"Kumusta ang honeymoon, Captain?"
Hindi na kailangang lingunin ni Klio ang nagsalita para malaman kung sino iyon.
"Tigilan mo ako," nangingiting sagot niya sa kaibigan.
Umagapay ito sa paglalakad niya't binangga siya sa balikat.
"Parang iba ang awra natin ngayon, ah. Parang blooming ka," ani Ceriz.
"Ginawa mo pa akong babae."
"Kumusta si Xirah?" pangangamusta nito sa asawa niya.
"Fine," maiksi niyang sagot.
"Go for panganay na ba?" tanong ulit ng kaibigan.
"We'll see..."
Lumiko siya papunta sa Headquarters.
"Na-miss ka ng mga alaga mo."
"Baka na-miss lokohin," sagot niya.
Tumawa ang lalaki. "Ang tahimik nga ng base no'ng wala ka, eh. Akala mo may pa-dasal sa sobrang tahimik. Parang nagbibilang ang mga tao ng araw kung kailan ka babalik."
"Hindi niyo man lang muna ako ibigay sa asawa ko?" biro niya.
"Alam mo namang marami rin ditong ginusto kang mapangasawa, 'di ba?" anang lalaki't tumawa.
"Sira. Huwag mo 'yang ipaparinig kay Teyl."
"Bakit? Is she the jealous type?"
"Hindi naman. I just don't want her to overthink about nonsense stuffs while I'm on duty away from her."
"Naks... Huwarang asawa..." anang kaibigan at binangga ulit ang balikat niya.
"S'yempre. When you've found someone you want to be with for the rest of your life, you'll do you your best to keep her. Mahirap nang mapunta pa siya sa iba. Who wants to see the woman they love happy with someone else, right?"
"May point ka r'yan." Ceriz patted his shoulder. "I'm happy for you, Cen."
"Thanks."
"H'wag mo akong kalilimutan sa binyag ng panganay mo, ha?"
"Of course. Ikaw ang bibili ng lechon, eh."
Tumawa ang lalaki't nag-iba na ng daan. "See you around," anito't naglakad na papunta sa Artillery Department.
Tinanguan lang niya ang kaibigan at naglakad na rin papasok ng Headquarters.
Magre-report kasi siyang nakabalik na siya sa duty. Dadaan lang muna siya sa opisina para tingnan ang mga kasama.
"Welcome back, Captain Cenfino, Sir!" sigaw ng mga ito pagkabukas niya ng pinto.
May pa-confetti pa ang mga sundalo.
"Sa honeymoon ako galing, hindi sa giyera," aniya sa mga lalaki't pinagpag ang mga papel na sumabit sa buhok.
"Bakbakan pa rin 'yon, Sir!" sagot ng isa sa likod.
Natawa sila sa sinabi nito.
"Sino ka? Halika nga rito..." tawag niya sa sundalong nagsalita.
Tawang-tawa namang naglakad palapit sa kanya ang Private.
"Huwag mo akong ibuking!" aniya't pabirong sinakal ang junior.
Tumawa lang ito at tumabi sa kanya.
Inilipat niya ang braso paakbay sa sundalo. "Boodle fight at lunch. Ako ang taya," deklara niya sa mga kasama.
Naghiyawan ang mga ito.
"Kayo ang maglinis ng mga 'to, ha? Baka iwan niyo pa ang mga 'to sa 'kin," biro niya't itinuro ang mga nagkalat na confetti.
"Ito nga sana ang first assignment mo, eh. Ang maglinis," ganting-biro ng isa pang kasamahan.
"Pambihira talaga kayo..." sagot niya.
Napuno ng halakhak ang opisina.
It is what Ceriz is talking about earlier. Na tahimik ang paligid kasi wala siya.
He's the closest officer to the subordinates. Nabibiro kasi siya ng mga ito.
Samantalang sa ibang opisyal, ilag ang mga sundalo.
S'yempre hindi sila gano'n sa labas ng opisina niya. Lalo pa kapag may ibang opisyal silang kasama.
Pero kapag sila-sila lang, hindi sila nauubusan ng mga kalokohan.
"Sir, budget?" anang sundalong katabi niya't inilahad ang palad sa kanya.
"Abonohan mo muna," he answered.
Napakamot ito sa ulo.
"Biro lang," natatawang sagot niya't inalis ang brasong nakaakbay sa lalaki. "Pagbalik ko. Magre-report muna ako sa taas," aniya't pumihit paharap sa pinto. "Pagbalik ko nalinis niyo na 'yan, ha!" sigaw niya nang makitang may ibang opisyal sa hallway pagkabukas niya ng pinto.
"O, Cenfino, nakabalik ka na pala. Kumusta ang honeymoon?"
Naiiling na isinara niya ang pinto. Lahat na lang ba ng tao, kukumustahin ang honeymoon nila ng asawa?
"Fine," maiksi niyang sagot sa kapwa opisyal.
Wala siyang planong ibalandra sa lahat ang mga naging intimate moment nila ng asawa.
Damn, I'm missing her already... aniya sa isip habang naglalakad palampas sa kapwa opisyal.
"Welcome back," anang babae.
Tinanguan lang niya ito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Isa ang babae sa mga nagpapalipad-hangin sa kanya noon. He wants to keep his distance from her as far as possible.
Lalo pa ngayon na gusto na niyang alagaan ang reputasyon sa mga mata ng asawa.

BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mistério / SuspenseThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...