Chapter 6- Part 3

15 2 0
                                    

PHINEX WORE THE LATEX gloves over her two hands. She has to be careful.

Dapat wala siyang maiwang fingerprint sa mga tagong bahagi ng bahay ni Klaud.

Mahirap na. Baka magsiyasat din ito balang-araw.

Walang surveillance camera sa k'warto ng lalaki kaya hindi niya kailangang mag-alalang baka lihim itong nagmamat'yag sa kanya.

Nakapagmasid na siya sa buong bahay. Kabisado na niya kung anong parte niyon ang abot ng camera.

Walang blind spot sa bahay ni Klaud. Pero ang buong kwarto ng lalaki, walang nakalagay na camera.

Doon nito isinagawa ang mga plano sa mga babae kaya malamang, hindi nito lalagyan ng camera roon.

Binuksan niya ang damitan ng lalaki. As of the moment, it is the safest place she could rummaged on. Kapag gumalaw na siya sa ibang bahagi ng bahay, kailangan na niyang makipag-coordinate ulit sa ibang tao para magpa-edit o magpa-freeze ng mga surveillance camera.

Matalino si Klaud. Tuso. So she has to outsmart him.

Inisa-isa niya ang mga damit ng lalaking nakasabit sa hanger.

Sometimes, Psychopaths left clues on the most usual of things and places. Kaya nahihirapang maghanap ang mga normal na tao dahil hindi nila iniisip na sa isang lantad na lugar lang pala iyon inilalagay ng mga kriminal.

Nang matapos sa paghahalungkat ay isinunod niya ang mga drawer.

Isa-isa niyang binuksan ang mga iyon dahil hindi naman naka-lock. She knew Klaud thought it would be to look unsuspicious.

But she knew better. Alam niyang may tinatago sa bahaging iyon ang lalaki.

After several minutes of turning things over, she found nothing of interest.

Sa ngayon.

Pero babalikan niya ulit ang parteng iyon.

"I don't believe there's nothing in here, Klaud..." aniya sa lalaki na parang nandoon lang ito.

Tumayo na siya't hinubad ang gloves.

It's been a year now since the Chronos Union fell apart. At isang taon na rin siyang hawak sa leeg ng Luxirr Investigation Bureau.

Mula nang bumagsak ang lihim na organisasyong pagmamay-ari ng nakatatandang kapatid ng ina niyang si Kagan Alastor Vonstein o mas kilala sa organisasyon bilang Chronos, nag-iba na rin ang takbo ng buhay ni Phinex.

Mula sa pagiging batikang assassin, naging pobre na lang siyang utusan ng isang pribadong police department mapanatili lang niya ang kalayaan.

Matinik ang Luxirr. Dahil nahuli ang tiyuhin niya sa kagagawan na rin ng Presidente, nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang isa sa mga detective nito hanggang madiskubre ang koneksyon niya sa tiyuhin at sa Chronos Union.

Siya ang sumunod na pinagkainteresan kaya siya ang sumunod na naging target.

Dahil nalantad ang mga naging lihim niyang operasyong pagpatay sa mga Psychopath, nakipag-deal sa kanya ang detective na hindi siya pananagutin sa mga ginawang pagpatay at ito na ang hahawak sa kaso ng mga magulang niyang hindi pa rin nalulutas hanggang ngayon pero titigil na siya sa pagiging assassin at kailangan niya itong tulungan sa imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng ikalawang babaeng ibinahay ni Klaud.

Hindi naniniwala ang pamilya ni Fleur na hindi pa rin nakikita hanggang ngayon na sumama ang babae sa ibang lalaki kaya inilapit ng mga ito ang kaso sa Luxirr.

The Detective's offer sounds good so she accepted it. Kalayaan nga naman at pagbibigay-hustisya sa mga magulang niya ang kapalit.

At dahil malapit siya kay Klaud, kaya niyang mag-imbestiga sa malapitan nang hindi siya mapaghihinalaan.

Walang alam ang lalaki sa naging buhay niya sa piling ng tiyuhin.

Kilala nito si Chronos pero hindi alam ng lalaking may-ari ang matanda ng isang malaking organisasyon.

Ang alam lang ni Klaud, nang dalawang taong gulang siya't maulila sa mga magulang, kinuha siya ng tiyuhin mula sa pangangalaga ng yaya niya't dinala sa Brazil kung saan ito naninirahan noon.

Umuuwi-uwi lang siya sa Pilipinas para magbakasyon.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Phinex sa dating buhay nang tumunog ang cellphone niya.

Dali-dali siyang lumapit sa kama at dinampot iyon.

Si Klaud.

"Teyra mode on..." aniyang tumikhim bago sinagot ang tawag. "Hello, love..." malambing na bungad niya sa lalaki.

She threw the gloves on the floor and laid down on their bed.

"Hi, kumain ka na ba?" tanong ng lalaki.

Napatingin siya sa oras sa cellphone. "Hindi pa..."

"Why? Alas dose na. I told you to eat on time."

She rolled on her back. "Sorry, napasarap kasi ang tulog ko, eh... Kagigising ko lang, love..."

"Gano'n ba... Go downstairs now and eat your lunch. Ayokong malipasan ka ng gutom."

"Okay..."

"Go now, I have the cameras on. Makikita ko kung bababa ka na o hindi pa."

She lazily got up. "Okay... I'll get out of the room now..."

"Very good."

Tumayo na siya't naglakad papunta sa pinto. Binuksan niya iyon at lumabas na para bumaba sa kusina.

"I'm out," aniya habang bumababa ng hagdan.

"Yeah, I can see you now. Damn, why do you look so hot?"

She didn't attempt to hide the wide grin on her face.

"I was born hot, love," pakikisakay niya.

"I missed you already," anang lalaki.

Na-miss mo lang akong ikama... aniya sa isip.

"I missed you, too..." she answered instead.

"I wanna go home tonight," anang lalaking nagpakunot ng noo niya.

"I thought you said—."

"I'll find a way," putol nito sa sasabihin niya.

Damn, mura niya sa isip.

Hindi na naman siya makakagalaw.

"Okay, see you, then..." aniya na lang sa lalaki.

"See you, 'bye for now. Kakain na rin kami."

"Okay."

"I love you," anito bago patayin ang tawag.

"I love you, too," sagot niya.

She waited for him to end the call before she put her phone on the countertop.

"Love, my foot..." bulong niya't lumapit na sa ref para maghanap ng makakain.

He said he left something for her lunch before he leave for work.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon