warto niya, naglakad siya papunta sa kama't padapang humiga.

He cried on his pillow, silently praying his father would turn out fine.

Naramdaman niya nang sumampa rin si Teyl sa kama't humiga sa kanang balikat niya.

Niyakap siya nito't tinapik-tapik sa likod.

"Tito will be alright..." anang dalagita sa kanya.

He hope so, too, because he's been shaken so much by what happened.

His father never show any sign of depression so it's a surprise to him that he attempted to take his own life.

At the back of his mind and deep down inside him, he blames himself.

Kung hindi sana siya umalis para ipasyal si Teyl sa bagong bukas nilang resort sa Zambales, hindi siguro magagawa iyon ng daddy niya sa sarili nito...

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon