Chapter 12- Part 2

10 1 0
                                    

Pinasadahan ni Phinex ng fingerprint scanner detector ang buong pader ng k'warto.

Good thing it was included in the kit Detective Lauder has sent her. Mayro'n din iyong kasamang fingerprint copier.

Pamilyar siya sa device dahil may ganoon silang gamit sa Union at tanging makakapangyarihang tao lang ang may kakayahang makahanap ng mapagkukunan niyon.

Nasa pader sa gilid ng closet na siya nang bigla iyong umilaw.

There's five steel button in there. Umilaw iyon sa ikatlo, ang pinakagitna.

Kinuha niya ang cellphone at inilawan iyon.

The buttons look so ordinary and identical. Mukha lang iyong mga dekorasyon para magdagdag ng accent sa bahaging iyon ng silid.

Hinaplos niya ang ikatlong button. Pagkatapos ay ang nasa taas niyon.

Parehong-pareho rin kahit ang tekstura.

Binalikan niya ang kit sa pinagtaguan at kinuha ang fingerprint copier.

Nang makabalik sa pader, idinikit niya ang copier sa button.

Magpapadala agad iyon ng signal sa detective para mabasa ang huling fingerprint na ini-scan doon.

Pagkatapos ay kokopyahin iyon at ipapasa sa ejector sa kabilang bahagi ng device. Iyon ang gagamitin niya bilang daliri.

She waited for several moments before she saw the blue light flashed on the device.

Nang masigurong nandoon na nga ang kopya ng fingerprint, idinikit na niya ang ejector at naghintay na may mangyari.

Kung aling bahagi ng silid ang magbubukas, hindi niya alam.

Then, the wall in front of her slid open towards the back of the closet.

Tumambad sa kanya ang isang madilim na silid.

"So, I was right all along... There's really something in this part of the house..." bulong niya sa sarili.

She stepped inside, a little curious about what she'll find out.

Kinapa niya ang gilid ng pinto para hanapin ang switch ng ilaw kung meron man.

She heard the door closed behind her. She's not worried, though. Dala naman niya ang fingerprint copier.

She continued searching for the switches.

Ilang sandali pa siyang naghanap bago may makapa.

She flipped it on.

Light flooded inside the room.

Nakuha agad ng malaking kama sa gitna ng silid ang atensyon niya.

May bedside table iyon sa kanang bahaging may katabing pinto.

Maliban sa kama't bedside table wala na siyang nakikitang ibang gamit pa roon.

Kahit mukhang hindi naman iyon nagagamit, malinis ang silid. Puti ang pintura ng pader niyon pati na rin ang tiles.

Puti rin ang mga punda ng unan, bedsheet, at kumot na nasa higaan.

Walang bintana sa silid.

At ang pintong malapit sa kama, marahil ay banyo iyon.

"Teyl..."

Natigil ang tangka niyang paghakbang papunta roon nang marinig ang pangalan.

She's about to turn around to look at who's behind her when someone snapped her neck.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon